Letter to our Baby Dog

11 2 2
                                    

To one of our dearest puppy, Baby Himhey..

Hi baby! Palagi kong napapansin, ang tahimik mo palagi, tapos di ka pa makulit, di katulad ni Poochi na sobrang magalaw. Alam mo baby, namimiss na talaga kita, kahit pa hindi kita palaging pinapansin, nilalaro, o kung anu man ay love na love kita. Kaya sobra akong nalulungkot ngayon, iilang buwan pa lang kasi eh! Baby, iilang buwan pa lang..

Baby, alam mo nung minsan kitang nilaro ay nakakatuwa ka, sobra! Kahit nangangagat ka pa, nangangalmot minsan, nakakatuwa ka talaga. Ikaw yung exact opposite ni Poochi eh. Si Poochi kasi sobrang gulo, hehe, tapos palaging nangangagat, nangangalmot, nagkukulit at ang ingay ingay pa.

Miss na miss na kaagad kita baby. Hindi mo man lang ako hinintay na mabisita ka sa ospital daw kung nasaan ka. Hindi mo man lang ako hinintay kahit na alam kong di naman tayo ganon ka-close, hindi mo man lang ako hinintay na makapagsabi ng goodbye at ng 'I love you baby!' Iniwan mo kami kaagad.. hindi mo man lang kami inintay..

Ngayon ang araw na iniwan mo kami, pero love pa din kita baby! Sana nga lang masaya ka na at hindi naghihirap sa kung nasaan ka man ngayon. Love na love kita baby, miss na miss na din kita..

Alam mo bang ang lungkot lungkot na ni Poochi ngayon? Hindi normal na sya ang nakikita namin ngayon, ang tamlay na nya, ang lungkot, hindi sya nagkukulit at palaging nasa isang sulok lang sya, namimiss ka na non oh.. iniwan mo kasi eh, di ka nag ba-bye sa kanya.

Iniintay ka pa naman nya kahapon pero nasa ospital ka nga daw. Ngayon baby, alam mo bang pagka-uwi din namin talagang nakatutok sya sa pinto, hinihintay na pumasok ka. Pero kami kami lang ang pumasok, kasi nga wala ka na, iniwan mo na kami. Lungkot na lungkot si Poochi, ayaw kainin ang food nya.

Nakakapanibago dahil palaging sya ang nauunang kumain sa inyong dalawa, palaging sya ang unang nakakaubos at inaagawan ka pa nga nya ng pagkain diba? Nag aaway pa kayo.. nakakamiss ka talaga baby..

Pasensya na baby ah? Ang ikli lang neto.. hindi ko na kasi alam ang sasabihin, pero love na love ka talaga namin! Lalo na ni Poochi baby, love ka non kahit na madalas kayong mag away...

Wala na talaga akong masabi baby, pasensya na... basta, be happy ha? We love you!!


Love,
Your Ysa

A Letter to our Baby DogWhere stories live. Discover now