9

19 3 0
                                    


"Tara, uwi ka na" Nabigla nalang ako ng sabihin niya yun.

"Hindi ba pwedeng kumain muna ako? Kasisimula ko palang oh? Niyayaya mo na agad akong umalis, eh kung kanina ka pa sana nag-yaya." Pamimilosopo ko sa kanya. Ang ganda-ganda na nga ng pag-kain ko, paaalisin na niya ako."Oh? Edi kumain ka muna. Wala naman akong sinabi na ngayon na diba?" Hindi ko na siya pinansin, busy ako sa lamon ng masasarap na pagkain kahit na agahan lang toh. Breakfast is the important meal talaga.

Katatapos lang namin kumain at ngayon naman feel na feel ko na ang resulta ng pagcareer ko kanina sa pag-kain. Grabe parang sasabog na ata bituka ko. Hinimas-himas ko na lamang ito upang matulungang mag-digest ( according to my theory lang toh ) Then biglang sumingit or should I say 'Humarang' ang makulit "Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang tao na naka-ubos ng pagkain dun?" I put-up an 'Eh-face'

"No. No, I don't. Hindi naman kasi ako nakatira dito diba?" Bat ba ang dami niyang tanong? At masyado namang obvious yung mga tanong niya. Pwede naman siyang magtanong about sa geometry,physics, etc. Wag lang jan sa mga bagay na obvious na nga, itatanong pa.

"Oh? Tara lets na! Akala ko ba 'tara, uwi ka na'?" Napansin kong umiba expression ni Shon sa sinabi ni Josh

"Sino ba nagsabi sayo na sasama ka?!" Pananaray niya rito, masyado atang na kakatense ang brother to brother relationship nila. "May binanggit ka bang pangalan kanina?! Wala naman ah!"Grabe ang Aura ng dalawang toh. Parang sila ang magcocompose ng World War III, ayoko na lumapit sa kanila.

"Eh, bingi ka pala eh!" Oh ayan na nga ba sinasabi ko eh! Hindi talaga nagkakamali mga Teorya ko eh!

"I-flashback ko pa eh!" Dagdag na saad ni Shon "Wag na! Walang flashback ang magaganap, masyado niyong pinapahaba ang mga bagay eh" awat ko nalang sa kanila, masyado na kasing hassle kapag nag-flashback pa. "Sasama nalang ako, tutal gusto ko namang umuwi eh"Napansin kong umiba expression ng mukha ni Josh, kaso hindi ko ito mapinta. Sabihin nalang natin na naka-pokerface ito para walang problema.

Nagsimula na ako sa paglalakad "Oh? Saan ka pupunta?" Tanung ni Shon "Hindi ba obvious? Edi papunta sa Gate" May kunting aalinlangan siya sa pagtawa "Kaya mo?" Ano bang pinagsasabi niya, agad akong napatingin sa kung saan ang gate. Ay? Ang O.A ang layo hah. Parang ang lapit lang niyan nung isang araw ah. Anyare? "Naka-kotse kasi tayo nun" Agad na lumipat paningin ko sa kanya. Nabasa nanaman niya ang nasa isip ko, yung totoo? "Eh, malay ko ba!

****

Andito na ako sa harap ng bahay namin. Oh? Ang bilis diba. Ganun talaga kapag tinatamad ang author mag-explain sa mga nangyayari kaya shinorcut nalang niya.

"Yaya!" Pasigaw na tawag ng kapatid ko at as always nagkukunwari siya na hindi niya ako kapatid. Ok lang sanay na rin ako.

"Bakit tinatawag kang 'Yaya' ng kapatid mo?" Tanong ni Shon. Agad naman akong napatingin sa kanya. Paano niya nalaman na kapatid ko siya? Telepathic ba ang taong toh?!

"Huh?! Anong kapatid? Ikaw OPPA hah! Wag po kayong masyado maging mabait jan, baka abusuhin kayo niyan" eh? Oppa? Eh ang layo ng lalaking toh sa Oppa eh. Epekto nga naman ng Kdrama.

"Huy! Pumasok ka na nga dun! Sige ka! iitim ka!" Agad naman siyang kunaripas pabalik sa loob ng bahay. Ang arte niya talaga pagdating sa kukay niya.

Bumalik naman agad ang attention ko sa lalaking tinawag ng kapatid ko na OPPA. "So? Ano na 'OPPA' wala ka bang balak umalis?" Agad namang umiba expression niya. "Grabe! Wag kang mag-Oppa sa akin, hindi bagay sayo!" Sumakay na lang siya at umalis. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o ma-oofebd sa sinabi niya.

Next day

Grabe nakadalawang araw na akong absent, so much for perfect attendance. Umupo na ako sa desk ko at nagbasa ng libro and guess what, napacontact lens ako ng wala sa oras dahil nagka-crack ang isa sa lens ng salamin ko at pinaayos ko pa ito. Kaya tiis-tiis muna ako sa contacts.

Napansin ko namang madaming mata ang nakatitig sa akin. Siguro nag-aalala sila na baka may quiz or something kasi nga nagbabasa ako. Ewan, bahala sila diyan.

"Oh my God! Clair?! Is that you?!" Pamimilosopong reaksyon ni Jazz
"Look at you! You look...." Napatigil si Brian sa sasabihin niya kasi alam na ng mga barkada niya na walang kwenta nanaman ang lalabas sa bunganga niya kaya shut up nalang siya. "Anyare sa salamin mo? Nakalimutan mo ba kung saan mo nilagay, LOLA?" Sabay tawanan nilang lahat.

Hindi actually nabasag talaga siya, sumuko na siya kasi palaging ikaw nalang nakikita niya. Kung pwede ko lang talaga sabihin yun sa kanya. Kaso hindi ko kaya, masyado akong mahina para gawin iyon. Kaya napatingin nalang ako sa ibaba.

"Anong masasabi mo sa kanya, Josh?" Tanung naman ni Faye. Tsk. Ano nanaman kayang masamang comment or gagawin niya sa akin? Kinakabahan tuloy ako, yung last time na ginawa niyang masama sa akin ay yung time na tinapon niya sa basurahan ang salamin ko at dahil dun ayun na nga hindi ko napansin na may crack na pala.

Napatingin ako kay Josh, eye to eye. Nakatitig ako sa kanya na walang emotion. At siya naman, hindi ko mapinta ang expression kaya hindi ako sigurado kung anong nasa isip niya.

"Sorry"

Vote and Comment ❣

Sorry for the long wait. School work drags me from updating eh. So, I hope that this is worth the wait.

S T R I K E R XIII

Black BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon