KELRY
"TITO ANONG GAGAWIN NATIN!!?!!" Hindi lang kami puzzled, natatakot nadin kami sa natanggap namin note sa pinto ng kwarto namin. Sinadya pa atang kami ni Mike ang makakita para ipakita namin kay Tito. At hindi lang raw si Ryan ang hawak niya. Pati sina Pat at Greg daw!v Buong barkada dinamay!!!
Malalim na nag-iisip si Tito habang hawak ang papel na binigay ng mga kidnappers. Pero bakit ganun? May pangalan na nakasulat sa note. Ricardo... teka?
"Diba Papa ni Tin yang Ricardo Tito? Siya kaya ang may gawa nito?!" Tanong ni Mike sa kanya. Hindi rin namin alam eh.
"Malamang galit parin siya sa ayaw na pagpapakasal ni Ryan kay Tin pero bakit kailangan pa niyang isama si Patricia?" Nagtatakang tanong ni Tito.
"At si Greg na wala namang kinalaman?!" Dagdag ni Mike. Teka.. Lumapit ako kay mMike at bumulong.
"Diba pinaghihinalaan ni Ryan na may alam si Greg? Baka magkasama silang tatlo at sabay silang nakidnap." Bumuo ang idea sa isip ko.
"Anong pinagbubulungan ninyo diyan? Hindi ba kayo sasama?" Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nasa harap na nag elevator si Tito eh kanina nasa harap lang namin siya.
"Sasama po tito! Pero diba sabi wag kayong magdadala ng kasama?" Takang tanong ni Mike. Ako din nagtataka at nag-aya pa si Tito.
"Diba kaibigan niyo sila? Dapat lang sumama kayo at tsaka, sino bang mauuto niya napupunta ako mag-isa doon?" Napangiti tuloy kami sa sinabi niya. Kahit nasa panganib na ang anak niya, nakuha pa niyang magbiro.
"Sabi nga namin eh!" Sabay ko naman at lumapit na kay Tito.
"Ngayon alam ko na kung kanino nagmana si Ryan." Ngiting sabi ni Mike bago kami pumasok sa elevator.
- - -
PAT
"Maawa ka samin Richard, tigilan mo na to!" iyak ko sa kanya. ginapos na niya sina Greg at Ryan sa hindi namin alam na parte ng lugar na to at iniwan kami ni Tin dito, nakatali.Lumapit si Richard sakin, hinawakan ang buhok ko at hinila ito. Nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko bago magsalita.
"Ngayon pa ba ako titigil Pat? Hindi puede.. sobrang talo na ako eh." Sabi niya sakin sabay halik sakin, umiwas ako kaya't sa pisngi lang tumawa. Hindi ko na siya kilala! Iba na ang Richard na nasa harap ko ngayon.
"Richard WAG! Walang hiya ka talaga!!" Sigaw ni Tin kay Richard at pinagsisisipa ito. Ang nakita ko na alng, sinipa ni Richard si Tin ng malakas at nahiga ito sa sakit, tumayo si Richard at tatantyahing sipain ang tiyan ni Tin!!
BINABASA MO ANG
Mr. New (JulNiel Story)
FanfictionPaano ka mabubuhay kung ang buhay mo ang siyang nawala sayo? Handa ka na bang umibig muli kung sakaling dumating ang bagong magpapatibok ng puso mo? Paano haharapin ni Pat ang mga pagsubok na to sa buhay niya? Samahan natin siya sa kanyang epic love...