RENEA'S POV
HAY NAKO. Hayan 'eto ako ngayon, nasa bahay nila Hans at Zans, ang gara ng panagalan nila magkatunog na magkatunog talaga, noong una nagulat talaga ako pagkakita ko kay Zans kasi kamukhang kamukha niya si Hans kaso mas nagulat ako noong nakita kong halos hubo't hubad na siya! Towel lang nakatakip s-sa a-ano niya, si Faith kasi ehhhhh! Pagkatapos naming kumain dalawa ay hinatid na niya 'ko sa kwartong tutulugan ko. Siguro tapos na yung Zans na 'yon kumain kasi 'di naman siya sumabay sa'min
"Nea?" may tumawag ng pangalan ko galling sa labas ng kwarto, sabay kumatok ulit. Si Hans ata 'yon kaya't binuksan ko naman ang pintuan.
"Nea, here." Sabay abot niya ng damit?
"Ano 'to? Para sa'n 'to?
"T-shirt and shorts. Pampalit mo, looks like wala ka naman kasing baong damit diyan sa bag mo dahil biglaan nga ang pagtuloy mo rito. Suotin mo 'yan para kumportable ka, mahirap matulog ng naka-uniform." Sabay ngiti niya. Shems! Gwapo niya!
"Ah a-ah sige salamat! Nag-abala ka pa talaga."
"If you need something just knock on my door, alam mo naman na kung saan 'di ba?" tanong niya, while smiling, hmmp! Pogi talaga!
At 'yon na nga sinundan ko na lamang ng tingin ang napakagwapong nilalang na iyon hanggang sa pumasok na siya sa isa pang kwarto, eh teka di niya naman kwarto 'yon ah! Sabi niya kanina kay Zans 'yon. Baka naman may pag-uusapan sila, bro thing?
Unti-unti kong tinignan ang mga damit na ibinigay sa'kin ni Hans, isang MALAKING puting t-shirt tapos isang shorts nga. Sinuot ko na ito parehas ngunit ang luwag ng shorts kaya't hinubad ko na lang tutal may cyclings naman akong suot,'yon na lang at saka mahaba naman ang T-shirt. Humarap ako sa salamin, 'di naman masagwa tignan eh, okay na 'to.
"Ay nakalimutan kong itanong kay Hans kung paano hinaan 'tong aircon! Tanga mo talaga Renea haysss!" sabay tampal ko sa'king sarili.
Mabuti pa't puntahan ko na lamang siya, ang lamig na dito eh, 'di ko kaya yung lami ng aircon, 'di ako sanay, electricfan lang naman gamit naming ni Faith doon sa dorm.
Hindi nakasarado ang pintuan sa kwarto ni Zans kaya't naglakad ako't sumilip ng dahan-dahan, nakita ko silang dalawang nagtatawanan, awww! ang sweet naman nilang magkapatid. Naalala ko, kailangan kong kausapin si Hans.
"Ahmm Hans?" tawag ko sa kaniyang atensyon.
T-Teka ba't parang gulat silang dalawa? Tinignan pa nila ako mula ulo hanggang paa. Anong meron? Tinignan ko ang suot ko, ayos naman ah, sinuri ko pa nga ang sarili ko sa salamin kanina, mukhang matino naman.
"O-Oy teka gusto ko lang sanang itanong yung tungkol sa aircon Hans, ang lamig eh." Nakatulala pa rin sila sa'kin, ano ba yan.
"Ayos naman 'tong damit ko ah, a-ang laki kasi ng shorts kaya't hinubad ko! P-Pero naka cyclings naman ako kaya wala namang problema t-tsaka mahaba 'tong t-shirt mo Hans noh!" pagpapaliwanag ko.
"Just what the f----" napatingin naman ako kay Zans kaso pinutol ni Hans yung sasabihin niya.
"Stop it bro. Sige tara na Nea, balik na tayo sa kwarto ituturo ko sa'yo kung pa'no gamitin."
"S-Sige salamat Hans." Nauutal tuloy ako, si Zans kasi grabe makatitig, parang tatagos sa kaluluwa mo 'yung titig niya. Anong meron dun? Baliw na ata.
======================
"Just press this upper button para lumakas then the lower button naman para humina, Get it?" tumango naman ako sabay abot niya sa'kin ng remote ng aircon.
"Salamat talaga ng marami Hans ha. Super thankful ako sa'yo, parang hulog ka ng langit sa'kin hahaha! Basta, babayaran ko 'tong tulong mo sa'kin. I really owe you a lot. Naks! English 'yon!"
"Sige hahaha! But I'll be the one to tell you what help or anong gagawin mo in exchange sa kabutihang ginawa ko sayo, if it's okay to you." Sabi niya habang hinahawakan yung gilid ng kaniyang labi. Gosh.
"A-Ah oo naman noh! Sus ikaw pa, syempre your wish is my command!"
Biglang sumeryoso ang mukha niya, parang kinabahan tuloy ako, nakatitig lang kasi siya sa'kin, g-gaya noong titig ni Zans, kakaiba sila pero pakiramdam ko nama'y mababait silang tao, pinatuloy nga nila ako kahit 'di naman kami lubos na magkakilala. Napayuko na lamang tuloy ako sapagkat 'di ko na makayanan ang titig ni Hans.
"You said "Your wish is my command" which means "MY WISH IS YOUR COMMAND" ganoon ba 'yon Nea?" napakaseryoso niya naman.
"O-Oo Hans g-ganoon nga, b-bakit?" nauutal tuloy ako! Ano ba 'yan Renea! Umayos ka nga!
"I'll REMEMBER that Nea." Tapos ngumiti siya, pero kakaibang ngiti...Hindi gaya noong ngiti niya kanina na nakaka-inlove, itong ngiti niya parang nakakatakot. Hay nako naeewan na naman ata ako.
"Matulog ka na, then tomorrow if nakabalik na yung kaibigan mo I'll get you to your dorm. Good night." Tumalikod na siya at siya na rin mismo ang nagsara ng pintuan.
Sige Good night din sa'yo Hans. Humiga na ako sa kama at binalot na ng antok hanggang sa ako'y makatulog.
BINABASA MO ANG
SIDEON BROTHERS: WHO'S THE KILLER?
Mystery / ThrillerTatlong lalaking magkakapatid. Isang babae. Isang killer. SINO NGA BA SIYA? "Who am I going to trust? I don't know who is he..." "You're mine RENEA MARGARETTE RAMIREZ. I'll kill everyone who's going to be a hindrance in our love story. I promise t...