Chapter 1

9 1 0
                                    

Chapter 1
"I give up..." ito ang mga salitang lumabas sa bibig ni Olvia na matagal nang paulit-ulit na lumulukob sa kaniyang isip.

"Wala kang kwenta!"
"Palamuning hayop!"
"Dapat ikaw na lamang ang namatay!"
"Wala kang lugar dito sa mundo."

Paulit-ulit, tila isang sirang plaka na sabay-sabay na nagsisigawan ang mga linyang tumutulak sa akin sa kasiraan.
Pamilya, kaibigan, mga kapwa tao... silang mga dapat umaagapay at nagpapasaya ay ginawa ang kabaliktaran:
Ang itulak ako sa sarili kong kamatayan at iparamdam sa akin na mali na nabuhay pa ako sa mundo at pagiging miserable lamang ang kahihinatnan ko kung ipagpapatuloy ko pa ito.

12:30 na ng madaling araw ng magpasya akong gawin ang plano. Hindi na ako nagabalang magbihis pa, sinigurado kong tulog na ang lahat bago ko kunin ang hinanda kong bag at walang ingay na binuksan ang gate. Matapos itong ilock ay ibinato ko na lamang ang susi malapit sa pinto at nagsimula na akong maglakad.

Sa panahon ngayon delikado na ang lumabas ng ganitong oras, mga nakadroga,rapist, at mga sindikato ang naghihintay sayo, maaaring isa sa mga ito ang maging dahilan ng kamatayan ko at kung hindi man ay ang binabalak ko na lamang.

Matagal na rin akong naglalakad at malayo na rin ang narating ko pero hindi pa rin ako makahanap ng perpektong lugar kung saan mamamatay ako ng walang makakakita sa akin.

Napatigil ako sa isang malawak na bakurang mukhang inabando na. Puro matataas na damo lang na halos mas matangkad pa sa akin ang nandoon at sa sobrang liblib noon ay walang magbabalak na pumunta.
Pumunta ako sa gitna noon at kinuha na ang cutter at itinapat sa palapulsuhan ko. Matagal ko na itong balak ngunit hindi ko natutuloy dahil naiisip ko ang mga nagmamahal sa akin. DATI. Ngunit ngayong nalaman ko na na wala nga talaga ay napagdesisyonan ko nang itigil ang paniniwala sa salitang pagasa. Isa lamang itong kahibangan at tinitulak lang nito ang tao na palalain ang sitwasyon.

"panigurado magiging masaya na silang mawawala ako." Idiniin ko ang talim ng cutter at dahan-dahan itong ipinadausdos pagilid upang masigurong malalim ang masugat nito.

Physical pain is better than emotional pain ika nga. Tila ba sanay na ako sa ganitong sugat kaya mababaw na sakit na lamang para sa akin ang hapdi sa balat at mas nararamdaman ko pa ang mayamang dugo na naagos mula dito.

Gaano ba katagal bago ako mamatay dito?

Itinaas ko ang pulso ko upang maliwanagan at lalong dumami ang dugong umagos roon.

"Parang wala lang naman ito eh!" Napabusangot nalang ako at kinuha uli ang cutter, itinutok ko iyon sa aking tiyan at inilayo na para makabwelo.

"Ano bang iniisip mo!" Napatigil ako sa lalaking bigla na lamang sumulpot sa harap ko at hindi ko manlang namalayan na naagaw niya na pala ang cutter sa akin.

Lahat ng tao ay naiinis sa akin ngunit ngayon lang ako nakakita ng klase ng taong ganito ka galit. Akala mo pinatay ko ang girlfriend niya o ano. PERO kahit galit siya kita mong hindi nawawala ang pagiging maamo ng gwapo niyang mukha nagmumukha siyang modernong prinsipe na- Ano ba itong iniisip ko?! Dapat galit ako sa kanya!

"Paki mo ba? Ibalik mo nga yan!" Sigaw ko pabalik at inabot ang kanang kamay niyang may hawak nito na naging dahilan upang makita niya ang nagdudugo kong palapulsuhan na lalong ikinagalit niya.
Paulit ulit na umiigting ang panga niya habang tahimik na tinititigan ang pulso ko. Mahigpit at madiin ang hawak niya doon kaya siguro lumakas ang pagdaloy ng dugo galing doon. Hindi na ako umangal at pinanood na lang siya sa ginagawa niya.
Ano bang kailangan ng lalaking ito at umeeksena pa? Mukhang hindi nagkakalayo ang edad namin kaya delikado rin sa kanyang lumabas ng ganitong oras kaya anong ginagawa niya rin dito?

