Chao’s POV
Monday means school, academics and some entertainment. Well this is how my life rolls.
Subjects for today: Psychology, History, Filipino and Humanities. Lechugas na sched na’to!
Yan yung mga subject na di ko pinapasukan usually. Eh kaw ba naman? Ang boring kaya. Puro blah blah lang.
Pero may iba ngayong araw. I’m actually prepped up for school. Nakalugay ang kagandahan kong amber na buhok. At sagad sa pagkaplantsa ang uniform kong ngayon ko lang na-appreciate na isuot. I actually look like a student. Wow! Bago ito. Kung bakit? Feeling ko kasi may mangyayaring maganda.
Sana tama ang feeling ko.
* ^-^
*me is hoping, hopping and smiling like some silly but beautiful pa din creature
*Sa school, first subject Humanities (prof: I don’t remember her name really)
‘Name. Nickname. Age. Hobby. Favorite color. Favorite Book. Favorite Band. Describe yourself. Describe your crush. Describe your love. Who is your first kiss? What is love? What is crush? What are your future plans? …’
Poteks. Bakit may slam book pang nauuso kahit college na? Wala bang magawa mga kaklase ko?
Tss.
At dahil boring subjects day ngayon, papatulan ko na’to.
Name: Charlin Hanna G. Zamora
Nickname: Chao (yung ka-close lang pwede tumawag sa’kin n’yan)
Age: Hulaan mo! Pero uhm sige gorgeous 16.
Hobby: Pakiligin si ano … Haha
Favorite color: Tss.
Favorite Book: Seducing Drake Palma (*ate AD libre promote oh...)
Favorite Band: The Croods. Haha. :p
Ohh. Eto na ang favorite part ng lahat. Payabangan palagi. Hmm ano kaya ilalagay ko?
Describe yourself: I’m everything you wanted to be. Drool bitches!
Naks! Hahaha. Totoo naman eh.
At ang mga susunod na entry sa peste pero pampalipas oras na slam book na’to ay kailangang pag-isipan.
Describe your crush: Ayoko nga! Mamaya n’yan crush mo na rin. Tsk.
Imba na kung imba. KJ kung KJ. Basta ayoko mag-share.
Describe your love: Manigas kayo kakaimagine. Tss.
Who is your first kiss: Konting privacy naman!
What is love: Google mo ‘dre!
What is crush: Pwede na ba ang Wikipedia definition dito? -.-
What are Your Future Plans: Pati ba naman yun gusto n’yong alamin?
Napansin ko na lang bigla na ang tahimik na ng klase.
Himala yata. Ang magulo at madaldal kong mga kaklase, tumahimik? Miracles do happen pala.
Bigla ko na lang napansin ang shiny black shoes ng kung sino man ang nasa harapan ko. Parang flinorwax ng Kiwi eh.
At pagtingala ko.
O.O
"Mam?"
"Can you willingly share to us the things you are writing on that notebook?"
"A-Ah mam. Kasi uhm .."
"Kung ayaw mo ako na lang ang magbabasa."
At yun nga dinukot n’ya mula sa desk ko ang slam book.
Kamalasan 101.
>.>
*prof reading the entries
"Name: Blah blah blah blah blah …"
Hanggang umabot s’ya sa second page.
Naku lagot. Patay.
-.-
Dear angel, pray for my mean soul pero beautiful pa din.
"Favorite prof: Lahat gusto ko except dun sa Humanities prof na mukhang menopausal baby, kulubot ang mukha daig pa’ng sinumpa, at higitsa lahat NBSB. Ano na nga’ng pangalan nun?"
Tawanan lahat ng kaklase ko.
May halakhak brigade ako! Hahaha.
"Miss Zamora to the guidance office … NOW!"
Sabi ko nga!
-.-
Mam pwede pahiram muna slam book? May nakalimutan akong ilagay.
*at dahil fiction ‘to kunwari ibinigay ng prof yung hinihingi
Dedication: Lechugas kayo! Perstaym kong tatambay sa Guidance Office dahil sa bwisit na slam book na’to. Pero naccurious din ako. May pogi kaya akong makakasabay sa GO? Hoping. *crossed fingers
Hihihi.
Magguidance pero beautiful pa din.
^-^
BINABASA MO ANG
Occupation: Fangirl
HumorMeet Charlin Hanna G. Zamora aka Chao, our ultimate super mega to the universe and back fangirl! How far can she go to chase her one great love? Or should I say obsession?