Jamica POV
"Wag mo itong iwawala ah, dahil dito tayo nagsimula" sabi ng aking boyfieeee kyaaa bat ba ako tinatamaan sa bawat salita na sinasabi nya
"Syempre namn dito tayo nanumpa eh at dahil sa keychain na ito, magkasama parin tayo, dahil..."
"Dito natin sinumpa na kahit anong mangyari ay hinding-hindi tayo magiiwanan at magkakahiwalay" sabay naming sagot habang nakangiti sa isa't isa
" sige magkita nalng tayo mamayang uwian" paalam nya sakin pero bago sya tumalikod, hinalikan nya muna ang noo ko na syang nagpangiti sakin
"bye!" sigaw ko nang tuluyan na syang tumalikod at naglakad palayo.
Marcus POV
napatingin ako sa keychain na nasa wallet ko habang naglalakad
'hayyy hindi ko talaga alam kung paano ako mabubuhay kung mawala sya sakin' yan ang nasa isip ko
pumunta nako sa seat ko nang bigla namn akong tinawag ng kabarkada ko...
"Pre, laro daw ng basketball mamayang 5" sabi nya sakin
"Pasensya na pre, pero nangako ako kay Mica na makikipagkita ako sa kanya mamayang uwian" pag hingi ko ng sorry
"Ah ganon ba? okay sasabihin ko na lang sa kanila na hindi ka makakasama sa laro" pagsang-ayon nya
"Sige pre, salamat" sabi ko na lang at napatango
"hayyy ganyan ba talaga ang in-love, hindi na napagtutuunan ng pansin ang barkada" pagtatampo nya na sya namang ikinatawa ko.
"yung totoo pre, lalaki ka ba talaga?" tanong ko habang pinpingilan ang pagtawa habang ang istura nya naman ay mukhang papatay na ng tao hahahah
"wag ako Marcus, iba nalang" pikon na sabat nya at tumalikod na sakin at nagwave ng kamay... tsk pikon talaga ang isang yun
~~~matapos ang class hours~~~
uwian na kaya pupunta nako sa classroom nila Mica, pagkarating ko naman duon agad ko namn syang nakita kaya napangiti agad ako
"Good afternoon miss, May I help you?" nakangiti kong tanong sa kanya
"sira ka tlga, tara na nga" sagot niya hahahah sabi ko na nga ba hindi nya tatanggapin yung tulong ko, ayaw nya kasi sa mga masyadong maginoo hahaha
" ok, sige basta akin na muna yang bag mo" pilit ko sa kanya
"Eh saan ba tayo pupunta?" tanong nya
"Sa park para naman makalanghap tayo ng sariwang hangin" sagot ko sa kanya
~~~Terminal ng tricycle~~~
Jamica POV
nandito kami ngayon sa terminal, naghihintay ng masasakyan na tricycle pero bigla nalang akong nakaramdam ng kaba ewan ko pero parang may mangyayaring masama kaya sinabi ko sa kanya na wag na kami pumunta sa park
"Huh? bakit naman masama ba pakiramdam mo?" umiling namn ako
"wala ayoko lang muna gumala ngayon, sa susunod na lang tayo pumunta sa park" palusot ko sa kanya na sana wag nyang mahalata na nagpapalusot lang ako
"Okay sige, ihahatid na lang kita sa bahay nyo" aya nya namn sakin at napatango nalang ako
pumunta sya malapit sa kalsada para maghanap ng tricycle
Marcus POV
pumunta ako malapit sa kalsada at naghahanap ng aming masasakyan ngunit may dalawang lalaking naka black mask na bigla na lang sumulpot sa gilid, hindi ko makita yung mga mukha nila
"Holdap to! ibigay mo samin yang bag mo!" sigaw nung isang lalaki habang yung isa namn ay tinutukan ako ng patalim dahilan upang maitaas ko na lamang ang aking mga kamay at ibigay sa kanila ang bag ko
"Bantayan mo muna yan" sabi nung lalaking kumuha ng bag ko sa kasama nyang may patalim
habang nag hahalwat yung lalaki, nang makuha nya ang wallet ko ay agad ko syang pinigilan DAHIL nandun yung keychain nakasabit
"Kunin nyo na lahat ng pera ko wag lang yung wallet ko, parang-awa nyo na" pagmamakaawa ko
ngunit hindi nila ako pinansin at pinagpatuloy lang ang paghahalungkat ng bag ko dahilan upang hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sapakin yung lalaking may patalim at sipain naman yung isa nya pang kasama dahilan upang mapatumba ko sila at kinuha ko na yung keychain ko sa wallet, narinig ko naman na humuhingi ng tulong si Mica bigla akong kinabahan dahil baka saktan rin sya at dahil dun nadistract ako, hindi ko namalayan na nakalapit na pla yung isa sa mga holdaper at sasaksakin nya nako, dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakakilos pa at nasaksak sa tyan
napabagsak na lang ako sa lupa at nakita ko na lamang na tumatakas na yung mga holdaper dahil papunta na dito yung mga barangay tanod kasama si Mica at dun narin unti-unting dumilim ang paningin ko
...............~~~~~~~~~~~...................
Marcus POV
pagmulat ko ng mata ko ay agad na bumungad sa akin ang mga nakakasilaw na ilaw at puro puti ang nakikita ko, napansin ko rin na parang nagkakagulo yung mga tao
"Wag kang bibitiw, sabi mo diba walang iwanan" naiiyak na sambit ni Mica....napangiti nalang ako
"I LOVE YOU" yun nalng ang nasabi ko dahil muli na namang dumilim ang paningin ko
.......
minulat ko ang mga mata ko, salamat at nakita ko pa saya...si Mica, ang bait talaga ni lord at binigyan nya pa ako ng isa pang pagkakataon
'salamat po' nasa isip ko
napatingin namn ako sa kanan at awtomatiko naman na napangiti ako, tulog na si Mica at parang pagod na pagod sya kaya hindi ko muna sya ginising
hindi parin ako makakilos ng maayos ngunit nang igalaw ko ang aking braso ay agad syang nagising at halata sa reaksyon nya ang pagkagulat
"Gising ka na?! wahhhhh gising ka na nga a-akala k-ko iiwan m-mo na ako eh" humihikbing sabi nya, napangiti nalang ako ang cute nya kasi eh ahaha
Jamica POV
"oh ba't nakangiti ka dyan?" tanong ko sa kanya
"wala lang ang cute mo kasi eh"sabi nya sus bolero hihih
"Ay teka nga ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko uli sa kanya kasi baka may masakit pa sa kanya eh
"Makita lang kita, ayos na ang pakiramdam ko" banat nya ihhhhh enebe kenekeleg si ako kyahhhh
"Umayos ka nga" suway ko sa kanya kahit deep inside kinikilig ako
"Wait nga bakit ba hindi mo nalang binigay yung bag mo sa mga holdaper, edi sana hindi ka masasaksak at mapupunta rito" pagiiba ko ng topic
tapos may bigla syang kinuha sa bulsa nya at inilagay yun sa palad ko nang makita ko ito, hindi ko maiwasang mapangiti at mapaluha......
yung KEYCHAIN namin
"hinding-hindi kita iiwan at iingatan ko pa itong keychain natin na kung saan nagmula ang pagiibigan natin" sabi nya sakin dahil sa tuwa ko ay napayakap nalang ako ng mahigpit sa kanya
'hindi ko alam na iingatan nya ng ganon ang keychain namin na kahit kapalit pa ng buhay nya ay iingatan at iingatan nya parin dahil sobrang mahalaga ito samin' "dito kami nagsumpaan, dito rin nagsimula ang lahat" nasa isip ko habang inaalala ang una naming pagkikita hanggang sa manumpa kami sa isa't isa na walang iwanan.
THE END
YOU ARE READING
The Promise(One-Shot)
Short Storyhi po! first story ko po ito and I hope you'll like it! basahin nyo po ang storya ng kanilang pag-iibigan!!