Merong ikaw at ako hindi sa panaginip at mas lalong hindi sa imahinasyon. Hindi ako nagsisinungaling at mas lalong hindi ako nangangarap nang sabihin kong merong ikaw at ako dahil meron naman talaga.
Kaysarap pakinggang merong ikaw at ako. Hindi nakakasawang bigkas-bigkasin ng paulit-ulit ang salitang merong ikaw at ako. Kaysarap himay-himayin ang salitang merong ikaw at ako. Para sa iba ito ay katuparan ng mga pangarap ng taong nagmamahal. Katuparan ngaba o kabiguan?
Merong ikaw at ako. Para sa iba masaya, maganda at walang pag-iisa dahil sa katotohanang merong ikaw at ako. Pero dapat ngaba akong masabik? Dapat ngaba akong matuwa? Dapat ngaba akong magbunyi at magpasalamat sa Dakilang Maykapal dahil sa biyayang merong ikaw at ako o mas karapat-dapat na ihanda ko ang aking sarili sa sakit na dala nito? Dapat ngaba akong makontento dahil merong ikaw at ako o mas karapat-dapat na ihanda ko ang aking puso at mata sa isang basagan at maluhang laro ng pag-ibig?
Hindi ko magawang maging masaya sa kabila ng merong ikaw at ako. Kadalasan kasi nag-aalala at malulungkot ako. kadalasan kasi hindi mo ako pansin sa bawat araw na magkasama tayo. May sarili kang mundo at ganun din ako. Sinubukan kong pumasok sa mundo mo pero naisip ko para saan pa kung nakasarado na ito. Sinubukan kong kumatok sa iyong puso pero ni minsan hindi mo ako nagawang pagbuksan. Yan ang nakakalungkot, ang merong ikaw at ako.
Habang patagal ng patagal ay mas lalo akong nahihirapan. Nahihirapanakong lumugar. Bawal akong mainis at mas bawal akong umasa. And maybe, just maybe, bawal din akong masaktan. Bawal akong umasta na pagmamay-ari kita. Bawal kitang akapin at halikan. Ang pinakamasaklap pa ay bawal din kitang mahalin baka magalit sya.
Oo! merong ikaw at ako kaya madalas tayong magkasama at ganun din kadalas akong lumuha. Ang hirap ng sitwasyon ko kapag kasama ka. Ang hirap kapag merong ikaw at ako.
Merong ikaw at ako kaya sobrang mahal kita. Mahal kita ng walang kapalit. Mahal kita higit ninuman kaya pinaka-ayaw ko ay ang merong ikaw at ako. Merong ikaw at ako, yun ang pinakamasakit.
Marami ang naguguluhan kung bakit ayaw kong merong ikaw at ako. Marami ang nagtatanong kung bakit labis kitang mahal. Ang lagi kong sagot hindi ko alam. Ang alam ko lang ay mahal kita. Kaya nalulungkot ako sa tuwing naaalala na merong ikaw at ako. Dahil sa kabila ng merong ikaw at ako, hindi ko magawang iparamdam sayo na mahal kita dahil sa takot, takot na baka e-reject mo lang. Sayang lang ang pagmamahal ko. Ni minsan hindi ako naglakas-loob na itanong sayo kung may pag-asa ba akong mahalin mo. Merong ikaw at ako, pero hindi ko magawang sabihin sayo na mahal kita. Hindi ko kayang panindigan ang salitang merong ikaw at ako dahil ako rin ang mapapahiya. Ako rin ang luluha at masasaktan.
Merong ikaw at ako kaya alam kong wala akong karapatang pigilan kang humanap ng iba. Merong ikaw at ako kaya wala akong karapatang sabihin sayo na nasasaktan na ako. Wala akong karapang sabihin sayo na mahal kita. Merong ikaw at ako kaya wala akong karapatang panghawakan ka ng magmahal ng gusto mong mahalin. Merong ikaw at ako kaya sawang-sawa na ako sa salitang merong ikaw at ako.
Merong ikaw at ako at hindi iyon isang simpleng pg-iimbento lang. Merong ikaw at ako yun ang totoo. Masakit para sa akin ang katotohanang merong ikaw at ako. Merong ikaw at ako kaya wala ako sa lugar para sabihin sayong pagmamay-ari kita. Merong ikaw at ako kaya lagi akong ganito.
Mahal kita at merong ikaw at ako. At dahil mahal kita, dalangin ko sa langit, sa buwan at sa bituing marikit na sana walang ikaw at ako.
OO! merong ikaw at ako, anung halaga nun? Ang totoo kasi merong ikaw at ako, WALANG TAYO.

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryLove heals, love hurts. Masakit ngunit hinahanap-hanap. Ang tanong, Until when? Hanggang kailan maninindigan sa ngalan ng pag-ibig o hanggang kailan masasabing tama na?