Wet me with fire (Chapter 3)

10.2K 147 7
                                    

Chapter 3

Hindi sigurado si Veronica kung ano ang sumunod na kumalabog na iyon o kung saan man iyon nagmula o kung sino man ang may puno't dulo ng ingay na iyon. Isa lamang ang alam niya, may nabangga silang tao!

"May nasagasaan tayo, Beki."

"Punyeta, wala namang tao sa daan kanina. Bakit bigla na lang may sumulpot sa harap?" Magkahalong pag-kaasar at takot ang nasa tinig nito.

"Buhay pa kaya?"

"Huwag mo akong tanungin. Tara babain natin." Magkapanabay na bumaba sila ng kotse at sinilip sa ilalim niyon ang naipit na katawan ng nabangga nila.

Si Rebecca ang kumalabit sa katawan ng nakahandusay na lalaki kung buhay pa ba ito o hindi, walang pagkilos at paggalaw na reaksyon ito. Wala rin silang marinig na paghinga. Senyales lamang iyon na wala na itong buhay.

"Tulungan mo akong tanggalin ito sa ilalim ng kotse." Magkatulong nilang hinatak ang katawan ng lalaki. Itinihaya nila ang bangkay niyon at laking gulat na lamang nila nang makita mula sa malamlam na liwanag ng street lights at headlights ng kotse ang kalunos-lunos na mukha nito. Mata lamang ang halos walang latay, lahat ng parte ng mukha nito ay ginilitan ng kutsilyo o anumang matulis na bagay! Puro dugo din ang katawan nito at may malaking sugat sa leeg na hanggang ngayon ay may umaagos pa ring dugo! Punit-punit din ang damit nitong tigbak sa saksak at taga!

"Fucking shit!" she cursed loudly.

"Sakay na, Nica!" bulyaw sa kanya ng kaibigan na nagmamadaling tumakbo pabalik sa loob ng sasakyan. "Tang-ina! Tang-ina talaga!" sunod-sunod na mura nito. Nanginginig na muli nitong pinagrebolusyon ang kotse at iniatras iyon palayo bago pinasibad iyon sa kahabaan ng highway.

Naisukbit niya ang seatbelt sa labis na bilis na pagpapatakbo nito. "Holy crap, Rebecca slowdown! We are far from the corpse. God, you're waking the shit out of me!" Binuksan niya ang bintana ng kotse at sumuka sa labas niyon.

"Sorry, nag-panic lang." Binagalan na nito ang pagpapatakbo hanggang sa makarating sila sa kanyang bahay.

Matulin siyang bumaba ng sasakyan at nagpaalam dito. "Bye, take care. Don't speed up. Call me when you reach your house."

"Okay, goodnight!" Umandar nang muli ang kotse, hindi na niya hinintay pang makalayo iyon bago nagkukumahog na sinusian ang pedestrian gate. Halos madapa't madulas siya nang takbuhin niya ang pagpasok sa mansion. Hindi naman siya muling napansin ng guard sapagkat tulog pa rin ito.

"Damn!" she shrieked when she saw shadows walking behind her. Her breath held for a moment. Nanindig ang balahibo niya ng unti-unting lumapit ang anino. At napabuga rin ng hangin nang makasalubong niya si Agatha na siyang may likha ng anino, bitbit nito si Charlotte. "The hell with you, snotface! You gonna kill me!"

"Saan ka ba galing? Kanina ka pa wala, ah. Bakit ganyan ang suot mo mukha kang belyas?"

"Buwisit ka! Bakit pala nasa iyo 'yang manyika ko?"

"Nakita ko lang 'to na pakalat-kalat dito pagbaba ko para kumuha ng tubig sa ref." Imposible! Iniwan niya sa kama si Charlotte bago siya umalis at tinabunan pa nga niya ito ng kumot. Siguradong-sigurado siya roon. Pinagsisinungalingan lamang siya marahil ni Agatha.

"Tse! Huwag mo kong lokohin! Pumasok ka siguro sa kwarto ko, 'no?"

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Nakakatakot kaya sa kwarto mo at may nakita akong anino ng lalaki kanina," nanlalaking matang sabi nito. Hinaklit niya si Charlotte mula rito at inirapan ito.

"Buwisit ka talaga! Diyan ka na nga!" Binuksan niya ang pinto ng kanyang silid at kinapa sa dingding ang switch ng ilaw. Nang magliwanag sa loob ay nagpalingalinga siya sa kabuuan ng kwarto bago pumasok roon.

Wet Me With Fire (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon