Ang dami ko ng nagawang stories dito sa wattpad na hindi ko pa natapos. Haha. Tapos another one na naman? Actually ginawa ko to dahil sa secret. Ito aaminin ko matatapos siya kasi short story.
- o - o - o - o - o - o - o - o - o - o - o - o -
Hi. I'm Karinna Lopez. Let me introduce myself first. First impression sa akin ng mga tao tahimik, boring, suplada, mataray. Pero lahat yon mali. Dahil isa akong napakamaingay, flirt, agad nagffreak out, sigaw ng sigaw, childish. Pero nagagawa ko lang mga yun kapag kasama ko mga friends ko at pag close na ako sa section ko. Stick muna ako dun sa first impression niyo. Well, actually ganon naman kasi ako pag di kita kilala. Hindi naman ako ganon kafriendly except na lang pag nasa mood talaga ako.
Ok. stop those things na. Hahaha.
Sa unang tingin, di ko siya feel. Kasi feeling ko sa lahat ng boys sa section namin siya ang hindi ko magiging close. Pero hindi pala. Magiging isang barkada pala sa huli.
Una ko siyang makilala dun sa issue na girlfriend niya ang 4th year, eh 2nd year pa lang kami non. First impression, I don't like him. I also don't like his girlfriend. Popular kasi ang girlfriend niya kaya siguro kumalat talaga sa buong campus yon. Siya naman kasi mga friends niya popular din. Kaya di malayong pwede siya maging popular.
Hindi ko expect na magiging classmate ko siya.
Ang unang marinig ko ang name niya at makwento siya sa akin ay dahil sa best friend ko. Siya daw ang guy best friend ng best friend ko. Best friends sila. Pero hindi siya ganon ka best friend ni Francis. Kasi ang girl best friend niya talaga si Gela. Grabe ang babaeng yon. Matinik. Kasi sobrang taray, sungit, suplada at grade consious. Nakakapikon lang. Maraming may ayaw dun dahil sa ugali niya pero naging friends naman kami ni Gela. She's kind naman kahit papaano. Kasi ready siyang pagsilbihan ang mga kaibigan niya gaya ko.
Dahil don, medyo nakikilala ko siya. Mabait daw siya. Concern daw siya palagi. Basta yun. Mabait siya. Gwapo rin daw. Oo na. Gwapo siya. Pero may pagkachildish.
Una ko siyang nakatext, naimpress ako. Kasi di man kami close pero medyo tumagal naman yung usapan. Pinagtitripan ko kasi siya. Ayun nakiride naman siya. Mabait nga siya. Sa text? Ewan. Di ko naman kasi nakikita mukha niya.
1 month ko siyang nakatext. Pero hindi naman araw-araw. Siya lang talaga ang nakatext kong hindi ko kaclose. Choosy kasi ako eh. Swear. Hahaha.
After that, narealize ko crush ko na siya. Ayaw ko lang aminin. But this time, pinangako ko sa sarili kong hindi ko ikakalat o pagsasabi kahit sa best friend ko man. Gusto ko ako lang makakaalam. Pipigilan ko ang sarili ko sa nafifeel ko sa kanya at pipigilan ko rin na masabi ko sa mga kaibigan ko.
Pero, hindi lahat naayon sa kagustuhan ko. Kasi one day, hindi ko alam bakit pero grabe lang. Ang gwapo niya. Nakakainlove siya. Ewan ba. Palagi ko na lang siya napapansin. Tapos palagi ko rin siya tinitigan. What's wrong with me?!?! F*ck that! Dahil hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko dahil I think malapit na akong mabaliw kapag hindi ko pa nalabas to. Mapagkakatiwalaan naman mga friendships ko.
After dismissal, dumiretso kami nina Sarah at Arianne sa mall para bumili ng beads para dun sa project namin na genetic code. Basta yon. By pair yon. Kabod ko lang kasi kinuha si Krissa as a pair/partner dahil matalino yun sa biology. Haha. Yun pala beads beads lang. Tae. Hindi rin pair si Sarah at Arianne. Kasi yung kinuha ni Arianne yung matalino. Alam mo naman trip namin. Haha. Pero kaclose naman namin yon. Si Sarah sapilitang pair si Justin. Crush niya eh. Sinet up namin sila. Hahahaha. After namin bumili ng mga beads, kumain kami sa KFC. Nag girl talk. Naglabasan ng sama ng loob sa mga crush. Actually si Arianne nilabas niya sama ng loob niya sa amin about sa kaMU niyang si Nico. Hay. Yung dalawang yon. Nakakakilig sila. Kaso masyadong hinihigpitan si Nico ng dad niya kaya hindi niya nagagawa yung mga gusto niya. Pati yung sa kanila ni Arianne. Aw. Sayang naman. Si Sarah naman yung sa kanila ni Justin. Nahihiya na daw siya kay Justin. Close kasi sila. Ayaw niya masira friendship nila.