11 years. 11 years ko na siyang minamahal. Pero sa loob ng labing-isang taon na yun, ni hindi ko man lang napaalam sakanya. Bakit pa? eh kung alam ko namang wala ring mangyayari. Masasaktan lang ako. Alam ko naman na hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko. Sino nga ba naman ako para mahalin niya, eh di hamak naman isa lang akong ordinaryong babae. Panget, hindi matalino, maliit, lahat nga siguro ng masamang katangian ng babae nasa akin na eh. Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit hindi pa ako nagkakaboyfriend, kung bakit walang nagtangkang manligaw, at kung bakit parang halos lahat na lang ng lalaki eh nilalayuan ako.
Tinatanong mo kung bakit sobra na ang pagmamahal ko sakanya? Haha. Mamaya na. aalis pa ako. Reunion namin eh. pag ako'y nalate, nakakahiya naman diba? Naka 10 years na pagkagraduate ko ng high school, late pa rin ako? Lagi kasi akong muntikan ng malate nung 4th year. Konting konti na lang, late na. naalala ko lang, di niyo pa ako kilala noh? Wait, papakilala ako. Ehem...
Ako nga pala si Mikaela Rian. Wag ko ng sabihin ang last name. haha nickname: Mikay. 26 years old. Kakatapos ko lang ng medicine and I'm officially a doctor~ pediatrician to be exact. Kasalukuyang naghahanda para sa reunion namin ng mga high school friends ko. After 10 years, eto kami, magkikita kita na ulit. Namiss ko sila lalo na siya. Kaklase ko kasi siya nung 4th year-the best year of my life. Hindi dahil dun ko siya nakilala (actually, elem pa lang, kilala ko na siya eh.) pero dahil dun ko talaga nakilala ung mga tunay na kaibigan na nakasama at makakasama ko sa paglalakbay.
**Tin calling**
~hello Dude?
~hi dude! Musta na?
~tamo to, parang di nagkita kahapon. Hahaha
~eh namiss kita eh
~haha osige na. ba't ka pala napatawag?
~wala, baka lang kasi makalimutan mo ung reunion natin at MALATE ka na naman
~Tin para namang di mo ko kilala. Alam mo naman na lagi akong sumisipot sa ganun eh
~sumisipot nga, late naman lagi!
~eh atleast nasipot
~hahaha! sige na. basta mag-ayos ka na. kahit ngayon lang? try mong hindi malate. Maexperience mo naman
~opo ma'am. See you~
~geh dude, bye!
~bye.
Siya si Tin ang isa sa best friend ko. Parehas kami niyan. Doctor to-be. Next year pa kasi siya gagraduate. 4 years lang kasi ung preparatory course ko, siya ay 5 years. Ayun. dami naming kaweirduhan. Di ko na makkwento lahat, masyadong madami talaga eh. basta siya si DUDE.
Ayos dito, ayos doon. =_____= kahit wala namang masyadong nagagawa ung ayos. Ganun pa rin itsura ko. Pangit. Tsk.
On the way na ako. Haha! First time! Maaga na siguro ako ngayon. >:) 1 hour pa bago magstart eh. since ung place ay 30 minutes away, 30 minutes early ako. Yes! Bwahahaha ano ka ngayon dude. Sigurado akong magugulat ka! >:)
BINABASA MO ANG
The Reunion Confessions (One-shot)
Short Story11 years. dagdagan mo pa ng 7 years? 18 years dba? ang tagal noh? kasi naman, kung umamin na lang agad dba? ode sana, sana... sana ano? haha basahin mo na lang. :P note: pasensya na kung sobrang haba nitong one shot. >.< sobrang ma-a-appreciate ko k...