[35] It's Official!

3.7K 62 4
                                    

Please vote and comment!

-

Jazrille's POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga nalaman ko kay Gian. Nakakainis sya! Kung alam ko lang na nainvolve sya kay Ashley noon, di ko na dapat sya hinayaan pang magstay dito ngayon.

Kagabi ko pa iniisip to. Dapat hindi ko to pinoproblema e pero ewan ko ba.

Ngayon, nandito ako sa school. Naglalakad na parang zombie dahil sa kakaisip kung paano ko sasabihin kay Ethan or kay Ashley yung usapan namin. I know na hindi dapat ako makialam pero kaibigan ko sila at pinsan ko naman si Gian.

Nakarating na ako sa room namin. Pumasok parin ako kahit patapos na ang semester dahil sa mga requirements na pinapapasa nung prof ko. Pagkatapos naman nito hayahay na ang beauty ko!

Tapos na kasi ang finals namin. Grade na lang ang kulang para makapag enroll ka for the next sem.

-

Maaga namang natapos ang pasahan ng kung ano anong requirements. Kaya tinext ko kaagad sila Rae. Pinapunta ko sila sa tambayan ng players dahil panigurado naman akong nandun sila Ivan.

Speaking of Ivan. Nanliligaw parin sya hanggang ngayon. Hindi man sya sweet na katulad ng ibang manliligaw pero ok na sakin yun. Nagagampanan naman nya yung isang role ng manliligaw. Hindi naman sya nagkukulang sakin.

Naglalakad lakad ako papuntang tambayan ng may biglang tumigil na van sa harap ko.

"Ms. Kailangan mong sumama samin sa ayaw at sa gusto mo." Natulala ako sa sinabi nya.

"WHAT THE! LET GO OFF ME! WALA KAYONG MAPAPALA SAKIN!"

"Manahimik ka miss!" Ang hot naman ng boses ni Kuya! Ano ba Jazrille?! Nakidnap kana, may panahon ka pang magisip nang kung anu-ano. Wow ha, daming time!

"How can I shut up if you'll gonna rape me soon!" Napatigil ako sa sinabi ko at sila naman ay nagsimula nang tumawa. Ano ba? Bakit ba ganito sila?!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! ANG TAAS MO NAMANG MANGARAP MISS. HINDI KITA TYPE NO!" Aba bastos to ah! Nakamask sila at hindi ko makita yung mga mukha nila.

"Joke lang. Maganda ka naman kaso hindi ka namin kayang ganunin. Hindi naman lahat ng lalaki eh ganon. May respeto po kami sayo at sa ibang babae." Bait naman nila kuya pero..

"BAKIT NIYO BA AKO KINIDNAP! IBABA NYO NA AKO!" Ginawa ko na ang lahat ng pwede kong gawin. Nagwala na ako pero walang effect sa kanila!

"Napagutusan lang." Tapos may nilagay silang panyo sa bibig ko then everything went black..

Ivan's POV

Nandito kami sa tambayan ngayon. Wala ng klase dahil tapos na ang finals. Iniintay na lang namin yung grade slip at pinasa yung mga pinagawang requirements and stuffs.

Hindi ko naman kasama si Jaz dito dahil may inaayos parin sya sa mga profs nya. Nagpapasa ng requirements at mga kailangan nyang ipasa. Sabi kasi nya sakin kailangan daw yun para makapasa sya dun sa pinagapplyan nyang club.

Ang dami kong alam no. Ganyan talaga. Kahit hindi naman halata na nanliligaw ako sa kanya, kailangan keep in touch parin. Ayokong sabihin nya na wala akong pake sa kanya kaya inaalam ko lahat ng activities na meron sya. Inaalam ko kung kamusta ba yung studies nya kahit alam kong magaling sya pagdating dun.

Hindi lang naman ako ang nasa tambayan. Nandito din yung apat dahil pupunta daw sila Jaz dito. Maya maya ay dumating na sila Rae. At nagulat at kinabahan ako dahil sa sinabi nya,

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon