Testing the Limits of Fate

12 0 0
                                    

Ako si Basha. Charot. Asa pa ako di ba? Buti sana kung kasing ganda ko si Bea. Although may angking kagandahan din naman ako, wala pa rin akong panama don. Isa pa, magkaiba kami, mestisa sya, ako morena, maikli buhok niya, pero ako mahaba. Kumabga bea is bea and i am me, my very own version of Basha. Isang babaeng naghahangad mahalin ulit ng lalaking mahal ko. Ang kaibahan nga lang namin, ako rin si Popoy. Ako yung iniwan, dahil gusto nya ng space. Pero nagmakaawa ako, literal na umiyak at nagmakaawa akong wag na, na kahit ano gagawin at babaguhin ko para sa kanya. Pero nagpumilit siya. At dahil mahal ko siya, ibinigay ko yung gusto nya. Kahit na alam ko sa sarili ko na hindi lang space yung gusto nya, dahil ilang weeks lang e may pinalit na siya saken. Pero kahit ganun, hinihintay ko pa ring bumalik siya saken at bawiin yung space na hiningi nya. In short, ako yung tangang patuloy na umaasang babalikan ng taong minanahal, mahal at kaisa isa yatang lalaking mamahalin ko... in vain. Pero bigla akong nagising sa katotohanan. Hindi nga pala ako si Basha. At wala ako sa isang movie na kung saan, direktor ang magpapasya sa kaligayahan ko. Dahil may sarili akong freewill, kaya gagamitin ko to para sa ikaliligaya ko. 

Testing the Limits of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon