Undercover
Mahigit isang buwan na rin ang lumipas mula ng gawin ni Xander ang "Operation: Make Sky Fall" niyang pakulo
Ginugol namin ang aming pasko at bagong taon sa pag-aayos nito
Noong una'y hindi pa ako pumayag dahil para sa akin ay kalokohan lamang iyon. Pero sobrang persistent niya kaya kalaunan ay sumang-ayon na ako
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit niya ito gustong gawin. Knowing him, alam kong palagi lang siyang walang pakialam sa mga bagay-bagay kaya hindi ko alam kung bakit sobrang effort ang ginagawa niya para lamang dito
Kapag naman tinatanong ko siya, palagi niya lamang sinasabi na dahil "boring" daw
"Ano ba? Tumigil na nga tayo" mahina kong saway kay Xander pero patuloy pa rin niya akong hinihila sa kung saan
Sobrang init ngayon pero kaming dalawa parang mga tanga dahil nakasuot kami ng jacket at shades. Sabi rin niya dapat daw na gamitin namin ang hoodie namin para hindi kami makilala
Pakiramdam ko kaunti na lang may mga pulis nang manghuhuli sa amin dahil aakalaing may hindi kami ngayong gagawing maganda
Kahit na ang totoo, sinusundan lamang namin si Sky papunta sa kung saan
Nakita naming humugot siya ng malalim na paghinga bago pumasok sa isang restaurant
Nagtaka nga kami noong una dahil ilang oras naman na siyang nasa harap ng resto na iyon pero hindi naman siya nababa ng kotse
Dali-dali naman kaming sumunod sa kaniya ni Xander at mabuti na lamang ay nakahanap kami agad ng pwesto na malapit sa kanila
"Puta. Ang init" bulong ng aking kasama bago naglabas ng panyo
Nagulat ako ng bigla niyang punasan ng pawis ang aking mukha bago punasan ang kaniyang sariling pawis
"No, it's fine. 10 minutes pa lang naman since I arrived"
Rinig kong wika ng girlfriend ni Sky
"Dapat hindi ka nagmadali. Look at you. Pawis na pawis ka oh"
Agad kong itinakip sa aking mukha ang menu nang makitang inabot ni Yana ang mukha ni Sky para punasan ng pawis
Hindi ko nakita kung anong naging reaksyon niya dahil siya ang nakatalikod sa akin
Hindi ko maiwasang ikumpara ang aking sarili kay Yana
Mukha kasi siyang mabait at mahinhin samantalang ako mukhang ... okay na
Nakakahawa rin ang kaniyang pagngiti. Samantalang ako, mukhang nananakot kapag nangiti ayon sa walanghiya kong kasama
Nagulat ako ng pindutin ni Xander ang aking ilong kaya agad ko siyang tinignan
"Ako ang nasa harapan mo pero sa iba ka nakatingin" kunwari'y malungkot niyang saad kaya sinamaan ko siya ng tingin
"Sino bang nakaisip nito ha?" nakasigaw kong bulong sa kaniya ... kung meron mang ganun
Kumunot ang aking noo ng biglang tumayo si Xander at inilipat ang kaniyang upuan sa aking tabi
"Gago. Bumalik ka! Baka makita tayo ni Sky" saway ko sa kaniya pero hindi siya nakinig
Naupo na siya sa aking tabi at tinignan din ang dalawang tao sa aming harapan
"Ganda pala nung Julianna, 'no?" wika niya na may paghalumbaba pa. "Hindi halatang two timer"
Siniko ko siya sa kaniyang sinabi
"Baka marinig ka" sabi ko habang pinapanlakihan siya ng mata
"Totoo naman. Pero sabagay malakas talaga karisma ni De Ville eh" natatawa niyang sagot bago humarap sa akin. "Kaya mag-ingat ka ha, baka mahulog ka dun"
"Sus. Eh hindi ko pa nga yata 'yun nakikita" wika ko sa kaniya. "Atsaka ano ba pangalan nun? Bat puro kayo De Ville?"
"Archer De Ville. Magaling pumana kaya tignan mo pati girlfriend ng crush mo tinamaan" natatawa niyang sabi
Gigil ko siyang kinurot dahil medyo napalakas ang kaniyang boses at baka narinig pa nina Yana
"Tumahimik ka nga. Ang ingay ingay mo, ikaw ang panain ko eh"
"Hindi na kailangan. Matagal naman na akong tinamaan sayo eh" sobrang hina niyang bulong kaya hindi ko narinig
"Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko umorder na rin tayo dahil nagugutom na ako"
Bigla namang kumalam ang aking sikmura ng marealize na hindi pa nga pala kami kumakain
Natuwa kami ng makitang mayroon na agad papalapit na waiter kahit hindi pa naman kami tumatawag
Aba. Maganda dito sa resto na 'to ah
"Excuse me po ma'am, sir. Kahiya-hiya man po pero pwede po ba kayong magtanggal ng inyong hoodie at salamin? May ilang customers na po kasi ang lumapit sa amin at natatakot sa get-up niyo" kinakabahang wika ng lumapit na waiter
Kung hindi ko lamang iniingatan na 'wag makita nina Sky ay baka nalunod ko na siya sa aquarium na may mga lobster sa kabilang banda ng resto na ito
"Excuse me rin ha. Pero hindi mo ba alam na isang rising star ang kasama ko ngayon kaya hindi niya pwedeng ilantad ang kaniyang mukha" mayabang na sabi ni Xander na nagpalaki sa aking mata. "Katunayan, ilang mga teleserye themesongs na rin ang kaniyang nakakanta. Alam mo ba 'yung palabas na The Promise of Walang Forever? Siya kumanta ng themesong nun!"
Napalunok naman ako ng makitang unti-unting nanlaki ang mga mata ng waiter at biglang kinuha ang kaniyang notepad at inabot sa akin
"Wow! Pa-autograph naman po ako, ma'am" wika niya na animo'y mapupunit na ang bibig sa laki ng pagkakangiti. "Johnrick po ang pangalan ko"
Atubili ko naman iyong kinuha at sinulatan
Jusko! Ni hindi ko nga alam ang palabas na 'yun. Hayop talaga 'tong si Xander eh
Pasimple ko siyang binigyan ng nakakamatay na tingin pero nginitian niya lamang ako sabay nguso sa pila ng mga taong gusto rin yata magpa-autograph
Tang ina
"Oh next po" aliw na aliw na wika ni Xander bago ituloy ang kaniyang pagkain. "Wag nalang po sanang makakalabas na kasama ng ating rising star ang non-showbiz boyfriend niya ha?"
Masaya namang sumang-ayon ang ilan samantalang busy sa pagpipicture ang iba
"Kailangan din po ng dalawang dangkal na pagitan kapag may lalaking magpapapicture. Medyo seloso po kasi ako eh"
Narinig ko ang mga pag-yiee ng mga tao at pagpuri sa kung gaano kasweet daw itong kasama kong malakas ang tama sa ulo
Matapos ang humigit-kumulang isang oras ay natapos na rin ang pagiging instant celebrity ko
Nagsibalikan na ang mga tao sa kani-kanilang pwesto at doon ko naman napansin na bakante na ang pwesto kung saan naroroon sina Sky at Yana
Agad akong tumakbo palabas at nakitang wala na rin doon ang kotse ni Sky
"Kuya, napansin niyo po bang umalis 'yung magjowa doon sa pwestong 'yun kanina?" tanong ko sa guard sa entrance
"Ay opo ma'am. May sampung minuto na rin po"
Nagpasalamat nalang ako sa kaniya at inis na bumalik sa loob upang sapakin sana si Xander
Ngunit nakita kong sobrang daming mga pagkain na nakapaperbag sa aming lamesa habang kausap niya ang isang babae
"Hey, baby. Ito pala si Ms. Keith, owner ng resto na 'to. Binigyan niya tayo ng treats oh. Tapos hindi na rin niya pinabayaran 'yung kinain natin" ani Xander at umakbay sa akin
Alinlangan naman akong ngumiti at nagpasalamat din sa kaniya
"Naku! Wala po iyon ma'am. Nakakatuwa lang na may isang celebrity ang nagawi sa aming restaurant" sabi niya at hinawakan ang aking kamay. "Pero pwede po bang parequest?"
Napalunok ako dahil pakiramdam ko'y hindi ko magugustuhan ang sunod kong maririnig
"Kantahin niyo naman po para sa amin 'yung themesong ng The Promise of Walang Forever"
Puta.