CHAPTER 44

64 19 1
                                    

Walang mga customer at makikitang may karatulang nakasabit sa pinto na 'Close' habang mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang ibang empleyado na nag-uusap usap sa loob.

Pumasok ako at nabaling sa'kin ang kanilang atensyon. Tarantang lumapit naman sa'kin si Dina.

"Ma'am queenie! Anong nangyari sa'yo nasan na sila?!" Tipid akong ngumiti at sumulyap pa sa labas, nakita ko si Devin na nag-yoyosi habang nakasandal sa bumper ng kotse.

"Okay ako. He saves me..." Usal ko habang nakasulyap pa rin kay Devin.

"Y-You mean hindi si Grey ang sumunod 'don?" Napatingin ako sa kanya at nagtaka. Si Grey?

"What do you mean?" Takang tanong ko naman.

"Nung tumakbo ka naisipan ni Cassidy na humingi ng tulong kay Grey, nagkausap sila sa phone at hinahanap ka nila ngayon. A-Akala ko siya na 'yon..." Paliwanag nito kaya naman nakaramdam ako ng pangamba. Baka mamaya kung saan sila mapadpad. "Pero masaya ako na ligtas ka ma'am, nag-alala kami." Tumingin pa siya sa mga kasama na sila namang nginitian ako. Ngumiti nalang rin ako.


Nang maalala ko ang gagawin ay dali-dali akong lumakad sa office at laking pasasalamat ko nang makita sa table ang box at sa sahig naman ay ang putol na kamay. Dahan-dahan kong pinulot ang kamay at nilagay sa loob ng box tska ko 'yon kinuha, dinamay ko na rin ang phone ko.

"Saan mo 'yan balak dalhin, ma'am?" Pag-singit ni Dina nang makalabas ako.

Ngumiti ako ng matamis at tumingin pa sa mga empleyado ko bago ko ibalik sa kanya. "He'll help me save my dad. For now pede na kayo umuwi at magpahinga."


Hindi ko na siya pinagsalita pa at dali-dali akong lumabas. Ngumiti ako kay Devin at tinapon naman niya ang sigarilyong hawak tska tumango sa'kin.

This is it. Wait for me, Daddy.


"Ito pala ang address." Binigay ko sa kanya ang maliit na papel na pinaglalagyan nito.


Kinuha naman niya 'yon at tumango ng makita. "You can rest for now. I'll wake you up when we get there." Malumanay na anito kaya ngumiti nalang ulit ako.


Nakaramdam din ako ng pagod dulot ng nangyari kanina kaya siguro nga ay matutulog muna ako. Pero naisip ko na tawagan muna si Mommy, baka sakaling may makuha akong impormasyon sa kanya.


Ngunit nakailang ring na ako ay hindi niya sinasagot. Damn it! H'wag mo sabihing kasama siya?!

Hindi naman sana...


Dinaial ko ang numero ni Grey at laking pasasalamat ko ng tatlong ring palang ay sagutin na niya.


"Queenie! Where the hell did they take you?! Are you alright?!" Halata sa boses nito ang taranta at pag-aalala, nabuga naman ako sa hangin.

"Devin saves me. Pede na kayo umuwi ni Cassidy, I'm alright." Mababang litanya ko.

"What?! Umuwe?! Not unless you're with me!"

"May pupuntahan pa kami, alam ni Cassidy yun at uuwi din ako. Importante lang ito Grey. Okay?"

"You're in danger, Queenie go home!" Singhal niya kaya naman halata sa mukha ko ang pagkainis. Ano na naman ba ito, Grey?

"Ayan ka na naman, please we're on our way so I need to hung up---"


"No! Please listen, wag kang mag-titiwala sa kanya! Umuwi ka na queenie----"


CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now