Andy's
Isang linggo na simula nung nagsimula ang pagkawala ng mga matanda sa lugar namin, sobrang gulo na. Ilang bahay na ang nasunog, mga sanggol na namatay dahil naiwan sa bahay, mga batang nag-aaway para lang sa pagkain, at ang unti-unting pagkaubos ng mga pagkain at stocks sa mga grocery store.
Ako na nga rin pala ang nagmistulang mayor dito sa bayan namin, dahil kilala ako. Noong una ayoko pa, pero napilit din ako tsaka they don't want the position daw because it's too hard.
Sobrang daming gawain dito, nakakapagod na. Ang mga kaibigan ko ang pinagbantay ko sa iba, si Ady, Flaye, at Finn sa mga toddlers habang ang iba naman ay mga namumuno sa mga kasing-edad lang namin. Ang iba ko namang kilala ay hinati-hati ko at inatas ko ang iba sa mga clinics, police station, fire station, at sa grocery stores.
"Hey?!" nabalik ako sa ulirat nang may mag-alog sa akin.
"Hey?" matamlay na tugon ko kay Finn.
"You should rest, ands. I know that you're tired, kaya matulog ka na muna. I can handle this for a while." sabi sa akin ni Finn habang sinusuklay ang buhok ko.
"I don't want to. They need me here, finn. What if someone came here para mag report? I can handle myself." sagot ko naman habang nakayuko at dinadamdam ang pagsuklay niya sa buhok ko.
"Don't stress yourself, andy. Lahat sila ay nagaalala na sayo specially si Flaye at ang dalawa mong kapatid." bulong niya sa akin.
Ilang linggo na rin simula nung mag iba ang trato sa akin ni Finn. Alam ko naman na may gusto siya sa akin pero hindi pa rin ako nasasanay rito. Araw-araw siyang dumadaan rito sa office of the mayor para lang i-check kung ayos ba ako or what.
"I'm going to take a nap nalang. You can go na, they need you. Thank you!" sinabi ko na lang para umalis na siya.
"That's good." sagot niya at dire-diretsong lumabas.
"Matulog ka na muna, baka pag gising mo ayos na lahat." panguuto ko sa sarili at pumikit na.
ㅡ
Finn's
Papasok na ako sa lugar kung saan namin nilagay ang mga bata nang may narinig akong pagsabog, kaya agad akong pumunta doon. Habang tumatakbo ay nakasabay ko sila troye at tinanong kung anong meron.
"Hindi ko din alam, bro!" sigaw niya at mas binilisan ang pagtakbo.
Hingal na hingal kaming nakarating sa park na pinagmulan ng pagsabog. Nakita namin ang mga batang nakatulala sa iisang pwesto kaya naman tinignan din namin ito.
"It c-cant be!"
"H-horrible!"
"W-who did t-this?"
×
A/N:
Salamat nga po pala sa mga nagbabasa! na appreciate ko po talaga yuuuun.
Hope you'll like it, guys.
BINABASA MO ANG
Vanish
Mystery / ThrillerKung saan lahat ng mga matatanda, ay naglaho. Tila mga bolang, nagsiputok. Walang magulang, guro, o sino pa mang kayang umalalay sa mga bata. Makakaya kaya nilang mabuhay? Sikretong mabubunyag at mga pagbabago sa bawat isa. Halina't subaybayan ang...