Isang taon ang Lumipas simula nang mamatay si Sol, Nabalik na rin paunti-unti ang buhay nila matapos ang malagim na nangyari sa kanilang Kaibigan. Pero si Fe ay bigla na lang nawala Pagkatapos ng Libing ni Sol. Pinagtanong nina Jade at Queenie pero sabi ng Kasambahay ni Fe ay bigla na lang daw itong nag-impake at walang sabi-sabi sa pag-alis nito. Kahit ang boyfriend din ni Fe ay hindi na mahagilap. Kaya inisip na lang nila na nagtanan siguro ang dalawa.
Sa ngayon, Nagpo-photoshoot si Jade sa mga Kasal at Debut Paborito siyang kunin dahil sa galling nitong kumuha ng mga Anggulo at Magcompose ng Images.
“ O dito lang tingin ah.. 1..2..3.. Say Cheese! “
“ Naku Jade, Galing mo talagang magshots , ikaw na rin kukunin kong photographer sa Debut ng Pamangkin ko Refer kita sa Kapatid ko. Tiyak matutuwa yun dahil sulit ibabayad niya. Baka Dagdagan nya pa. “
“ Naku, Mam Donna Salamat po kung ganon asahan nyo po na di nyo pagsisisihan to “
“ Wala akong pagsisihan dahil ngayon pa lang. Alam ko na maganda kalalabasan ng Shots mo sa Pamangkin ko “
After nang Photoshoot, Naaya si Jade nang Client na Sumaglit sa bahay para sa konting Salo-salo..
“ So, Jade mga kelan naming makukuha yung Pictures? “
Minimum na po yung 3 days ipo-post processed pa po kasi yun then Kasama na rin po yung Video Editing “
“ Ah so iba pa pala ung ginawa nyo nang kasama mo kanina na Same Day Edit? “
“ Opo. Formalization na po gagawin namin. Bali 2 disc po siya 1 Pictures and 1 Videos “
“ Ibang klase talaga. Mas excited pa tuloy ako sa mangyayari sa Debut ni Mara “
Isang Ngiti na lang ang sinukli ni Jade sa Kliyente nya na may ari ng isang Condo sa Makati
May lumapit sa kanyang waiter at inalok siya nang maiinom. Dalawang Baso ang nakalagay sa tray. Isang Juice at Wine. Kinuha nya ang Juice, Hindi naman din siya gaano umiinom lalo at nasa trabaho pa siya. Ilang Minuto pa ang lumipas, Gusto nang Magpaalam ni Jade Para Makapagpahinga at Maayos kinabukasan ang mga Portfolio nang kinunan nyang Kasal. Nagtanong siya ng Comfort Room sa isang Staff dun at Pumunta siya rito. Naghilamos at nagsabon nang mukha dahil may nakita siyang sabon na nakalagay sa Malinis na lalagyan.
Habang Binabanlawan na nya ang mukha nya matapos magsabon. Ay may parang humihila ng Pants nya. Bandang Laylayan ng Pants nya ang Hinihila. Nagtaka ito at dahan dahan nyang tiningnan. Ngunit ni anino ay wala syang nakitang humihila dito. Hanggang isang Kalabog ng pinto ang nakatawag ng pansin nya at yon ay ang pang-apat na pinto sa dulo na Dumuduyan pa din na tila may Kapapasok lang doon.
“ May Tao ba diyan? “
Taas-tono ni Jade sa Pagtawag sa kung sinuman ang nasa Pang-apat na Cubicle ng Comfort Room. Naisip nya baka may Staff lang na may gustong mamboso. Papalapit na si Jade sa Cubicle para tingnan kung saan nanggaling ay ingay.. Dahan dahan siyang Lumalapit at walang nagagawang ingay. May halong Kabog sa Dibdib ni Jade baka bigla na lang may dumamba sa kanya at kung gawin sa kanya.. Hawak na niya ang Pinto.. Konti na lang at Mabubuksan na niya… Habang Binubuksan ay Parang may naririnig pa siyang Nagbubuntung-hininga sa Loob.. Lalo siyang Kinabahan pero kelangan niyang malaman kung sino ang nasa Cubicle. Buong Mabubuksan na niya ang Pinto at biglang… [BRRRVVVFFFF…. BRRRVVVFFF..]
Tumunog ang Cellphone ni Jade Na nakavibrate.. Buntung Hininga rin nito at agad pinuntahan ang Cellphone sa Sink.
“ Yes Mam Donna?,Nandito po sa CR?...Po? Sige po..Opo!! Thank you po mam! “
Binaling muli ni Jade ang Tingin sa cubicle at Umuugoy pa rin ito at hindi na rin niya ito gaano pinansin dahil wala namang Lumabas sa Cubicle simula kanina at agad siyang Lumabas nang CR. Lingid sa kanyang kaalaman ay Tumumba ang Mop at Timba sa di malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
GHOSTAGRAM
TerrorApat na Magkaibigan Isang Kababalaghan Sundan ang Kuwento nina Jade, Queenie, Sol at Fe sa isang Kuwento nang Katatakutan at Hiwaga ng isang Camfone na Babago sa Buhay Nila