Stanza 9

185 7 0
                                    

Stanza 9

Wala masyadong nangyari sa mga dumaang araw. December na at narito pa rin si Loisa sa NY. Hindi ko nga lang alam kung nasaan siya ngayon. Malamang, kasama na naman niya si Kristoffe at nagbabangayan na naman sila ngayon. May trabaho pa ako at malayo pa ang oras ng labasan. At dahil nababagot ako sa opisina, iniwan ko muna ang lahat sa secretary ko na si Faye at lumabas. Hindi ko sinabi sa kanya kung saan ako pupunta.

Napadpad ako sa mall. Hindi pa ganun karami ang tao. May klase at work pa eh. Pumasok ako sa loob ng isang store at tumingin tingin ng mga damit kahit hindi naman ako bibili. Nagulat ako nang may batang dumikit sa paa ko. Naka blue trench coat siya at may bonette pa. She looks lost. Kagat-kagat niya ang daliri niya at mukhang natataranta na. Tinapik ko siya sa balikat at lumuhod. Nabigla ako nang makita ko nang maayos ang mukha niya.

"Fanie?"

"Tita Steph!" Agad naman nawala ang takot sa mukha niya nang makita at niyakap niya ako.

"Fanie, what are you doing here?" Tanong ko sa pamangkin ko. Kumalas siya sa yakap at sumimangot.

"Don't call me Fanie, Tita. Steph na tawag nila sa akin, tulad tayo." Sabi niya at humagikgik. Ngumiti ako at pinisil ang ilong niya.

"Anong ginagawa mo dito? And why are you alone here sa mall?" Tanong ko.

"May sama ako. Pero I escaped because I want to look for you." Sagot niya. Bahagyang natawa ako sa sagot niya.

"Fanie, wala kang money. Paano kung may kumuha sayo? Good thing ako yung nabangga mo. Who's with y--"

"STEPHANIE!" Nalingon si Fanie sa taong tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino iyon."What were you think-- Uhhh... S-Steph." Natigilan siya nang makita niya ako.

"Ayan, tito! You called me Steph na. Very good!" Sabi naman ni Steph. Tumayo ako at inayos ang sarili ko.

"Okay, Fanie. May kasama ka na. Una na si tita ha? May work pa ako." Tumalikod ako at akmang aalis na sana nang hawakan ako ni Drei sa braso. Napaharap ako sa kanya.

"Huwag ka munang umalis. Uhmm... M-magbonding muna tayo ni Fanie." Sabi niya. Napatingin naman ako sa likod niya tapos sa palibot.

"Kay Junhee na lang, may trabaho pa ako eh." Sabi ko at ngumiti at tumalikod ulit. Naglakad na ako, napahinto ako nang magsalita siya ulit.

"Si Fanie lang yung kasama ko." Sabi niya. "She insisted on flying here to NY. Kahapon kami dumating at sabik na sabik siyang makita ka." Hinarap ko siya at nakita kong may hawak siya na gelato. Kulay green ang laman nito. Pistachio. Weakness. Nilapitan ko siya at kinuha ang baso ng gelato. Ngumiti siya, nginitian ko rin siya.

"Yeheeeey! Bonding with tita!" Pagdiriwang ni Fanie.

Tinawagan ko si Faye aat sinabing nasa mall ako at nakita ko ang pamangkin ko. Siya na muna ang bahala sa mga trabaho sa office.

~

Naikot na namin halos ang buong mall. Napagod na kami ni Drei pero buhay na buhay pa rin ang kaluluwa ni Fanie. Kaya naman iniwan muna namin si Fanie sa wonderland at umupo sa isang bakeshop na malapit lang sa wonderland. Si Drei na ang nag-order tutal siya naman daw ang humila sa akin para sumama. Dapat lang! Dalawang slice ng red velvet ang inorder niya para sa akin.

"Bakit di niyo kasama si Junhee?" Tanong ko.

"Marami siyang meetings this week eh." Sagot niya.

Another Song For You[ASFY2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon