(Revised Version of Chapter 19)
CHAPTER 19
Moullsivairia's POV
Nakakatuwa ! Buntis na ako. Eto na ang simula ng pagbagsak ng mga Dreixo. Once na maipanganak ko ang nasa sinapupunan ko, masusugpo na lahat ng problema sa mundo ng mga bampira. Hindi na matutuloy ang labanang nakita ko sa isip ko. Mawawala na ang mga Dreixo at malapit na iyon.
Nakatingin ako sa salamin habang pinagmamasdan ko ang tyan ko. 1 araw palang akong buntis pero medyo malaki na siya. Siguro ay ganito talaga ang pagbubuntis ng mga bampira.
Bigla namang pumasok sa kwarto si Zeke.
"Anong nangyari sayo, Moullsivairia ? Ayos ka lang ba ?" tanong niya sakin.
"Zeke..... buntis ako." nakangiti kong sabi sakanya.
Hindi naman siya nakapagsalita at pinagbalik-balik ang tingin niya sa akin at sa tyan ko.
Mayamaya ay bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako.
"I can't believe this. This will be the happiest day of my life, Moullsivairia." sabi niya habang mahigpit akong niyayakap. Ramdam ko ang bawat paghinga niya. Niyakap ko narin siya.
--
"Kamahalan, anong gusto mong kainin ? Kabayo ? Baboy ? Usa ? Ikukuha kita." sabi niya sakin habang nag-aayos ng magiging kwarto ng baby. 1 linggo na rin akong buntis pero anglaki na ng tyan ko siguro ay 3 linggo nalang ay makakapanganak na ako. Alagang-alaga si Zeke sakin simula nung malaman niyang buntis ako. Sa totoo nga lang, kahit nung di pa ako buntis ay napaka-alaga ni Zeke sakin. Naguguilty tuloy ako dahil ginamit ko siya para mabuntis ako pero yun nalang ang alam kong gawin para masugpo ang problema sa kaharian at makaganti sa ginawa ng Dreixo sa aking Lolo.
"Kamahalan ? Ayos ka lang ba ? May masakit ka bang nararamdaman ?" tanong sakin ni Zeke ng makababa siya dito sa sala.
"Zeke....thank you ah." sabi ko sakanya na halatang ikinagulat niya.
"Para saan ?" nagtatakang tanong niya.
"Para sa pag-aalaga mo sakin kahit na alam mong ginamit lang kita pero ala..." naputol ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Zeke.
"Wala yun. Mahal kita kaya ginagawa ko to. At obligasyon kong alagaan ka bilang Reyna ng Kaharian at bilang Reyna ng puso ko." sabi niya sabay kindat.
Hindi parin talaga pala kumukupas ang kacornyhan nitong lalaking to -_-
"Pero alam mo Zeke, mahal din kita." sabi ko sakanya kaya naman napatulala siya.
"Huy ! Okay ka lang ?" tanong ko sakanya dahil nakatulala lang siya.
Bigla naman niya akong niyakap.
"I love you, Moullsivairia." sabi niya at hinarap niya ang mukha ko sakanya.
"I love you too." pagkasabi ko non ay ako na mismo ang nagdikit ng labi ko sa labi niya.
----
Hi guys sorry kung late. Eto na po :D
Comment, Vote, Share and Be a fan :)
BINABASA MO ANG
She's dating a...Vampire?! #Wattys2016
Vampire[[ Highest Rank: #1 in Vampire, #18 in Romance]] Isang simpleng babae lamang siya... Akala niya iikot lang ang mundo niya sa mga kayamanan nila.. Ngunit isang araw,makikilala niya ang tunay niyang pagkatao na magpapabago sa kanyang buong buhay... Ka...