Ayoko na, sawa na ko...
Galit ako sa aking sarili.
Galit ako sa taglay ko'ng ugali.
Ayoko na, gusto ko nalang magpahinga.
Magpahinga, na parang buhay ay di mahalaga.Ayoko na,sawa na kong maging mabait.
Dahil lagi nalang ako'ng minamalupit.
Binibigyan nila nang ibang kahulugan.
Kabaitan ko sa iba, sabi nila ay kaplastikan.Ayoko na, sawa na kong magtiwala.
Takot na kong mahusgahan ng mga nanghihinala.
Bakit ba kasi ang bilis kong magtiwala?
Di ko alam, pagtalikod ko, ako'y hindi naman pala isang kawala.Ayoko na, sawa na kong maging masiyahin.
Sawa na ko, grabe sila kung ako'y abusuhin.
Kahit kasi anong panghuhusga ang gawin nila.
Ngiti at tawa lang ang kaya kong ipakita.Ayoko na, sawa na kong lumaban.
Gusto ko nalang manahimik at umuwi ng luhaan.
Kahit kailan, hindi ako mananalo.
Sa mga taong walang ginawa, kundi ang husgahan ako.Ayoko na, ayoko nang mabuhay dito sa lupain.
Tao lang din ako, may damdamin at nasasaktan din.
Hanggang kelan ba ko magsusuot ng maskara?
Hanggang kelan ko ba, kayang kimkimin ang lahat ng nadarama?Ayoko na, suko na ko.
Sana, panaghinip nalang ang lahat ng to.
Sana hindi ito ang buhay ko.
Sana, sana maging masaya na ko.written by:jayelee