Swimming class.

90 10 16
                                    

Julee's POV

"Juls! Kanina ka pa? Ang traffic jusko, muntikan na akong malate." Hinihingal na sambit ni Dee. "Bat hindi ka pa nagbibihis?"

Inilapag niya ang mga gamit niya at naghubad ng damit. Ganito talaga kami, hindi uso ang hiya sa amin.

"Wala pa si coach eh." Malungkot na sambit ko.

I was talking about Dom. Coach namin sa swimming class. He's also a student, not the typical coach na gurang though may ibang coach naman dito na hottie. Sadyang si Dom lang talaga ang nakaagaw ng atensyon ko. Maybe dahil sa laki ng alaga—este sa laki ng puso niya.

"Dadating din yun! Magbihis ka na at maya maya lang ay tatawagin na tayo sa pool. Gusto mo bang mapagalitan?"

"Eto na nga eh, magbibihis na." Nakasimangot kong sagot at pumasok sa cubicle.

Ang aga ko pa naman gumising para makita siya nang mas matagal tapos late naman pala. Sayang effort hmp.

Pagkatapos namin magpalit nang damit ni Dee ay pumunta na kami sa pool. And as usual, 10 times bubbles na naman. After ng bubbles, binigyan na kami ng kanya kanyang number. Natapat ako sa number 5 which is sa bandang dulo ang pwesto.

Pumunta ako sa pwesto ko habang naghihintay na matawag ako. Suddenly, someone showed up. I'm not smiling but my heart does. Kinikilig na agad ako sa tabs niya.

There he is. My one and only, Dom.

"Dom, sa dulo ka." Tumango ito bago lumubog sa pool kung saan doon ako nakapila.

Sabi na eh. Pinaglalapit talaga kami ng tadhana! Napalingon ako kay Dee na nakatingin din sa akin at talagang nakangiti pa. Eto naman, di nga ako ngumingiti para hindi masyadong halata eh.

"Next!" Sigaw ng head coach.

Bumaba ako sa pool. Nagkatinginan kami ni Dom pero mabilis naman itong umiwas. Masyado siguro akong maganda kaya hindi niya kayang tumitig ng matagal. Baka kasi mainlove siya.

"Do the butterfly in one, two, three!"

Thank you coach ha. Kung kailan nasa harapan ko si Dom, butterfly pa talaga ang naisipan niyong ipagawa. Sana kahit freestyle nalang! Jusko ano itsura ko neto? Hmp.

Kahit labag sa loob ay nag-butterfly ako. Luckily, nagawa ko naman ng maayos. Then I saw Dom smiling at me...

"Nice one. Gumagaling ka lalo ah. Konti nalang mas magaling ka na ata sa akin." Kasabay nang pagngiti niya ang pagkawala ng mga mata niya. "Hi Dee,"

"Hello coach."

"Ang init no? Iitim ka dito tulad ko. Tingnan mo nangyari sa kulay ko." Ngumiti lang ako sa kanya. Madaldal siya. Palangiti. "Pero enjoy naman diba?"

Bakit ako nakakaramdam ng selos? Porket ba hindi ako kaputian hindi niya na ako tatanungin kung mainit din ba. Hmp.

"Oo nga eh. Pero okay lang, para sa grade."

"Oo nga." I tried my best to hide my jealousy. "Tsaka sulit naman ang swimming class eh. Madami kaming natututunan tsaka madaming nakikita."

Tumango ito bilang sagot. Napansin ko na panay ang sulyap niya kay Dee. Hindi ko alam kung napapansin din ba iyon ng kaibigan ko.

"Pwede mo ba akong turuan mag floating, coach?" I said.

"Oo naman, sige."

Halos mapunit ang labi ko sa lawak ng ngiti ko. Para-paraan para sa kinabukasan. Charot. Gusto ko lang talaga matuto mag-floating. That's it.

"Higa ka lang. Relax your body. Stomach in, chest out tapos tingin sa taas." Chest out daw. Paano pag walang ganun? Huhuhu.

Kahit na walang maitulak palabas ay ginawa ko pa din ang sinabi niya. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa batok ko. Naka-alalay lang siya hanggang sa naka-ilang beses na kaming paikot-ikot.

Swimming ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon