Rhian POV
A few months later..
Today, we can finally know the gender of our baby.
Excited na kami ni Glaiza. Gumising kasi ng maaga at kumain ng breakfast. Pagkatapos we took a bath and then nag bihis na kami.
Nang ready na kami, I called mama and papa to meet us sa hospital nalang. Pati ang parents ni Glaiza nandito rin, nasa hotel nga lang sila, si Alvin rin sasama. Sa hospital na kami magkikita kita.
Humarap ako sa salamin, at tiningnan ang sarili ko. Malaki na nga talaga ang tyan ko. Napangiti ako. Malapit lapit na rin ang pagkikita natin, baby ko.
Then lumapit sakin si Glaiza at niyakap ako sa likod. Sa salamin lang kami nakatingin, parehong nakangiti at nakahawak sa tyan ko.
Sobrang excited kami, kaya naman umalis na kami at nagtungo sa garahe.
Nakaready na pala si manong jerry, kaya agad kaming umalis. Magkahawak kamay lang kami habang nagbabyahe.
Hindi maalis sa mga labi namin ang ngiti, masakit din sya sa panga, pero okay lang yon kasi talaga namang nakakapangiti ang pupuntahan namin.
After 30 minutes, nakarating na rin kami. Pagkapark palang ni manong jerry bumaba na kami kaagad ni Glaiza. Pumasok kami sa loob, at doon nakita namin sila mama at papa, si alvin at ang parents ni Glaiza. Nauna na pala sila samin.
Pumunta na kami sa doctor ko, at agad naman nya kaming inasikaso.
Ang lamig lamig ng mga kamay ko sa sobrang excitement. Pati heartbeat ko excited din.
Agad ako pinahiga nila at isinagawa ang pag ultrasound. Lahat kami nakatingin lang sa monitor.
I was being emotional ng makita ko ang small figure sa monitor. My baby! And then, what really surprised me is that I have twins.
Kaya pala ang laki na kaagad ng tyan ko, dahil dalawa pala ang baby ko.
Then finally, nalaman namin na babae at lalaki ang twin babies namin.
We were so happy. After namin sa hospital, we went to a restaurant to have some lunch and also to celebrate the beautiful news na natanggap namin kanina.
I was a proud mama. Kahit hindi ko pa sila nakikita at nahahawakan feel na feel ko na ang dalawa kong baby. Biruin mo, isang pagbubuntis lang, dalawa na kaagad tapos girl and boy pa. Napakalaking blessing nito samin.
Pagkadating namin sa restaurant, agad agad kaming umurder ng pagkain, parang fiesta, sa dami ng inorder nila. They even ordered wine, kaso sila lang ang pwede kaya ako juice lang muna.
Habang busy kami sa pagkain namin, hindi ko maiwasang mapadami ang kain, biruin mo naman tatlo kaming kumakain sa iisang katawan lang. Sarap na sarap ako sa food ko. I'm sure pati ang mga baby ko.
Pagkatapos naming kumain at sila mag inuman. Hindi pa natapos ang pag cecelebrate namin. Nagpunta pa kami sa mall para bumili ng mga gamit ng babies.
Bumili na kami noon, bibili pa kami ngayon. Oh diba? Hindi pa lumalabas ang mga baby namin spoiled na kaagad.
Nako, pano pa kaya pag lumabas na. Diba?
Pagdating namin sa mall, ayon. Kung ano ano na ang pinamili nila, ako naman ay nakaupo lang sa may waiting area. Mabilis na kasi akong mapagod. Syempre katabi ko ang asawa ko.
Actually simula noong malaman namin na kambal ang anak namin, mas lalo pa nya akong inalagaan at inalalayan. Ngayon nga eh, katabi ko sya. Hindi sya humihiwalay sakin.
BINABASA MO ANG
Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETED
FanfictionThis is the second book of my Rhian and Glaiza fanfic story, entitled: Together Forever. So, If you have read the first book, then proceed. This is the story of Starting Ever After. They are married, so what's next? That's what we are going to read...