chapter 18

510 13 0
                                    

"DYLLAN"




"Amusement park?" Nag tatakang tanong ni boss!














"Ito lang po kasi ang naisip ko na lugar para makalimutan niyo kahit papano ang problema niyo" tugon ko.

















"Well then....lets go!" Sabay hila sakin ni boss papasok!















Nakakatuwa lang na biglang lumambot ang pakikitungo niya sakin ngayon samantalang kanina ay halos pamukha niya sakin kung ano lang ang posisyon ko!


















Dahil dinamdam ko yon ay agad ako nag paalam para lumabas na at mag tungo sa parking lot at doon nag kulong sa kotse!




















At ilang sandali pa ay nagulat ako ng makita sa labas ng bintana ng kotse si mam Mindy na kausap yung ex boyfriend niya at tila nag aaway sila!















Dahil tinted ang salamin ay nakikita ko lang sila at hindi nadidinig! Base sa ekspresyon nila ay mukhang nag-aaway sila hanggang sa umiyak na si boss!



















Gustuhin ko man siyang daluhan ay hindi ko magawa dahil ayokong mag mukha na naman akong pakialamero sa pagitan nila!



















Hanggang sa iwanan na siya ng lalaki! Kaya naman nag pasya na akong lumabas at abutan siya ng panyo ngunit imbis na abutin yon ay bigla niya akong niyakap!


















Lahat ng galit na naramdaman ko kanina ay nawala ng madinig ko na ang mga hikbi niya!













Hinayaan ko lang siyang umiyak at inalo ko naman siya!



















Hanggang sa marating na namin ang amusement park kung saan madalas naming tambayan ng kapatid ko!














"Wow!" Manghang sambit niya na nag pauntag saking pag-iisip! "ngayon lang ako nakarating sa lugar na ito alam mo ba yun?" Tanong niya pa sakin na ikina kunot ng noo ko! "Alam kong nag tataka ka dahil sa estado ng buhay ko ay hindi ko pa napupuntahan ang lugar na ito! Masyado kasing strict si daddy at mommy! Ayaw nila sa gantong lugar! Masyadong matao!" Kwento niya. "Salamat at dinala mo ako dito! Dy-dyllan" nauutal pang dagdag niya.

















"Dito po kasi kami madalas mag punta ng kapatid ko at sa tuwing dinadala ko siya dito ay kasiyahan ang nakikita ko sa kanya kaya naisip ko po na baka ganoon din ang maging mood niyo!" Paliwanag ko .

















"Mas sasaya siguro ako kung sasakyan natin lahat ng rides dito!" Nananabik na sambit niya pa!














"O-okay po!" Nag aalangang tugon ko!
















At ang sumunod na pangyayari ay talaga namang gusto kong pag sisihan!
















Inaya niya akong sumakay ng sumakay sa mga rides na talaga namang aking kinatatakutan!
















Achor's away, space shuttle, surf dance, star flier, wild river at kung ano-ano pa!
















"Woooooo!" Sigaw niya! Habang ako ay nanginginig nasa takot at anomang oras ay mukhang babaliktad na ang aking sikmura!
"Last but not totally not the least... ferris wheel!" Muli ay aya niya! Nag patianod nalang ako.


















Mag-gagabi na noon kaya naman kitang-kita namin ang ningning ng kapaligaran mula sa tuktok ng ferris wheel!
















Samantalang ako naman ay buong tuwang pinag-mamasdan ang ganda ng ngiti ng kaharap ko ngayon!















Hindi lang ako makapaniwala na kasama ko ang amo ko at naka bonding ko pa sa pamamasyal at higit sa lahat...NAPASAYA KO SIYA.

^my Lady Boss^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon