Kabanata 11

20 1 0
                                    

Kabanata 11

Asado

Papunta ako ngayon kina Zoe, umuulan pa rin kaya nahirapan akong sumakay. Alas dos ako umalis ng bahay at alas tres na wala pa ako kila Zoe.

Alas tres y medya na ako nakarating at para na akong basang sisiw dito dahil kanina pa ako doorbell ng doorbell at sigaw ng sigaw pero walang sumasagot at bumubukas ng gate. I'm only wearing shorts and plain gray shirt, basang basang na rin ang buhok ko.

Gusto ko ng umiyak dahil hindi humihina ang ulan, lumalakas pa ito lalo. Konti nalang at mababasa na ang phone ko bago ko ito matago sa aking bulsa ay nagulat ako nang biglang bumukas ang gate nila Zoe at niluwa nun si August na halatang irita at kakagising lang.

He is only wearing sando ang board shorts. Kitang kita ang puting puti niyang katawan na may pula pula dahil sa mga bakat nang pagkatulog.Gulo gulo ang kanyang buhok at pulang pula ang kanyang labi.

"Are you not going inside?" Malamig na boses niya ang nagpagtigil sa aking pagsusuri sa kanyang itshura ngayon.

"Ah, I'm sorry." Wala siyang imik hanggang sa makapasok kami sa bahay nila Zoe. Lalo akong nanlamig nang maramdaman ko ang lamig na galing sa aircon. Pero parang mas malamig pa doon ang tingin ni August sa akin.

"Nasa kwarto si Zoe." Isang tingin mula ulo hanggang paa ang natanggap ko sakanya bago niya ako tinalikuran at na una nang pumanhik.

Gosh, palagi nalang August. Nakakainis. Nararamdaman ko na  pulang pula na ako dito at nanginginig na ako kaya pumanhik na rin ako.

Pagdating ko sa kwarto ni Zoe ay patay ang aircon at ang ilaw, ang tanging bukas lang ay ang lampshade na nasa kanyang gilid.Tulog siya at natatakluban siya ng kumot. Basa pa rin ako kaya hindi ko siya malapitan pero nang subukan kong tanggalin ang kanyang kumot ay nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto at muli, ay nandoon si August. May dala dala siyang puting tuwalya at isang pares ng damit.

Umatras ako sa kama at hinarap siya. Wala siyang sinabi na kahit ano at inabot niya lang sa akin ang mga hawak niya bago umalis at dahan dahang sinarado ang pinto.

I checked the clothes at halos magwala ako dahil sa kahihiyang naramdaman ko nang makitang mayroong isang pares ng panty at bra ang kasama ng isang tuwalya. Nakaipit. I guess, kay Zoe ito.

Naligo ako at nagpalit na rin at pagkatapos ay binalikan ko ang pawis na pawis at tulog na tulog pa rin na si Zoe. Galing na siguro dito si August habang naliligo ako, dahil may isang maliit na bowl na, na mayroong maligamgam na tubig at pulupot na towel ang nasa table sa gilid ng kanyang kama.

Kinuha ko iyon at pinunasan ko siya. Ayoko siyang gisingin dahil alam ko na pagod siya at kailangan niya pang magpahinga.

Maiinit na mga kamay ang humihimas sa aking braso, napadilat ako at napagtantong si Zoe iyon, nakangiti at maayos na ang lagay.

"Gising na, kain tayo dinner. Nagluto si August." Masaya ang tono niya kaya na pangiti ako. Na pangiti ako dahil magaling na siya at dahil nagluto daw si August. Wahaha.

"Magaling kana?" tanong ko sakanya habang kinukusot ang mata. Nakatulog pala ako kakabantay sakanya.

"Yes, Kahit wala sila manang dahil pinag bakasyon muna nila mommy ay nandito naman si August kaya ayos lang." tinutulungan niya akong tumayo para makababa na at makakain.

"Ahh. Good." Yan lang ang nasabi ko dahil sa mga iniimagine. Tumigil ka nga Tyra!

"Buti nabigay niya sayo yung damit? Ang arte nun e. Pinaabot ko na sakanya yun dahil antok na antok na ako at alam kong mababasa ka ng ulan ang dami dami nang sinabi.Ang arte talaga. " nakapamewang pa siya habang nagpapaliwanag sa kaartehan ng pinsan niya.

"Hayaan mo na. Let's go. Gutom na ko." Bumababa kami at naabutan namin si August na nag aayos ng pinggan sa mahabang dining table nila Zoe. Gusto kong tumulong dahil nahihiya ako sakanya pero bago ko pa man magawa ay hinila na ako ni Zoe at sabay bulong..

"Ayaw niya ng pinapakielaman siya sa mga ginagawa niya, Kahit tulong, feeling niya pinapakielaman siya. Hayaan mo siya riyan, he will just call us if ready na." Pagkatapo ka nang sinabi niya ay hinila niya ako sa sala, maganda at malawak ang bahay nila Zoe, townhouse yata ito. Maraming mamahaling vase at marami ring salamin, yun kasi ang gusto ni Tita Franzes, mama niya.

Konting kwentuhan at kamustahan lang ang nangyari bago kami tawagin ni August para kumain. Hindi ko na na-i-topic ang nangyari sa event dahil nag aalinlangan pa ako.

Habang kumakain ay para akong nanliliit dahil sa ginagawang tingin ni August. Nasa harap ko siya at katabi ko naman si Zoe. Bawat pagsubo ko ng masarap na asado ay tumitingin siya, na-ko-conscious tuloy ako sa itsura ko. Parang ang tagal tagal ng oras sa mga panahong iyon.

Pagkatapos kumain ay hindi pa rin ako pinakilos ni Zoe at si August ang nagligpit at naghugas lahat ng mga pinag gamitan namin. Gusto ko siyang tulungan pero awkward kaya wag nalang.

Pumanhik kaming muli sa kwarto ni Zoe para makatulog na ulit siya at makauwi naman na ako. Umuulan pa rin pero kaya ko namang umuwi. Pinatay ko na ang ilaw at hininaan ko na rin ang aircon para makaalis na ako.

Nang makalabas ako ay halos mapatili ako sa paghila ni August sa akin papunta sa isang hindi pamilyar na kwarto. Palag lang sa kanyang malalaking braso ang nagagawa ko dahil baka magising si Zoe.

Puti ang lahat ng bagay na makikita mo sa silid na ito except sa isang malaking tv na nakaharap sa malaking kama. Anong ginagawa namin dito ni August? Kwarto niya ba to? Bakit niya ako dinala dito? Bakit hindi ako makapag salita at bakit hindi pa ako umalis gayong hindi naman na niya ako hawak? Ang dami kong tanong, pero kahit isa ay walang mailabas ang bibig ko.

Let's Not Fall In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon