GTA SA CHEAT: BYECRUELWORLD [one shot]

173 0 0
                                    

Isa tong one shit na kwento.

Kwento ko.

Ano ba yung BYECRUELWORLD CHEAT sa GTA San Andreas?

Yun lang naman yung magpapakamatay yung player.

Suicide.

I wanna do that right now.

Gusto ko nangmagpakamatay.

Ang sakit kasi eh.

Hindi to dahil sa love life.

Dahil to sa pamilya.

I hate everyone. Halos lahat ng pwedeng mura minura ko na. I hate my parents, friends, enemies, and even myself.

Minsan naiisip ko kung bakit walang ctrl+z sa totoong buhay. Bakit walang Delete. Nakakainis lang na isang pagkakamali mo, hinuhusgahan ka na at kinaiinisan.

Gusto ko gawin yung BYECRUELWORLD CHEAT para mas madali yung pagkamatay. Mga 1 second palang, boom, wala na. Wasted.

Eto ang dahilan kung bakit ako galit sakanila....

Sa enemies,

Sabihin na nating, hindi ko naman talaga sila enemies. Parang one sided lang. Sila yung galit at ako yung affected. Dahil dun sa sobrang laking affection na yun, naging sobrang concious ako sa mga ginagawa ko. Akala ko sa love life lang meron nung concious thingy pero dito rin sa hate life meron.

I did a mistake 4 years ago. Naglabas ako ng galit sa maling paraan, through sns. After 4 years, it hit me back. Ako ang kinagalitan ng lahat kahit hindi naman sila ang ginawan ko. Hindi ko sila maintindihan. Galit sila sa pangbabackstab ko pero hindi sila nagagalit sa sarili nilang pangbackstab. Kaya ayun, sa tuwing makakasama ko sila, may awkward feeling ako. Hindi ko sila makausap. Hindi ko sila malapitan. Hindi ako makapagtweet dahil baka pag  nagtweet ako, masamain nila ang tweet ko. Hindi ako naglilike o comment sa fb. Baka sabihin nila makapal mukha ko. Iniisip ko ang bawat sasabihin ko dahil baka mainis sila. Ayokong magalit sila. So all I did was to act differently. From outgoing at positive to introvert and negative.

Tinago ko ang totoong ako para magustuhan nila ako, sa kung ano ang hindi ako.

Sa kaibigan,

gusto ko sila, totoo. Pinapakisamahan nila ako sa totoong ako. Tinanggap nila ako sa pagiging 'ako'. Galit ako sakanila dahil, tinanggap nila 'ako'. Ewan ko kung bakit pero ayokong nagugustuhan ang company nila. Weird ba? Basta. Ayokong nagiging pabiga sakanila. Naiinis ako kasi sila walang pakialam sa sinasabi ng iba pero ako affected masyado. Minsan mukha akong tangang nagkwekwento sakanila pero sila ay patuloy na nagsasabing okay lang. Sa totoo lang, ayokong magtiwala. Ayokong makihalubilo. Ayong mapalapit sa kapwa ko. Naranasan ko na kasing maiwan ng mga kaibigan. Nakakatakot lang na sila din ay mawala, iwanan akong bigla. Pinagkakatiwalaan nila ko pero hindi ko sila mapagkatiwalaan nang buo. Ayokong umalis sa comfort zone na nakasanayan ko. Masakit sa pakiramdam kapag nawawalan ng kaibigan. Naramdaman ko na yun ilang beses na. Kaya hanggat maaari, nilalayuan ko sila.

Nilalayuan ko ang mga kaibigan ko dahil natatakot akong maiwan at makalimutan.

Sa magulang,

sa totoo lang, mahal ko sila. Sobrang mahal ko sila. Ayoko lang nung pressure na ibinibigay nila. Kailangan maungusan ko si ganto ganyan. Kailangan hindi ako magkaboyfriend. Kailangan magandang course para may trabaho agad. Bawal umalis ng bahay. Kahit tumapak sa mismong kalsada bawal. Bawal magbabad sa computer. 8 palang dapat tulog na. Bawal magkaroon ng grades lower than 85. Bawal mawala sa top 10. Bawal...Bawal...Bawal....Madami pa. Nakakainis noh? Hindi ko naranasan maging bata. Sa totoo lang, hindi ko naranasan maglaro kasama ang mga kaibigan ko. Wala naman akong kaibigan nun. Bawal nga akong lumabas eh. Isa pa, ni hindi ko kilala ang mga kapitbahay namin. Lumaki tuloy akong lampa at hikain. Hindi ako naglalaro ng patintero o agawan base sa kalsada. Baka daw may sasakyan. Hindi ko narasang gumala na ang idadahilan sakanila ay gala. Tatakas pa ako para makagala ako. Hindi ako nakakasama kahit sa bonding lang sa bahay ng kaklase ko, minsan lang. Ang boring tuloy ng buhay ko. Sabihin nalang natin na,i live by the rules. Nakakainis yun. Ayoko talaga na pinapakialaman ang buhay ko. Gusto kong ibreak ang rules. Pero mahirap. Paano ko ibrebreak kung sinusubukan ko palang umiiyak na si mama at galit na si papa? Nagmimistulan akong anak na masama sa kanila. Mahirap kapag strikto at overprotective ang parents mo. Kaya napakaswerte ng mga taong pinapayagan ng nga magulang kahit saan siya pumunta. Pinapayagan kahit gabi na umuuwi. Pinapayagan magboyfriend. Pinapayagaan sa galaan. Kasi ako, hanggang paggusto nalang sa mga yun. Bawal eh.

Nabubuhay ako sa patakaran. Strikto at sobrang pagproprotekta ang ginagawa ng mga magulang ko sakin. Wala akong magawa dahil mga magulang ko sila. Mahal ko sila kahit papaano.

Sa sarili,

Hindi ko kailanman minahal ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko. Wala na akong ginawa kundi ang sumunod sa utos, baguhin ang sarili para magustuhan ng iba at hindi magtiwala. Hindi niyo ako maisisi dahil masakit na karanasan ito. Sinasaktan ko ang sarili ko. Baliw ba ako? Ewan. Minumura ko ang sarili ko. Kinamumuhian ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang galit ko sa sarili ko. Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat. Ang tanga ko. Ang bobo ko. Ang sama ko. Lahat na ng masasamang bagay ay nasaakin na.

Kaya minsan naiisip kong magpakamatay.

Minsan naiisip ko ring mabuhay.

Naisip ko na, ang sakit sakit na. Tama na. Masyado na akong nasasaktan sa mga sinasabi ng iba at sa pressure ng magulang ko. Ayokong nakakaramdan ng ganito kaya naiisip kong gamitin ang cheat na yun.

Cheat na naisip kong tatapos sa lahat ng paghihirap ko.

Pero mali eh.

May nakapagsabi sakin na hindi ko dapat gawin yun.

Maraming tao ang nais mabuhay pero hindi nila magawa.

Samantalang ako? Wawakasan ko lang?

Minsan tinatanong ko ang Diyos kung bakit ganito ang mga pagsubok na ibinigay sakin. Pero naisip kong matatapos din ito.

Hindi ko na kailangang baguhin ang sarili ko. Kailangan ko dding umalis sa confort zone ko. Kailangan ko din minsan magbreak ng rules.

Yun ay daan para mahalin ko ang sarili ko. Para maunawaan ko ang sarili ko.

Kapag naunawaan mo na ang sarili mo, dun ka mauunawaan mg kapwa mo.

Minsan nakakasawa naring magbago ng sarili para matanggap ka.

Dahil sa huli, ang mga taong tapat sayo ang tatanggap sayo.

Hindi mo na kailangang magtago.

Hindi mo kailangang sundin lahat ng rules.

Kailangan mo ding ienjoy ang buhay.

Minsan ka lang magiging bata.

Minsan ka lang sasaya.

Habang buhay ka pa at kaya pang naging masaya,

lubusin mo na at refrain from using

BYECRUELWORLD

-----

bored lang ako

Naisip ko lang gumawa ng tungkol sa buhay story. :-)

GTA CHEAT: BYECRUELWORLD [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon