Kabanata 9
Jealous
Malapad na likod ni Lance ang sumalubong sa akin pagbaba sa stage. Kinalabit ko siya na naging dahilan ng kanyang paglingon. I give him one sweet smile na kina ngiti rin niya. Walang bakas sa kanyang mukha na nakita niya si Zoe na umiiyak, pero hindi ako sigurado.
"Di mo tinapos yung performance ko. Why?" He did not answer me kaya nainis ako.
"Hey, answer me. Why?" Ngumuso siya para pigilan ang ngising nagbabadyang mabuo sa kanyang mga labi habang iritado ko siyang tinitigan. Gosh, ang pogi.. no! Tyra, naiinis ka diba? Para na akong baliw dito.
"Fine, Lance, don't talk." Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya akong hilahin pabalik. He locked me at his chest. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Hinigpitan pa niya ang yakap sa akin kahit na hindi ko siya niyayakap pabalik.
"I'm so proud of you.." Bulong niya habang nilapit ang kanyang matangos na ilong sa aking tainga. God, I missed him.
"Psh. Pero di mo tinapos." He chuckled. Pinipilit kong magalit kahit na ngiting ngiti na ako, tutal hindi naman niya ako nakikita e.
"Hindi ko tinapos kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla nalang kitang akyatin doon at pagsigawan sa mga lalaking titig na titig sayo kanina na akin ka.. akin ka lang." Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa bulong niya. This man is driving me insane.
Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at tinitigan ko siya ng maigi. Hanggat may oras pa ako, kakabisaduhin ko na ang lahat sakanya, ang kanyang mukha, tangkad, awra, lahat. I'll make sure na makakabisado ko lahat lahat. Pinantayan niya ang titig ko, seryosong seryoso pero may halong takot.
I held his hand at hinigpitan niya iyon. He gave me a weak smile while I gave him my sweetest smile. This man in front of me is really loving me right now but I know that sooner or later he'll be going to throw me out. Out of his whole life. Alam ko 'yon. At malapit ng mangyari 'yon.
Nilapit ko ang sarili ko sakanya then I tiptoed para maabot ko siya. I kissed him na ikinagulat niya. Mabilis lang iyon pero di siya nakuntento. Siya naman ang yumuko para bigyan ako ng mas malalim at mas mainit na mga halik. Halos mabuwal ako sa pagkakatayo pero alerto ang kanyang mga braso na pumulupot na sa aking bewang.
Hinihingal kaming tumigil then he hug me again, this time, mas mahigpit kaysa kanina, ngayon konti nalang at hindi na ako makakahinga. Kinalas niya rin iyon at pinagsiklop ang aming mga kamay.
"Let's go?" Tanong niya habang titig na titig sa kamay ko na pinaglalaruan ang kanya.
"We're not going to the after-party? Yung rave?" Nilingon ko siya at nanliit ang kanyang mga mata, tila sinusuring mabuti ang iniisip ko.
"Yes. Hindi tayo pupunta don. You're wearing that kind of clothes, at gusto mong mag rave? What the hell are you thinking?" Masungit niya akong tinititigan habang dinuduro duro pa ang damit ko.
"Why? What's wrong with my clothes? Naka jacket naman ako ah, at hindi ko naman alam na pupuntahan mo ko kanina." Para akong bata na nag eexplain sa tatay ko. Oh my gosh. What's wrong with me tonight?
"Uh-huh? At kung wala nga ako dito?" Lumapit siya sa akin na ikina atras ko. Tinikom ko ang bibig ko at hindi ako makatingin sakanya. Na gi-guilty nanaman ako.
"You're going to take off your jacket? Ganon?" Umiling ako. Hindi ganon yun Lance! Wala akong masabi sakanya dahil yun naman talaga ang iniisip kong gawin.
"What? Tell me? Ganon ba yun? Halos hindi mo lang ako pinansin ng dalawang linggo. You're acting like you're single now?" Muli akong umiling. Hindi nga yun ganon! Naiinis na ako dahil wala akong masabi!
"Hell. Tyra. I'd kill anyone who'd try to touch you, at si August yata ang una kong mapapatay." My jaw dropped nang banggitin niya ang pangalan ni August. Shit, nakita niya yung pagpapakilala sa akin ni Zoe kay August? Oh God.
Kita ko ang pagdilim ng kanyang mga tingin sa akin. The other side of Lance is scaring the out of me.
He is very serious right now."No. No Lance, it's not like that. Hindi ganun yung iniisip ko and August is just my acquaintance. Pwede ba? You're very jealous." He is very attentive, iniintindi niyang maigi ang sinasabi ko pero ganon pa rin ang awra niya, nakakatakot. Ang bad boy!
"Acquaintance, his ass. Let's go, bago ko pa yun mapatay. Grabe titig sayo kanina e." Hinila na niya ako papuntang parking lot habang inaayos ko ang utak ko. August is there? Seriously? Pano niya nakilala si August? Bakit nandidito si August? What the hell is really happening right now? Bakit ako kinikilig? What?
Wala ako sa wisyong sumalampak sa kotse niya. Habang siya ay nakatitig lang sa akin. Ni hindi ko siya matignan ngayon dahil natatakot ako.
"Let's talk." Seryoso siya na nakatingin sa akin paglingon ko sakanya.
"Anong pag uusapan natin?" Iniiwas ko ka agad ang mga mata ko sakanya pero paulit ulit niya iyong nahahanap.
"About your other man, August." Nanghihina ang boses niya habang sinasabi iyon. I chuckled.
"What the hell? August is not my other man!" Hindi siya sumagot at tinitigan niya lang ako his eyes is bloodshot right now. Ramdam na ramdam ko ang takot niya. Gosh, parang kanina lang.
"Hey, seriously? August is just Zoe's cousin. That's all. Why are you so jealous?" Hindi ko na alam kung ano pa ba ang nararamdaman ko ngayon. Saya ba dahil nagseselos siya? O lungkot ba dahil na mi-misinterpret niya ang mga nangyayari?
"Uh-huh?" Ang dami dami kong sinasabi at yan lang ang sagot niya. Nakakainis, nakakabaliw ka Lance!
"Hey, don't get jealous. Si August lang 'yon. I'm only yours. Right?" I caressed his face at unti unti ko iyong nilapit sa akin para muling mahalikan.
"I love you, Lance. Ikaw lang." I kissed him again to assure him na siya lang. Yes gusto ko si August, pero iba ang gusto sa mahal. Ibang iba.
