chapter 24

475 8 0
                                    

"Dyllan"

Ng matapos kong kausapin ang mag aampon kay Dannica at mag kaayos nadin kaming dalawa ay agad akong nag paalam para umuwe!










Tama si Auntie! Nandito nga si boss Mindy dahil nakita ko agad ang kotse niya!











Agad akong umuwe para maabutan si Dindo na nag kukwento ng kung anu-ano!









"Dindo!!" Sigaw ko! Sabay lapit ko dito at takip sa bibig nito! "Ikaw na bata ka! Ang dami mong alam!" Dagdag ko pa!












"Mabuti naman at dumating kana, nakakahiya sa amo mo! Pinag hintay mo pa!" Si Auntie.













"Ahh mam! Pasensya na kung natagalan ako at hindi na ako nakapag-paalam!" Nag kakamot sa ulo na baling ko kay boss.












"Wala yun! Nung malaman ko na may nangyare sa ampunan ay naisip kong puntahan ka! Ahhmm dahil siguro nag-alala ako sa kapatid mo kaya na-nandito ako sayo!" Dahilan nito.













Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng pag kadismaya na hindi ako ang naalala niya! Pero ganon paman, nag Papasalamat padin ako dahil sa effort niya!














"Mabuti pa ay dito na kayo kumain mam! Nag luto ako ng adobo" singit ni Auntie!












"Naku Auntie wag na! Hindi kumakain si mam ng adob--












"Okay lang! Na-nagugutom nadin ako!" Putol ni boss sa sasabihin ko pa!















Kaya naman nakisalo siya sa amin sa tanghalian!













Matagal bago siya nag simulang kumain dahil tinitigan niya muna ang pag kain sa hapaG-kainan!











"Hmm...masarap!" Sa huli ay sambit niya!












Para namang nabunutan ako ng tinik ng madinig ko iyon at nakakatuwa lang na nasarapan siya sa pag kain kahit alam kong first time niyang makakain noon!














"Ahh mam! Salamat po sa pag aabala niyong pumunta dito! Nakakahiya man dahil alam kong first time niyong makapunta sa gantong klase ng lugar at makakain ng ganoong pag kain!" Panimula ko ng matapos kaming mag tanghalian at mamahinga muli.














"Sa totoo lang, ako ang dapat mag pasalamat sayo! Kasi madami akong na realize ngayong araw na ito!" Nakangiting tugon niya! "Mas lalo kong na appreciate yung buhay na meron ako ngayon! At mas masaya pala ang madaming kakilala? Unlike sa bahay na puro kasambahay lang ang aking nakikita dahil si daddy lagi namang wala at ganoon din ako! Lagi akong busy! Kaya naman kahit anoman ang estado ng buhay mo ngayon ay mas gugustuhin ko siguro kaysa sa estado ko ngayon!" Mahabang salaysay pa nito.














"At gusto ko pong malaman niyo na maswerte ako dahil kayo ang amo ko!" Tugon ko naman!













Masasabi kong nag sisimula na nga ang magandang pag sasamahan namin ni boss at nag papasalamat ako na nabuksan na ang puso niya at nabago ito

^my Lady Boss^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon