====================
MHIAMB FAN FICTION
====================
Isa ako sa avid fan ng My Husband Is A Mafia Boss. Sa tuwing nagpapaload ako ng broadband, diretso Wattpad agad. Tingin sa Home tapos search na ang MHIAMB. Basa, basa. Punta sa Twitter, tweet ng 'Just read the latest Chapter of #MHIAMB @mhiambwp" Kinikilig pa ko kasi palaging rine-retweet at fine- favorite ng @mhiambwp 'yung tinetweet ko about #MHIAMB, minsan nagrereply pa. Tapos punta sa facebook, tingin sa profile ni Aemie Roswell at Ezekiel Roswell, like ng latest post nila. Sisilip din sa Profile nila Vash Boulstridge, Kaizer Maxwell Lamperouge, Jacob Lee at Sebastian Lerwick.
Lahat ng nakakausap ko na nagbabasa sa Wattpad, palagi kong rine- recommend 'yung MHIAMB.
"Sobra, as in, super ganda ng MHIAMB, pampasakit ng panga at tiyan 'yan."
Tapos ngayon, kababasa ko lang ng My Husband is a Mafia Boss Chapter 55: Yaji and Swansea.
At dahil excited na ko sa next chapter, gagawa muna ako ng fanfic.
First fanfic story ko 'to. Siyempre tungkol 'to sa MHIAMB. Mwehehe~
Basahin niyo at sana magustuhan.
Salamat.
To Miss Aemie Roswell: Pahiram muna kay dodong. Ibabalik ko din siya pagtapos, promise.
P.S. Trust me ;')
========================
LOVING EZEKIEL ROSWELL
========================
Sikat na sikat na si Zeke ngayon. Ang dami na niyang friends at followers sa facebook. Kahit snob siya at nasa iisang babae lang ang atensyon niya ang dami pa ding nagkakagusto sa kanya. May asawa na din pala siya.
Kailan kaya sila ikinasal? Hindi niya manlang ako in- invite.
Naaalala ko pa noon...
Haaaay~ Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko 'yun.
-
Elementary pa lang kami crush ko na si Ezekiel Roswell. Kahit na maraming natatakot sa kanya dahil iba siya kung magalit, hangang- hanga pa rin ako sa kanya. Kahit na hindi niya ko tinitingnan. Kahit na hindi niya ata alam na magkaklase kami mula pa kinder. Kahit na mukhang hindi niya alam na nag- eexist ako. Gusto ko pa rin siya.
Ako 'yung nag- iisang babaeng may lakas ng loob na maglagay ng cupcake na may naka design na heart sa gitna sa locker niya. Ako lang ang may kaya na mag- iwan ng kung anu- anong regalo sa locker niya. At ang nag- iisang babaeng nag-aala 'Detective Conan' sa pag- iingat sa paglagay ng love letter sa locker niya. Lahat ng bagay na ibinibigay ko sa kanya palaging may nakalagay na I.L.Y.
Hanggang sa isang araw, pumasok siya sa room na galit na galit. Tinatanong niya kung sinong walanghiya ang naglalagay ng mga basura sa locker niya. Siyempre hindi ako umamin. Nakakatakot kaya.
Kaya tinigilan ko na ang pagbibigay ng mga regalo sa kanya. Tinantanan ko na ang locker niya.