Nakakapagod din palang maging best friend niya lang...
Nakakapagod din pala na suportahan siya ng suportahan kahit na nasasaktan ka na...
Nakakapagod din palang sabihin ng paulit ulit na okay ka lang kung ang totoo ay hindi naman pala...
Nakakapagod din palang ngumiti sa harap niya para maipakitang okay ka lang at masaya ka kung sa loob looban mo, umiiyak at nagdudusa ka na...
Nakakapagod din palang panoorin lang siyang maging masaya na may kasamang iba habang ikaw hinihiling na sana ikaw na lang iyong nasa posisyon ng kasama niya, na sana ikaw na lang ang dahilan kung bakit siya naka-ngiti at masaya...
Pero ano nga bang karapatan mong magreklamo eh best friend ka lang naman niya.
Wala kang karapatang sabihin sa kaniya lahat ng nararamdaman mong inggit, sakit, lungkot at dusa dahil ayaw mong masira ang pagka-kaibigan niyo na matagal mo ng inaalagaan...
Masakit mang isipin na hindi ikaw ang dahilan kung bakit masaya siya, kung bakit naka-ngiti siya...
Mananahimik ka na lang at makikinig sa mga kuwento niya na parang interisado ka pero sa totoo hindi naman...
Makikinig ka sa mga kuwento niyang masaya siya habang may kasamang iba. Habang ikaw, iniisip, pano kaya kung ikaw yung nasa posisyon ng kasama niya magiging masaya din kaya siya?
Iniintay mo siyang mapansin ka niya at yang nararamdaman mo kahit na alam mong imposibleng mangyari iyon...
Iniintay mong sabihin niya rin sayo na mahal ka niya pero ang tagal mo ng nag-aantay ngunit hindi niya padin sinasabi ang katagang "Mahal kita"...
Pero, pinigilan mo na lang ang sarili mo ilabas lahat ng nararamdaman mo at ipakita sa kaniyang masaya ka para sa kaniya.
Dahil, ikaw ay best friend niya lang at wala ng hihigit pa doon. Simula palang, hanggang best friend ka lang niya, hindi ka niya makikita ng higit pa doon at habang tumatagal tinatanggap mo na, na hanggang doon lang ang posisyon mo sa buhay niya.
Kahit na masakit tinanggap mo na lang na hanggang best friend ka lang niya...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
That's it! I'm done with my first entry. Wiieeee, hahaha. #BestfriendZone 💔.Ciao.