chapter 25

480 8 0
                                    

"Claire"


Inis kong ginagawa ang mga bagay na dapat ay hindi ako ang gumagawa!











Oo! Kanang kamay lang ako!
Pero may limitasyon din naman ang trabaho ko! Pero heto ako, pumipirma ng isandamakmak na papeles na dapat sana ay gawain ng amo ko!












"Ang aga-aga byernesanto ka!" Untag sakin ni Gaby!













"Sinong hindi sisimangot kung kabundok ang nasa harapan ko ngayon?!" Inis na tugon ko!












"Eh nasan na ba kasi ang amo natin?" Tanong pa nito!












"Ewan ko ba dun! Matapos hingin yung background ng driver niya ay biglang sumibat na!" Tugon ko.













"Baka kaya may kaso yung bagong hired na driver? Sabi ko na nga ba! Hindi tatagal yung isang yun!" Pumapalatak pang wika nito.














"Sa tingin ko ay hindi! Hmm sa pag kakaalam ko ay nakipag-away si bossing sa party kagabi at anak pa ito ng magiging investor sana natin kaso nga inaway niya!" Kwento ko naman!














"Ano namang connection non?" Si Gaby.












"Maagang umalis sa party si boss na kasama yung driver niya tapos hating-gabi na nakauwe sa bahay nila kaya ang ibig sabihin lang noon ay mag kasama sila ng napaka tagal nung driver niya na yun!" Dagdag ko pa.
















"So anong pinalalabas mo? Na mayroong namamagitan kay boss at sa driver nito? A? Sus! Imposible!" Komento nito.















"Wala akong sinabi! Pero tama ka! Imposible nga yun dahil bago palang si Dyllan kaya malabong mangyare yun! Isa pa, isang milagro kapag ang amo ay nahulog sa empleyado!" Natatawang sambit ko pa!
















"At kung mag kakatotoo man! Aba! Ang swerte niya kay boss! Araw araw may sermon!" Si Gaby!












"Hahahaha!" Sabay na tawa namin!













"Excuse me, nandiyan ba si Mindy?" Pukaw samin ng isang lalaki na madalas kong makita na kasama ni boss!














"Ahh sir wala po siya! Hmm may nilakad po ata!" Tugon ko!
















"ahh ganoon ba? Pakisabi nalang na dumaan ako! Im Steven! Thanks!" Pakilala pa nito!







.




"Sige po sir! Makakarating!" Matamis na tugon ko.















"Psst! SinO yun?" Singit na naman ni Gaby ng makaalis na si sir Steven!














"Steven daw! Hinahanap si boss!" Sagot ko.














"Ahh--










"Hay naku bumalik kana nga sa pwesto mo at baka abutan pa tayo ni dragona na nag kukwentuhan dito! Ikaw din baka mabugahan ka ng apoy!" Biro ko naman sa kanya!















At itinuon ko nalang ang atensyon ko sa ginagawa ko!

^my Lady Boss^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon