NAGBABAKASAKALI

2 0 0
                                    

"NAGBABABAKASAKALI"

HINDI KO ALAM KUNG BAKIT.KUNG BAKIT HINDI KO MAGAWA.KUNG BAKIT HINDI KO MAAMIN.KUNG BAKIT HINDI KO MASABI.AT AKO'Y NATATAKOT NA KAPAG NALAMAN MO AKO'Y 'YONG IWASAN.HINDI KO ALAM KUNG KAILAN.KUNG KAILAN NAGSIMULA.AT ANG ALAM KO LANG AY AKO'Y NAHULOG NA.AKO'Y NAHULOG SA'YO NA HINDI KO ALAM KUNG AKO'Y SASALUHIN MO.

MAARI BANG IYONG TANGGAPIN NA LANG,NA AKO'Y MAY GUSTO SA'YO NA NGAYON AY HINDI MABABAGO.SANA HUWAG MO 'KONG IWASAN DAHIL 'YON AY IKALULUNGKOT KO.SANA AKO'Y 'YUNG PAKINGGAN.AKO'Y IYONG PAKINGGAN 'PAG SINABI KO SAYO ANG AKING TUNAY NA NARARAMDAMAN.AT SANA PANIWALAAN MO ANG NARARAMDAMAN KO PARA SA IYO DAHIL IYON ANG TOTOO.SANA.SANA.MGA SANA'NG HINDI SIGURADO KUNG IYON AY MAG KAKATOTOO.

KAILAN KAYA?KAILAN MO RIN AKO MAGUGUSTUHAN.KAILAN MO 'KO SASALUHIN.KAILAN MO RIN MARARAMDAMAN ANG NARARAMDAMAN KO PARA SA'YO.HANGGANG KAILAN PA BA AKO AASA? KUNG SA PAGKAKA ALAM KO NAMAN AY WALA AKONG PAG- ASA.ITITIGIL KO NA BA? ITITIGIL KO NA BA ANG PAGMAMAHAL KO SAYO KUNG GAYO'Y HINDI KO ALAM KUNG AKO'Y GUSTO MO.NGUNIT PAANO KO 'TO TITIGILAN? KUNG SA TUWING NAKIKITA KITA'Y,ARAW KO'Y KUMPLETO NA.

HETO AKO,NAG-IISIP.NAG-IISIP KUNG ITUTULOY KO PA BA.KUNG ITUTULOY KO PA BA ANG PAGMAMAHAL KO PARA SA'YO.AT HINDI KO ALAM KUNG AKO BA'Y MAY PAG ASA.MAY PAG ASANG AKO'Y MAGUSTUHAN MO.NGUNIT MASAKIT.MASAKIT ISIPIN NA BAKA AKO'Y IYONG BALIWALAIN.MASAKIT ISIPIN NA ANG NARARAMDAMAN KO SAYO'Y HINDI MO TANGGAPIN.SANA AY HAYAAN MO 'KONG SABIHIN SA'YO ANG KATAGANG 'GUSTO KITA' AT AKO'Y NAGBABAKASAKALING......

SANA AKO AY MAGUSTUHAN MO RIN ....

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon