Prologue

60 1 0
                                    

PROLOGUE.

Ang daming bagay na maaring mangyari sa ating buhay.

Pwede tayo mahulog sa taong kahit kailan hindi natin inisip na gugustuhin naten.

Minsan naman makakatagpo tayo ng taong akala naten sila na ang "soulmate" naten, pero iiwanan ka din pala balang-araw. 

Paano mo naman pala malalaman siya na nga ang nakatakda sayo? 

Gulo talaga ng buhay ng tao. 

Malay mo nga naman nandiyan na yung para sayo pero hindi mo lang napapansin. 

O kaya naman, baka hindi mo parin binibigyan ang sarili mo ng isang pang chance. 

May mga taong darating sa buhay naten na kahit gaano naten sila gustong pigilan umalis ng atin buhay, hindi naman naten magagawang pigilan. Baket? Kasi ayaw naten silang mahirapan at maging malungkot sa piling naten.  

Buhay nga naman, noh? Hindi mo man alam kung anong dala nito.

Kapag lalo mo iniiwasan ang isang bagay -- parang mas lalo ka pa yata linalapitan. 

Haaaaay. Basahin niyo na lang ang naging storya ng buhay pag-ibig ko.

Hirap naman mahanap ni Mr. Right. :( 

May mga bagay na kahit gaano pa kayo kalapit ng isang tao, walang assurance na ikaw ang mahal. O kaya naman, wala makakasira sa pinagsamahan niyo. 

Handa ka ba magbigay ng pangalawang pagkakataon sa taong nanloko sayo? 

Minsan parang ang unfair ng buhay kasi ibibigay sayo yung bagay na gustong gusto mo pero saglit lang kasi babawiin sayo >.< 

Ang hirap tanggapin ang realidad ng mundo. Ang gulo. Ang hirap intindihin. 

Pero matututunan mo balang-araw na hindi mo kailangan alamain at intindihin ang lahat ng bagay kundi tanggapin na lamang ito. 

The Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon