[A/N: I dedicate this to ExchangeVotes and to all of you :) Enjoy! Vote please :)]
Chapter 1: First meet
Naglalakad ako dito sa campus ng school na pinag-aralan ko 3 years ago. Ang laki na ah. Every year siguro itong pinapa-adjust.
"Oy, si Kathleen oh."
"Oo nga. Ba't siya nandito?"
"Nakasuot siya ng uniform natin."
Pinagchichismisan na nila ako. For sure makakarating ito dun.
"Hey. Kamusta na?" sabi ko kay Milly. Nagulat naman siya sa appearance ko at niyakap ako. Niyakap ko rin siya.
"WAAHH! Na-miss kita!" sabi niya sakin. Kakauwi ko nga lang pala galing States at doon ako pinag-aral ni Mama. At for the sake of Milly, pinilit ko sina Mama na pauwiin ako. Yayakapin ko na siya nang bigla niya akong binatukan.
"Aray ko namang g@g0 ka! Tama ba namang batukan ako?!" Niyakap niya rin ako at nagtatatalon. Tss. Yayakapin din pala ako. Bigla naman niya akong tiniik sa leeg.
"Ikaw, hindi ka manlang nagsasabi sakin na uuwi ka na. Litsii ka!" tinitiik parin niya ako habang niyuyugyog.
"Aack! Nasasa..ack!..kal ako..!" sabi ko at tiniiik ko rin siya. Feel ko mapuputol na yung esophagus ko.
"MILLY!" napalingon naman kami ni Milly sa direksyon nila. Bigla nilang akming napabitaw sa isa't isa dahil dinag-anan si Milly. Jusme!
"Ano ba yan?! Sino kayo?! Tumayo nga muna kayo!" sabi ko sa kanila at tinulungan si Milly makatayo. Agad namang tumayo yung dalawang babaeng kambal na kinontrol+C Ctrl+V ang mukha.
"Hoy mga bruha! Papatayin niyo ba ako? Kung makatili kala mo kinakatay na." sabi ni Milly sabay pagpag ng damit niya. Tiningnan ko naman sila.
"At kayong dalawa! Wag niyong madaga-daganan itong kaibigan ko!" sabi ko naman sa kanila. Huh! Dapat lang. Kala mo kung sino maka-dagan dito kay Milly.
"Eh ano ngayon?! Ikaw lang ba ang may karapatang daganan siya?!"
"Ano bang pinagsasasabi mo diyan ha?! Ikaw! Kung ano-anong pumapasok sa isip mo. At kayo! Jusme! Kailan ba titigil itong mga kaibigang kong ito?" Binatukan naman kaming tatlo ni Milly. Napahimas ako ng wala sa oras sa ulo ko.
"KAIBIGAN?!" sabay na sabi naming tatlo. Huh? Ano daw? Kaibigan? Friend??
Meanwhile...
"Jenna and Jessa, meet Kathleen. Kathleen Flory Diaz." sabi ni Milly dun sa kambal. Humarap naman ako dun sa Jenna at Jessa.
"Uy! Sorry ha? Hindi ko pa kasi kayo kilala kaya ganyan ang trato ko. Sorry talaga." Napayuko naman ako sa kahihiyan. Kala niyo mahinhin ako noh? Well, hindi. ^_^ V
"Ayos lang! Basta kaibigan ni Milly." Nakakatuwa naman ito. Ang cool nila. Kaya pala kayang-kaya nila itong bruhang Milly na ito.
"Jessa here, nice meeting you." Ngiting sabi sakin ni Jessa. Malilito ka talaga kung sino sa kanila si Jenna at Jessa.
"I'm Kathleen Flory Diaz. Kaibigan ko si Milly. Alam ko namang kinwento na sa inyo ang buhay ko nitong tombi na ito." Nang dahil sa sinabi ko, sinuntok naman niya ako sa braso. Aray! Masakit!
"Hindi ako tomboy! Badass pero hindi ko pinangakong tomboy ako!" Hahaha. Nagtawanan naman kaming lahat kay Milly.
