[Sharlene's POV]
"Ah.. Hello? Ate Mariel? Bakit napatawag po kayo? Mei schedule po ba akong nakalimutan?" sabi ko kay ate Mariel, ang manager ko, sa CP.
"I just want to remind you na yung show mamaya, huwag mong kalimutan ha? Pumunta ka dito sa studio mga 6pm para 'di tayo mahuli, okay?"
"Ok po." binaba ko na ang cellphone ko.
"O, ano raw sabi ng manager mo?" tanong sa kin ni Mika, ang bestie ko.
"Ang show daw mamaya, pinapaalala niya sa kin.." sagot ko at nagpatuloy na nagsusurf sa net sa Ipad ko, wifi kasi.
Oo nga pala, andito kami sa cafeteria ng school namin. Break kaya kami nandito.
Ako nga pala si Sharlene San Pedro, isang teen singer at the same time actress dahil baka nalilito kayo kung bakit may tumawag na manager sa kin. Di ko ako nagyayabang ha?? XD
"May show ka palang pupuntahan? Bakit 'di mo sinabi sa kin? Anung show ba yan?" sunod-sunod na tanong sa kin ni Mika.
"SABOGSHHH!" sigaw ko, naglalaro kasi ako eh..
Biglang napatingin ang mga estudyante sa paligid sa kin..
"Ayy, sorry po..hehe..Ano nga ulet yun, Mika?"
"Sus, di ka naman nakikinig eh. Sabi ko anong show ba yung pupuntahan mo mamaya?"
" 'Di ko alam eh. Pero sabi ni ate Mariel, We Got Married daw yung show.."
"ANO?! Ang WGM??! <We Got Married> OMG! Friend! Haba ng hair mo ha! Kikiligin na naman ako.."
Naguluhan ako sa expression ni Mika
"O, bakit mas excited ka pa kesa sa kin? Ano ba yang WGM na yan ha?? Ano ba yang We Got Married na yan?" Wala akong alam na ibang show eh. Pagdumadating naman ako sa amin, relax o tulog kaagad ako kaya hindi na ako nakapagnunuod ng TV.
"Ano ka ba! Hindi mo ba alam yang show na yan?! Ibig sabihin nun, ikaw ang napiling celebrity naipipair up with another celebrity tapos magiging married couple kayo para ipakita sa mga tao what life would be like if you were married..Di ko talaga palalampasin 'to.."
"ANO?!" gulat na gulat din ako. Hindi ko akalin na ganun pala yun. Akala ko magiging guest actress ako or host.
Saka hindi pa ako handa. Di ko alam kung ano ang isang married life. Di ko keri to! x(
"Oo! Tapos, titira kayo sa iisang bahay ng hubby mo. Pero may nakabantay naman na camera. Ipapakita dun ang cheesiness niyo sa isa't isa. Eiiiiiieee..Kikiligin ako sa inyo talaga..Sino ba kasing magiging hubby mo sa WGM?"
"Di ko alam eh. Hoi!" biglang hinablot ni Mika ang Ipad ko sa kin. Di pa naman ako tapos magpalevel ng Ninja Saga ko.
"Ano bang ginagawa mo jan?" dugtong ko.
"Aalamin ko kung sino ang magiging hubby mo..eto.eto..We Got Married New Couple.. Sharlene San Pedro is paired with.....Nash Aguas? WHAT?!?!"
"Anong what jan hoi..Sino ba ang magiging partner ko??"
"Lyn! Si Nash Aguas ang magiging hubby mo! Si Nash!! Aisssshhhhh!! XD Kinikilig na talaga ako kahit hindi pa nagsisimula ang show. Panunuorin ko talaga kayo this night. XD"
"Sino ba kasi yang Nash na yan? Patingin nga." tinignan ko yung Ipad.
Kung ganun ito pala si Nash Aguas?? Wow..Ang gwapo.. XD
"Ito ang magiging kapartner ko?!?! Ang gwapo Mikz! (Mikz ang tawag ko kay Mika) Excited na akong makilala siya.."
"Makilala? Hindi mo pa siya kilala? Ano ka ba Shar! Basta pagdating sa showbiz ikaw lang ang nakikilala mong celebrity, heller! Marami pa kaya jan noh!"
"Ayy..Basta.. This is fun! Excited na ako. Akala ko yung sinasabi ni ate Mariel magiging guest lang ako. Pero 'di pala.."
BINABASA MO ANG
We got married (NashLene † Jailene † AnIka † NLEX † KathNiel † FrancElla † Jadin
Hayran KurguSabi nila... Ang LOVE mararamdaman lang kahit saan, kahit anong oras o panahon at kahit sinong tao... Pero paano kung mararamdaman mo ito sa pamamagitan ng isang... GAMESHOW ??? Kung tawagin nilang.. We Got Married?? Itutuloy mo pa ba ang nararamdam...