Chapter 1:Anniversary

42 0 0
                                    

Andrea's POV

deng! deng! deng!

Bigla ako bumagon ng marinig si mama na sumigaw.

"Baaaakit" natatamad kong sabi habang kinakamot ang ulo ko.

"Andeng naman eh, alas syete na! Malalate ka na"

"Ha?!"

Tumayo ako bigla at tumakbo papuntang banyo at naligo ng mabilisan

My gosh late na ako

Pagkatapos ng limang minuto ay lumabas na ako sa banyo na nakatapis ng towel at pumunta sa harap ng closet para mamili ng damit.

Pinili ko ang white skinny jeans ko at emerald colored sleeveless turtle neck. Sinuot ko ito at humarap sa salamin para mag ayos ng buhok, sinuklayan ko nalang ang buhok ko kasi basa pa, tapos kuha ng bag...at diretso labas sa kuwarto.
 
"Andeng! 7:30 na, biyahe ka pa!" sigaw ulit ni mama.

Mas lalo akong nataranta at nagmadaling sinuot ang white shoes ko at tumakbo pababa ng hagdan.

"Uy deng dahan dahan naman pagbaba sa hagdan baka ano pang manyare sayo nyan" sita ni papa.

"Sorry pa, late na kasi ako eh"

"Ano oras ba trabaho mo?" Tanong ni papa.

"Mga 8' o clock"

"Ha? Ba't ka nag mamadali eh 7:00 pa lang ah"

Napatigil ako at tumingin ulit sa orasan para maconfirm kung tama ba talaga si papa.

Shucks! 7:00 pa nga

Tinawanan ako ni papa dahil sa reaction ko.

"Advance nanaman ba ang orasan ng mama mo?" Tanong ni papa sabay tawa ulit.

Napatawa nalang rin ako sa katangahan ko, di na ako na sanay na lagi advanced si mama.

Umupo ako sa lamesa at kumain ng breakfast.

Mabilis lang ako natapos at aalis na.

"Bye ma! Bye pa!" Sigaw ko bago lumabas sa aming munting gate.

Ewan ko ba ba't may gate pa kami eh siguro isang talon lamang yan magnanakaw eh.

************************************
Dumating ako sa studio ng 7:55am, buti naman maaga ako nakarating kasi importante tong shooting na toh eh.

Nga pala ang trabaho ko ay isang make up artist sa mga photoshoot minsan sa mga artista, sakto lang ang sweldo ko para sa pangagailangan naming pamilya kaya mahal na mahal ko tong trabaho ko eh.

Sobrang importante ng shoot na toh dahil bibisita si Eugine Domingo.  Ang idol namin ni mama at ako ang magmamake up sa kanya.

Tinulak ko ang glass door namin at binati ako Levi, ang baklang kaibigan ko.

"Uy besh, aga mo today ah, may something special ba today?" Tanong ni Levi.

"Hmm, parang wala naman"

Parang feeling ko meron eh

"Yun totoo? Haha char"

Ngumiti ako sa pagiging makulit ni Levi.

"Ay besh, asan si Kyrie?" Tanong ko.

"Ewan ko dun" sagot ni Levi bago bumalik sa pagkikipag usap sa camera man.

Inaayos ko na ang mga gamit ko sa table ko at nagmakeup na rin ako.

Maya-maya ay dumating na si Kyrie ang isa ko pang kaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kakayanin ko pa ba?Where stories live. Discover now