"Talaga lang ha? Badass ka ha. Saan ba banda?" mapangasar na sabi ni Jenna. Pinagpapalo sila ni Milly habang patuloy na nang-aasar sila Jenna at Jessa.
Ang cool nilang kambal. Sigurado akong magiging close ko itong mga ito. Tumayo na kami para bumili nang may humarang samin. Babae siya. Pero ako yung nasapol.
Napaupo siya at tiningnan lang namin siya.
"Hindi manlang kayo magsosorry?" sabi nung babaeng mukhang sugpo dahil sa makapal ang make-up. May mga usisero't usisera naman.
"Uy, si Kathleen. Bumalik siya.."
"Oo nga pre. Ganda oh! Tsk!"
"Hoy! Kinakausap kita!" Hindi namin siya pinansin at naglakad na kami palayo sa kanya. Narinig ko ang babaeng nagsalita.
"Patay! Dapat hindi ito makarating kay Simone."
Dapat lang! Problema niyo kasi mga chismoso't chismosa. Che! Pagkapasok na pagkapasok namin sa room...
*BLAG*
Nakatingin samin ang lahat ng nadoon. Kinalabit naman kami ni Milly nung kambal.
"Bakit ganito sila makatingin satin?" -Jenna
"Oo nga. Baka gusto nilang mawalan ng mata?" -Jessa
"Dahil bumalik na ako." sabi ko sa kanila. Naglagay naman sila ng bakanteng upuan para sa aming apat. May sobra pa ngang isa dun eh.
"Uy! Diba si Kathleen iyon?"
"Oo nga girl! Bumalik na siya?"
"Guys, diba may rules dito na kailangan may assigned color na ang group of students na magkakasama?" Narinig kong sabi nung mga kaklase kong hindi ko kilala. Oo nga pala..
"May color na kayo?" Umiling-iling naman sila. Patay kang bata ka! Ba't hindi nila sinabi sakin kaagad? Kaya pala nila kami pinagchichismisan tungkol sa kukay eh!
"The eff? Hindi niyo sinabi kaagad sakin?" sabi ko sa kanila. Napahawak naman ako sa sentido ko. Eh ba't nandito pa sila?
"Calm down. Hindi kami nag-assigned dahil nag-babakasakali lang siya na bualik ka dito."
"WHAT?! Eh paano kung hindi nalang ako nakabalik dito? Edi kick out na kayo dito? The hell Milly!" sabi ko sa kanila sabay nakahawak sa sentido ko.
"Sorry naman. Huwag kang mag-alala. Wala naman si Tita Charis." sabi sakin ni Milly at tumango naman yung kambal. What? Wala si Tita dito?
"Eh paano--" Biglang dumating yung teacher namin kaya tumahimik na ako.
*IN THE MIDDLE OF THE CLASS*
*KNOCK KNOCK*
"Sir Ramillo, may I excuse these four students? Ms. Nicolas, The Vasquez Sisters and The Tranferee." sabi nung Secretary ata. Agad naman kaming tumayo. Lahat na naman ay nakatingin samin.
"Oh? Anong tinitingin-tingin niyo diyan?" sabi ko sa kanila. Lumabas na kami ng tuluyan at sumunod dun sa Secretary ng school.
*SCHOOL DIRECTOR'S OFFICE*
"Umupo na muna kayo dito." Isang magarbong kwarto ang pinasukan namin. Parang kwarto sa bahay pero sosyal. Ang familiar ng boses ah? parang narinig ko na siya somewhere?
"Kathleen Flory Diaz. Shocked aren't we?" Teka nga.. sino ba 'to?"
W-wait! Don't tell me...
----------------------------------------
Thank you guys sa pagbabasa :) Vote and comment please :) Bagong UD ko na ito :) Up next Chapter 2 :)
--MetalAngels--
BINABASA MO ANG
True Colors [ON-HOLD and Will Revise]
FanficLahat tayo may tinatago. Sa isang galaw, aalamin lahat ng kinkilos mo. Huwag mag-alala, warning lang iyon. Pero sa isang tulog, kinabukasan, ihanda mo na ang sarili mo. "Humanda ka dahil anumang oras, ay pwedeng may mangyari sayo." -Kathleen