"Anong nangyayari dito?" napabaling ako sa kakadating lamang na dalawang lalaki na may edad 40's pataas.
Nagmamadali silang nagjog papunta sa kaniya at nang madatnan ako ay bumagal sila.

"Tsk. Gamutin natin ito." Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng mukhang mamahalin nyang jacket at ipinatong ito sa sugat ko para humina ang pagdugo.

Hindi ko alam ngunit tila binuhusan ng kumukulong tubig ang puso ko at naiyak ako ng di namamalayan.
Ganito na ba ako kakulang sa atensyon na kahit simpleng pagtulong lang ng isang tao ay ganito na ako kasaya?

Nakayuko lamang ako at tahimik na nagpahila sa kanya, nakikinig sa usapan nila.

"sino yan rux?" Rux pala ang pangalan niya..

"Just a person found not far from the HD. She's about to waste her life." Kumpara kanina ay kalmado na ang tono niya at napagtanto kong normal lang na malamig ang boses niya.

"Ganun ba? Mabuti't nakita mo agad. Mukhang marami-rami na rin ang dugong nawala sa kaniya."

"Yup, though needless to say, malakas pa siya and she's about to stab her stomach too actually."

"Damn, that girl is quite awesome."

Unti-unti akong napabusangot sa palala ng palalang usapan ng tatlong lalaking kasama ko, mahaba-haba na rin ang nalalakad namin at mas malayo pa nga ito kumpara sa nilakad ko kanina kaya nabore na ako sa kwentuhan nilang hindi naman ako makarelate at minsa'y di ko pa maitindihan.

Malamig at malakas na hangin ang panakanakang sumasalubong sa amin sa paglalakad na tumulak sa aking tumingin na sa paligid.
'Dapat pala'y tiningnan ko ang dinaan namin kanina.' Pagsermon ko sa sarili. Nasa malawak na damuhan na kami at maliit na lang at nagmukhang kumpol na lamang ng mga dahon ang masukal na bakuran kanina. Hindi ko akalaing may ganito pa lang lugar sa likod ng bakurang iyon. Nang ibaling ko ang paningin kung saan kami papunta ay natulala ako. Kung hindi ako hinihila ni Rux ay mapapatigil talaga ako.

Malaki at itim na mansiyon iyon na napapalibutan ng magkakaibang laki ng tent na puro itim din. Sa paligid ng mga itim na masisilungan ay iba-ibang kulay, at klase ng kotse. Nagmukha itong black market na may kakaunting pormal na taong naglalakad. Habang papalapit kami ay lalo kong nasilayan ang ganda ng pagkakagawa ng mansiyon at ang laki ng mga tent kanina. Mukhang kilala siya dito. Bawat taong dumadaan ay bumabati kay Rux, bawat isa ay sinusulyapan o tinititigan muna ako ng blankong ekspresyon bago lumagpas. Maraming nagsasabi na nakakainis daw ang itsura ko kaya wala na lang sa akin ang iisipin nila.

Pumasok kami sa isa sa mga tent at pinaupo ako sa isang upuan roon. Inutusan ni Rux ang isa sa mga abalang nurses.

Gentle na ngumiti sa akin ang nurse na lumapit at tinanggal ang panyong puno ng dugo ngayon.
"Jusko! Anlala nito ah. Gaano na katagal ang sugat na to?"

"Mga kalahating oras na din po." Bumalatay ang matinding pagaalala ng nurse sa akin at tumawag pa ng ibang kasamahan para asikasuhin ako.

"Marami na ngang dugo ang nawala. Neng ayos ka lang ba? Maayos pa ba....

Hindi ko na naiintindihan ang sinabi ng doctor nang may matinis na tunog na umalingawngaw sa aking tenga, kasabay nito ay ang panlalabo ng mga nurse at doctor sa akin at pagkawala ng paningin ko.

Bloodlust: AccedeWhere stories live. Discover now