TCIM-Eleven

14 0 0
                                    

Please read my story and remember to follow, vote and comment. Thank you :-)
-----

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto dahil naghihintay na si Seb sa baba. Ito na yata ang pinakamabilis na pag-gayak na ginawa ko sa buong buhay ko. Lahat ng kilos ko naka-fast forward. Yung adrenaline rush ko sobra-sobra.

Pero parang naging mabagal ang lahat ng pababa na ako ng hagdan. Ang kaninang pakiramdam ko na naka-fast forward ang lahat parang naging slow motion. Nakita ko siyang tumayo mula sa kinauupuan niyang sofa. Nakatingin siya sa akin at nakangiti, showing his perfect set of pearl white teeth. Nakalabas din ang dimples niya, yes with 'S' dahil may dimples siya sa magkabilang pisngi. Unti-unti siyang naglakad patungo sa hagdan upang salubungin ako. Pakiramdam ko Prinsesa ako at hinihintay ng lahat ang aking grand entrance. Matapos ang pakiramdam ko ay napakatagal kong pagbaba sa hagdan ay sa wakas naabot ko din ang kamay ni Seb. Ngumiti rin ako sa kanya ng pagkagiliw-giliw.

''Oh nariyan ka na pala hija, hala sige umalis na kayo at baka naiinip na ang ka-meeting ninyo'' biglang nagsalita si Nanay Lilian.

Natawa ako sa isip ko. Minsan panira din ng moment si Nanay Lilian e. Yung moment na pakiramdam ko Prinsesa ako na nakasuot ng magarang damit tapos sa isang iglap bumalik sa normal ang lahat. Ilusyunada rin naman kasi ako. Masama ba iyon? Ngayon ko lang kasi naramdaman ang ganoon.

''Let's go?'' nakangiting aya ni Seb.

Tumango lang ako. Hawak pa rin niya ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng bahay. Kanina akala ko kasama pa din sa ilusyon ko ang paghahawak kamay namin, pero totoo pala. Yumuko ako at napangiti ng palihim.

Ipinagbukas niya ako ng pinto sa passenger seat at inalalayang makaupo. Saka siya patakbong umikot patungong driver seat. Pagkaupo niya ay inilapit niya ang katawan niya sa akin. Ang braso niya ay nakapatong sa tiyan ko, hindi naman siya nakahawak sa akin o sa kahit anong parte ng katawan ko. Pakiramdam ko ay nanigas at nanlamig ang buong katawan ko.

''Relax'' nakangiting sabi ni Seb.  ''Ikakabit ko lang ang seatbelt mo lagi mo na lang kasing nakakalimutan'' patuloy niya.

Nakahinga ako ng maluwag pero hindi ko pinahalata sa kanya. Sinikap kong ngumiti sa kanya.

''Sorry, and thank you na din'' sabi ko sa kanya ng makaayos na siya ng upo at nagkakabit na rin ng sariling seatbelt.

''It's okay, I'm the driver kailangan masigurado kong ayos at ligtas ang sakay ko'' nakangiti pa rin turan nito.

Binuhay na niya ang makina, ilang sandali lang ang pinalipas niya at saka niya ito tuluyang pinalakad. Tahimik lang kami sa byahe, nakatuon lang sa daan ang atensiyon niya. Ganoon rin ang ginawa ko, pero paminsan-minsan ay lumilingon ako sa kanya. Iba na ang aura niya ngayon. Maaliwalas na ang mukha niya kahit seryoso siya. Hindi katulad dati na parang pasan niya ang daigdig. May parte ko na gustong malaman ang nakaraan niya. Naniniwala kasi ako na kung ano man ang mayroon at nangyayari sa'yo ngayon ay may malaking bahagi doon ang nakaraan mo, dahil ang nakaraan ang humuhubog sa atin sa kung ano tayo sa kasalukuyan.

''Hey stop staring at me, nadi-distract ako sa pagda-drive e'' reklamo niya. ''May dumi ba ako sa mukha?'' pagkuwa'y tanong niya.

Hindi ko namalayang napako na pala ang tingin ko sa kanya sa kaiisip ng kung anu-ano tungkol sa kanya.

''Sorry, wala kang dumi sa mukha. May iniisip lang ako'' nag-aalangang tugon ko saka isinandal ko na ang ulo ko sa salamin ng sasakyan niya para sa daan na talaga matuon ang atensiyon ko.

Nag-vibrate ang cellphone ko, tanda ng may nag-text. Napakunot noo ako ng mabasa ko ang text ni Mommy.

''Enjoy your date anak. You're Mamita and I are happy for you. We hope to mee  him soon. Take care baby, we love you!''

The Cupid Inside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon