Galit ang bawat hakbang ko papasok ng eskwelahan.
Kasing init ng tirik na raw ang galit ko na hindi parin humuhupa, ang mga nakakasalubong ko na nakakakilala saakin ay akmang babati pero hindi itutuloy dahil marahil sa nakikitang galit saakin.
"Anong-" Binalingan ko ng tingin si Belen bago ako padabog na naupo sa upuan. "-muka yan?"
Umupo din sya sa katabi kong upuan. Tulad ko ay nakasuot din sya ng uniporme. Ang kanyang matatambok na pisngi ay gumagalaw habang nag sasalita.
"Bwisit..." Asar na asar talaga ako. Pakiramdam ko nga ay puputok ang ulo ko sa inis.
"Bakit nga?"
Humarap ako sakanya, naksimangot padin ako.
"Oh, oh, oh...." Tinuro nya ang muka ko. "Wag mo kong tingnan gamit yang ganyang mong mga mata..."
Naiinis na hinampas ko ang lamesa at pumikit. Nag bilang ako ng hangang sampu at huminga ng malalim at dumilat.
Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na kumawala sa ipit ko.
Napabuntong hininga si Belen. Sigiro ay ayos na ang muka ko, aniya ay ang pinaka ayaw nya na expression ko ay iyong galit. Paano daw kasi ay napaka expressive ng mga mata ko na kapag galit ako ay kitang kita talaga. Natatakot nga daw sya kasi parang may gagawin akong masama sakanya kapag ganoon ko sya tinitingnan.
"Ganito kasi yan, diba alam mo naman na nag apply ako dun sa pinag tatrabahuhan ni Mrs. Lopez?"
Tumango ito. "Yung kapatid nung matandang dalaga mong land lady?"
"Oo yun..."
"Bakit? Di ka natangap?" Nanlaki ang mata nya. "Naku paano yan, diba kaylangan mo ng trabaho kasi wala umalis ka na dun sa cafe?"
"Hindi." Umiling pa ko. "Natangap ako.." Mag sasalita sana sya kaya lang ay itinaas ko ang isa kong kamay para patahimikin sya. "Ayun nga, natangap ako. Mag sisimula na nga ako mamaya e, kaya lang habang paalis na ko doon ay may nakabanga ako...."
Huminto ako sa pag sasalita dahil naalala ko nanaman yung mga huling salita nung lalaki.
"Huuuy." Kinalampag nya ang lamesa.
Kinuwento ko lahat lahat kay Belen. Pati yung reaksyon ng mga tao, pati yung pag tatransform ng cellphone ko.
"Ayun. Diba, ang sama nya." I whined.
Seryoso sya sa pag titig sakin. "Alam mo friend tama sya.."
"Ayun na nga sabi ko sayo na tama ako at mali sya- wait. What?!"
"Tama sya na tumingin a sa daan mo pag nag lalakad at wag kang tatanga tanga.." I gasped then she giggled.
"Ano?!" Malakas na boses kong sabi. She hushed me dahil ang iba naming classmate ay napatingin samin. "He insulted me, sinabihan nya ko ng.....ng..tatanga tanga ako." Halos pabulong na yung huling salita kasi ay hindi ko matangap.
Ngumisi sya sakin. "Ayon sa kwento mo ay di ka nakatingin sa dinadaanan mo kaya mo sya nabungo, o anong tawag mo dun."
inirapan ko sya dahil doon. Alam ko naman na ako ang may kasalanan pero di ko talaga matangap ang kanyang sinabi. Sobra naman ata yung sinabi nya. Di ba pwedeng aksidente lang?
"Alam mo friend, hayaan mo na yun. Mukang di nanaman kayo mag kikita ulit nun kaya, move on..."
I sighed. Sabagay. Tama naman sya.
Kaya noong dumating na ang prof namin sa subject ay nakinig talaga ako ng mabuti.
Pinaliwanag lang ni Ma'am Morales ang gagawin namin para sa aming practicum. Yung mga ipapasang papeles at mga kaylangan papirmaha. Pati mga deadlines.
BINABASA MO ANG
For the love of Set
NonfiksiMy Mother died while giving birth to me. Father died because of car accident My sister was raped and killed and my brother died because of heart failure. I vowed not to love again for I brought death to all my loved ones, then she came. Amanet, my b...