Kabanata 12

22 1 0
                                    

Kabanata 12

First time

Mainit at mabasa basang tuwalya ang humaplos sa aking noo. Gising na ako at ayaw kong dumilat dahil ayaw kong harapin si August pagkatapos nang nangyari.

"I know you're awake. Wake up, para makahigop ka ng soup." Unti unti akong dumilat at hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya matignan ng diretso kaya pumikit akong muli. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama at alam kong nasa gilid ko siya.

"Hey, im sorry... I'm so sorry Tyra, alam kong nasaktan kita." Ayoko siyang pakinggan dahil sumasakit ang puso ko. Gusto kong umiyak at umalis nalang dito habang inaalala ang mga nangyari kagabi.

Nilakasan ko ang loob ko para tanungin si August kung bakit niya ako dinala dito sa kwarto na ito. Medyo nahihilo na ako dahil sa kaba nang humarap siya sa akin gamit ang mga matang mapanuri at nasasaktan.

"Bakit mo ko dinala dito?" Isang tanong lang at napaatras ako nang subukan niya akong lapitan.

"Tyra, let's talk. Let's talk properly." Humina ang boses niya at sinubukan niya muli akong lapitan kaya umatras muli ako. Nararamdaman ko na konti nalang at matatamaan ko na ang malamig na pader dito pero di ako nagpatinag.

"Anong pag uusapan natin? Bakit kailangan dito pa?" Nahihilo na ako at kabadong kabado habang siya ay parang may sinusubukang gawin. Tinataas niya ang kanyang kamay pero agad niya rin itong binababa.

"It's about us." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"What about us? Walang tayo August! " tumaas ang boses ko kaya sinubukan niyang lumapit sa akin pero di niya rin tinuloy dahil pinagbabantaan na siya ng mga mata ko.

"I know! Kaya nga gusto ko na mag usap tayo! I want to have an us. I want to have you. Can't you see it? Huh?" Nanlambot ako lalo sa mga narinig ko galing sa kanya at halos matupok na ako sa sobrang init ng titig niya.

Kinuha niya ang siko ko. Wala akong nagawa dahil konti nalang at malulusaw na ako sa harap niya. Inabot niya ako at niyakap. Nilagay niya ang kanyang ilong sa aking tenga, gusto kong umatras dahil ganun din ang ginagawa parati ni Lance sa akin. Shit,August!

"Please Ty, gusto kita, gustong gusto.. please ako naman, kahit ngayon lang." nagsusumamo ang kanyang noses na nagpatindig ng balahibo ko.

Nasasaktan ako sa ginagawa niya because I feel like I'm cheating Lance pero ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi ako pumapalag gayong kaya ko naman.

"August hindi kita naiintindihan." Yan lang ang nasabi ko at hinayaan kong magpahinga ang kanyang ilong sa aking tainga. First time namin na maging ganito kalapit and I don't know if I'm happy or not.

"Akin ka nalang.. please Ty, I'm so jealous, fucking jealous." Pabulong iyon pero may diin. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sakanya, nawala ang lahat ng galit ko nang malaman ko ang nararamdaman niya para sakin at napalitan ito ng guilt dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang mahalin pabalik, na hanggang kaibigan lang.

"Hindi pwede. I love Lance. So much." Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, ayoko siyang paasahin sa wala.

"Kahit ngayon lang Tyra, please?" Ang masungit at cold na August na nakilala ko ay tila isa ng tubig at batang nagmamakaawa na payagan ng ina na lumabas kahit gabi na.

"No. Alam mo na kami ni Lance, wag mong saktan ang sarili mo August!" Pinipilit ko na kumawala sa kanya pero hinihigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang ko. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya pero parang wala lang iyon sakanya.

"Ever since Ty, gusto na kita, and I'm so sorry kung nagawa ko ang mga masasakit na bagay sayo noon." Gusto ko ng sumigaw pero iniisip ko si Zoe na nagpapahinga na.

"It's all in the past. We don't need to discuss it. Bitawan mo na ako August, nasasaktan na ako." Malamig ang boses ko habang sinasabi ko yun sakanya. Pero parang iyon ang magic word para lumiwag ang kanyang pagkakayakap sa akin.

Hindi ko siya matignan dahil hindi na normal ang nararamdaman ko.
Hilong hilo na ako pero nakaya ko pa ring kumawala sa kanya. Lumayo akong muli, papunta sa pintuan pero nang isang hakbang nalang at naroon na ako ay biglang nagdilim ang paningin ko at ang naramdaman ko nalang ay mga braso ni August na sumalo sa akin.

"Fuck, you're sick Tyra!" pagkatapos ng pagsigaw niya ay pahinang pahina na boses na niya ang aking narinig at hindi ko na alam kung ano pa ba ang sumunod doon.

Isang pamilyar na ringtone ang narinig ko kaya napadilat ako at hinanap ko agad ang cellphone ko. Hawak pala ito ni August at inabot sa akin.

Halos sumabog ako sa kaba ng makitang si Lance ang tumatawag doon. Bago ko ito sagutin ay tumingin muna ako kay August na seryoso rin.

"Hello, where are you?" Tanong niya.Pinaghalong kaba at takot ang naramdaman ko ng marinig ko and dalawang beses na tunog ng doorbell na kinatayo ni August.

"Nasa labas ako ng bahay nila Zoe, kagabi pa kita tinatawagan, pati nila Ate Mara pero hindi ka daw sumasagot." Diretso at alam kong seryoso siya kaya halos hilahin ko si August pabalik sa kwarto dahil baka magulat si Lance kung bakit siya nandito pero huli na dahil nakalabas na siya.

"I'm sick Lance, kaya hindi ko na kayo nasagot. Sobrang naulanan kasi ako kagabi." Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko nang marinig ko sa kabilang linya ang tinig ni August na ineexplain ang mga nangyayari.

Pinatay niya ang tawag at wala pang trenta segundo ay pwersahan na niyang binuksan ang pintuan. Mabibilis na hakbang ang ginawa niya pagkatapos ay lumipad ka agad ang kanyang palad sa akin noo.

"Are you okay now? Did you sleep here alone?" Ngumuso ako para hindi niya makita na natatawa ako sakanya.

"No, i slept with her, sa couch ako." Hindi pa man ako ay nakakasagot, ang mga katangang iyan na ay lumabas sa bibig ni August.

Tinignan ako ni Lance ng masama bago lumingon kay August. Bago pa man siya makatayo ay hinawakan ko na ang braso niya para mapigilan siya sa kung anuman ang kanyang binabalak.

"August, please." Nagets kaagad niya yon kaya lumabas siya nang padabog.

Nilingon ko ngayon si Lance na sobra ang panunuri sa akin, he even checked my clothes. Para siyang ewan. Tinawanan ko siya sa ginagawa niya pero sobrang seryoso niya.

"You jealous?" Halos matawa ako dahil sa kanyang seryosong mga mata.

"Really? Ang lakas ng loob mo at nagtanong ka pa ha? Make sure na hindi ka hinawakan o kinausap man lang ng August na--" pinutol ko siya at hinawakan ko ang kanyang poging mukha, kagaya ng parati kong ginagawa pag nagseselos siya.

"I love you, it's wrong to think that way. I love you." I chuckled at hinalikan ko siya. He did not response at naintindihan ko iyon dahil sobrang nagseselos siya kay August.

Minamadali niya akong pauwiin, maayos naman na ang pakiramdama ko pero hindi pa ako pinapaauwi ni Zoe. Wala siyang alam sa mga nangyayari dahil kagigising lang din niya. Hindi na namin nakita si August pagkatapos ko siyang palabasin sa sarili niyang kwarto. Felling ko tuloy, ang sama sama kong tao. Inalagaan niya ako kagabi. Alam ko 'yon, wala siyang ginawa na lalong kinasakit ko, totoo 'yon, pagkatapos ay hindi man lang ako nakapag pasalamat sakanya. Ang sama mo Tyra!

Sa byahe, sinabi ko sinabi ko kay Lance ang ginawa ni August sa akin. Lahat. Pati ang mga sinabi namin sa isat isa. Nagalit siya, at halos hindi niya ako pansinin buong byahe, pero ayos lang may karapatan naman siyang magalit o magselos dahil mali rin naman ako. I just want to be fair and honest to the man I love dahil alam ko naman na ganun siya sa akin.

Let's Not Fall In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon