Chapter 3: #Ouch

29 1 0
                                    

Habang busy si Kyle sa pagrereview sa kanyang linya, naglalaro naman si Valerie ng ballpen habang hinihintay ang kanilang turn para mag perform. Habang pinaikot-ikot niya sa kanyang mga daliri ang ballpen, iniisip din niya kung ano kaya ang ginawa ng kanyang partner at ni Aesha noong magkasama silang umuwi.

“Ms. Del Rio and Mr. Kim!” sabi ng kanilang guro. Agad namang umakyat sa platform ang magkapartner.

Unang nagsalita si Valerie. Sumabat naman si Kyle. Habang tinitingnan ni Valerie ang partner na nagsasalita, hindi nito maiwasang isipin rin kung ano ang nagyari sa kanila ng kanyang bestfriend. “Hey! It’s your turn!” bulong ni Kyle kay Valerie na nakatulala. Napagtanto ng dalaga na siya na pala ang magsasalita. “Oh I’m sorry!” sabi ni Val sa malakas na boses.

Nagtaka si Kyle dahil wala sa kanilang pinagpraktisan ang sinabi ng kapartner. Napadilat mata naman si Val dahil sa out of this world niyang sinabi. “I’m sorry! I’m sorry, but you have to do what I say. I will not allow you!” ani niya na kunwaring hindi siya nagkamali. Mabuti naman at naki vibes din ang mali niya sa linyang sasabihin niya.

Pagkatapos nilang mag perform ay pinalakpakan sila ng kanilang mga kaklase. Kinungratulate naman ni Kyle si Val kahit na ito ay nagkamali.

“Hey! Let’s go watch some movies! My treat!” sabi ni Kyle kay Val ng makalabas na sila sa kanilang classroom. Napadilat mata naman si Val nang marinig niya ito. “But…but…” sagot  niya. “No buts! It’s my way of thanking you for doing a good job, and for helping me of course” ani ni Kyle. Wala namang magawa si Val dahil kahit mag reason out man siya ay umalis na ang binata.

“Lokong yun! Di man lang ako binigyan ng pagkakataong magsalita! No buts ka dyan! Eh batbatin ko kaya yang mukha mo!” ani ni Val na inis na inis kay Kyle. Nagtaka siya kung bakit inimbita siya nitong manood ng sine eh grabeh naman yung way of pasasalamat niya, at nagtaka rin siya kung ano kaya ang ginawa nila ng kanyang bestfriend noong Sabado.

Hanggang gabi, di parin mawala sa isip ni Val ang pag-invite ni Kyle sa kanya, at ano ang ginawa ni Kyle at Aesha.

Paano pag nalaman ng kanyang bestfriend na ininvite siya nitong manood ng sine, baka magselos ito. Hindi rin naman niya alam kung ano talaga  ang nangyari sa kanila, o sila na ba. 

Sa gitna ng kanyang pagdududa, tinanong nalang ni Val ang best friend para mag rest in peace na ang utak niya.

“Teh, ano ginawa nyu ni Kyle pag-uwi nyo? Hehe. May nangyari ba? Tanong lang” text ni Val sa bestfriend nitong si Aesha.

“Ayun nga malas kasi walang nangyari” reply ng kanyang kaibigan.

Guminhawa bigla ang loob ni Val ng mabasa ang reply ni Aesha. “Eh anong ginawa nyo?” dagdag niya.

“Ayun, hinatid lang niya ako sa bahay. Nakalibre ako ng pamasahe” text ni Aesha.

“Ah ganun ba”ani naman ni Val.

“Tsaka may gf siya sa Korea noh, text niya sakin kagabi” reply ulit ng kanyang kaibigan.

Napatulala si Valerie ng mabasa nito ang text ng kaibigan. Nagtaka ulit siya kung bakit inivite siya ni Kyle eh may girlfriend naman pala ito, oh baka ginawa lang siyang pampalipas oras ng binata habang malayo ito sa kanyang nobya.

“Hindi pwede to! Anong akala niya sa’kin!” bulong ni Val sa kanyang sarili.

Naglalakad si Valerie sa hall ng kanilang school na parang may malalim na iniisip. Para itong zombie na naglalakad sa pagka slow ng kanyang paghakbang; plus sinamahan pa ng nakayukong ulo kaya ayun, zombie na talaga!

Iniisip niya si Kyle at ang sinabi ni Aesha. Di niya maiwasang mag self pitty habang iniisip niya ito. Nagseself pitty siya kasi para sa kanya pampalipas oras lang siya, at nagseself pitty rin siya kasi aminado siyang type niya ang binata.

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon