Wet me with fire (Chapter 2)

13.8K 165 4
                                    

Chapter 2

Pabagsak na isinara ni Veronica ang pinto ng van na naghatid sa kanila sa school nila Selene at Agatha. Unang araw nila sa Pilipinas matapos ang mahigit apat na taon na paninirahan sa states simula ng mamatay si Iñigo. Kahapon lamang sila nakarating at kahapon pa siya nanggagalaiti sa inis.

Ang totoo niyan ay ayaw niyang umuwi pabalik ng Pilipinas sa kadahilanang ayaw niyang mag-aral sa local school. Pangalawa pa niyan ay nagpaiwan ang Mama Miranda niya sa ibang bansa at iniwan sila sa pangangalaga ng kanyang madrasta.

“Napakamaldita mo talagang bata ka! Isusumbong kita kay Señora Natalia nang mapagalitan ka niya!” galit na bulyaw sa kanya ni Adora, ang dakilang mayordoma sa kanilang mansion.

Hindi naman nito kailangang sumabay sa kanila. Nagpumilit lamang ito na makisakay dahil mamimili daw ito ng mga stocks para sa bahay. Isang bagay iyon na alam  niyang kabulaanan. Halata namang si Rodolfo ang habol nito sa pagsabay sa kanila dahil kanina pa nito nilalandi ang driver nila.

“Fuck you, slave! Sana masagasaan kayo!” asik  niya sa mga ito sabay takbo sa school’s gate.

“Humanda ka sa akin pag-uwi mong bata ka!” nanggigigil na pahabol nito. She only replied with a dirty finger then entered the campus.

Bahagya siyang nakaramdam ng kasiyahan at kaginhawaan sa kaalamang naasar niya ang katulong nilang si Adora. Agad namang napalis iyon nang makita niya si Anton. Pangatlong dahilan pa pala ang half-brother niyang iyon. Hindi lamang nila ito kasabay sa sasakyan dahil may sarili itong service. Nasa fourth-year high school na ito samantalang silang tatlo ay nasa third-year high school pa lamang.

Hindi na  niya matanaw pa ang mga half-sisters niya, marahil ay nakapasok na ang mga ito sa mga sari-sariling classroom. Iignorahin sana niya si Anton kaso ay nilapitan siya nito. Brusko ang katawan nito kahit wala naman itong ginagawa sa mansion kundi ang kumain at matulog. Napakatangkad din nito, katunayan ay ito ang pinakamatangkad sa lahat ng mga kabarkada nito. At napakaangas ng mukha nito na may ngiting taglay na laging nagyayabang. Naroroon pa rin ang pilat sa noo nito na dulot nang pagbato niya ng vase noong mga bata pa sila. Mas lalo lamang iyong nagdagdag ng character sa matured looks nito.

“Hey, bastard! Where are you going? Trying to escape from me, scared little pussy-cat?” tatawa-tawang saad nito. Nagsitawanan din ang mga kasamahan nito.

“Leave me alone, asshole. I don’t want you to ruin my day,” matapang na turan niya. Hindi siya kailanman natakot dito. Being coward isn’t in her vocabulary.

“I’m starting to like you, bitch. Your tough and I love that. But don’t play hard with me, you may end up crying under mama’s skirt,” muli ay nagtawanan ang mga ito. Nag-uumpisa na siyang mapikon dahil kanina pamandin mainit ang ulo niya.

“No, Anton maybe you were the one who will end up crying inside Tita Natalia’s bikini,” nakangising pahayag niya. Nagalak siya nang magsitawanan din ang mga kaibigan nito.

Pinagalitan nito ang mga kabarkada nito at hinawakan ang braso niya. “Give me your money, Veronica or else I will crack your bone.”

“Why will I do that? I’m not your mommy, jerk!” Akmang sasampalin sana siya nito nang biglang mag-ring ang bell ng school.

“You are lucky, bitch. Thanks the bell for saving you but next time I’ll assure you, you will end up crying like a baby for messing with me,” he warned. Binitiwan siya nito at umalis na kasama ang mga barkada. Inayos  niya ang sarili at hinayon nang tingin ang papalayong bulto ng mga ito.

Hahanapin na sana niya ang kanyang room nang matanawang bigla na lamang nadulas ang mga ito at pagtawanan ng lahat ng mga nakakita. Ang bilis nga naman ng karma. Natatawa sa isip na umakyat siya sa ikalawang palapag ng gusali kung nasaan ang room ng mga third-year high school. Mula sa baba ng building ay nagtaka siya nang may mag-thumbs up sa kanyang isang dalagita. Umalis din naman ito agad. Hindi na lamang niya ito pinansin pa at nagpatuloy na sa paghahanap sa kanyang classroom.

Wet Me With Fire (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon