Layla's POV
Waaaahhhhhh!!!, Late na ako sa work! Mabubulyawan na naman ako ng boss ko. Lagi naman ganito eh, sabi nga ni mama "Laging last two minutes" kung kumilos. Madaliang ligo na lang ginawa ko hindi na nakapag-blower ng buhok ko at hindi na din nakapagalmusal. "Badtrip naman tong umaga na ito", nasambit ko na lang sa sarili ko. "Ma, papunta ka na ba sa work mo? Pasabay na ako, matagal pa kasi pag nagpabook sa UBER or GRAB super late na ako." At ayun na nga, pag-dating sa work sangkatutak na paper works ang nakaabang sa akin, sabayan pa ng maasim na mukha ng boss ko. Malapit na daw akong ma-fire sa work, last warning na daw. Paano ba naman kasi walang araw na hindi ako late. "Layla! I need this paper done early in the morning tomorrow", pasinghal na sabi ng boss ko. "Yes Sir" sagot ko. Araw-araw ganito ang simula ng araw ko. Nasanay na din kasi akong ganito. By the way, ako nga pala si Layla Summers, 23 years old at office worker sa Makati. Sabi ng mga kaibigan ko maganda daw ako, well, di ko pinapansin kasi tingin ko hindi naman mababa kasi self-esteem ko. Medyo matangkad ako, pang model nga daw sabi ng iba di lang talga ako mahilig mag-ayos, natural beauty kumbaga. Nakakapagtaka ba na Summers ang last name ko? Pang-foreigner no? Australian kasi yung dad ko, pero he passed away when I was 5 years old, so kami na lang ni mama ang magkasama.
Anyways, tama na nga ang drama. Eto ako ngayon sa canteen, inabutan na ng late lunch yung mga gawain ko. Kasama ko yung mga friends ko sa office sina Macky at Aimee, well sila lang din naman talaga mga close friends ko medyo may pagka-introvert kasi ako. Si Macky, bungangerang bading, while Aimee isang nerd at bookworm. Pasubo na ako ng inorder kong carbonara ng biglang may narinig akong "*Click*"-shutter sound ng camera. "Aimee, narinig mo yun?", tanong ko kay Aimee. Bahagya namang umiling si Aimee na busyng-busy sa binabasa niyang libro, sa totoo na lang mukha na siyang libro. "Macky! kinukuhaan mo na naman ako ng stolen shots no ? ipopost mo na naman yan sa Facebook na nakanganga ako", pambibintang ko kay Macky. "Bruha ka! puro ka bintang kita mong di ko hawak cell phone ko" daing naman ni Macky. Binaliwala ko na lang kasi baka napaparanoid lang ako ang dami namang tao sa canteen baka may nagseselfie lang.
Pabalik na kami sa office ng mabangga ako sa isang poste. Teka, teka, di pala poste tao pala. "Sorry po" sabi ko. Inignore naman ako nung guy at nagmamadaling umalis. Di ko matandaan mukha nya pero matangkad siyo naka-cap at nakahoodie jacket na may naka-kwintas na camera. Baka photographer siya. Kung photographer siya, bakit siya nagtatago. Baka paparazzi hehehe. Habang nag-iisip ako biglang nag-buzz phone ko.
Fr: +63917*******
"Hi pretty"
Unknown number. Sino kaya to?
Austin's POV
Ang boring naman dito sa bahay. Punta nga muna ako sa company gusto ko kuhaan ng shots yung company ni Daddy since kararating ko lang galing US at para na din kulitin ang Ate Kirsten ko na pinakaclose ko sa lahat. Pikon kasi yun eh. Andito na ang pinakapogi niyang kapatid! Ako nga pala si Austin Cameron, isa akong photographer sa US, I quit my job there and decided to stay in the Philipines for good.
Andito na ako ngayon sa company, ang Style and Click isang sikat na clothing brand. Marami na kaming branches and my separate building kami for office works. Ang sarap naman tumambay dito sa company mukha kasing mall. Nice Dad and Sis! Sila kasi ang nagpapatakbo itong company since wala naman akong alam sa ganito. I'm happy with just a camera in my life. Habang naglalakad-lakad ako, may nakita akong isang magandang babae. Parang model, perfect subject sa isang photoshoot. Papunta siya sa canteen so sinundan ko siya. Patago akong umupo sa table malapit sa kinarororoonan niya. Ang cute niya kumain. Ang ganda-ganda niya, parang anghel sa lupa. Kuhaan ko kaya ng picture, cellphone na lang gagmitin ko para hindi halata. *Click* Patay ! hindi ko pala na-off yung shutter sound. Napalingon siya sa may place ko. Nagpa-as if ako na walang ginawa. Nakapout siyang nakikipag-usap sa mga kasama niya. Ang cute niya. Pinagmsdan ko lang siya habang kumakain. Nang matapos na siya ay umalis na. Sinundan ko siya pero dumaan ako sa kabilang pinto habang nakayukong naglalakad. Nang mabangga ako sakanya. Shit! opposite pala yung way namin. Hindi na ako nakapag-sorry dali dali akong umalis.
Pumunta ako sa office ng sister ko "Sis! long time no see!" "Austin!!!! Ang pinaka-ugly kong brother!!!" sigaw niya sabay halakhak. "Wag ka nga! baka may makarinig sayo jan maniwala sila", pagbibiro ko. "Sus! Kumusta ka na? Ayaw mo na sa America?" tanong niya saakin. "I'll try living here in the Philippines, pag okay ako dito, dito na muna ako nakkasawa din kasi sa America eh" sagot ko sa kanya. "Sis, ano name ng employee natin na matangkad? Yung parang model, yung nasa HR department?" tanong ko sakanya. "Matangkad? Parang model? Hmm... Ahhhhh si Layla!!. Type mo no? I've been encouraging her to be the model of our products but she always refuse, nahihiya daw siya, so hinayaan ko na lang", sabi ni Ate Kirsten. "Ate meron ka bang numer niya?" sana meron, sana meron. "Ah yes, kunin mo yung green folder diyan sa may tabi mo", pagturo niya nung folder. "Hanapin mo diyan. Those are the informations of every employees. I need a hardcopy kasi in case kahit meron naman sa computer." Ang dami naman nito, sana mahanap ko kaagad. Ayun nahanap ko na. After ko isave yung number, tinext ko siya "Hi Pretty"
BINABASA MO ANG
Captured
RomanceRight love comes unexpectedly, with the unexpected person and unexpected situation. In Captured, you will experience mystery, thriller, action, comedy and romance in one book. The content of this book is suitable for 16 years old and above due to vi...