FRB (3)

24 1 0
                                    

"Nuh-uh-uh." Nag-iisip ako ng idadahilan then biglang nagliwanag ang mukha ko nung maalalang nakadress pala ako. "I'm wearing dress!" Stupid Jerk! "Baka makita ang Bataan ko kapag sumakay ako diyan!"

Binitawan niya ang kanyang motor at inalis ang kanyang helmet. Tinignan niya ako ng masama at bumaba ang tingin niya sa flawless legs ko. Sabi ko na nga ba't pare-pareho lang ang mga lalake! Tanging magandang mukha, sexy'ng katawan at long and flawless legs ko lang ang habol nila!

Kaagad din siyang umiwas ng tingin, nasilaw siguro sa puti ng legs ko at hinubad ang kanyang black leather jacket.  Nabwisit ako nang batuhin niya 'yun sa akin, pasalamat siya dahil alerto ako kaya nasalo ko 'yun. Pwede namang iabot ng maayos noh?! Kailangan ba talagang batuhin?! Bastos talaga!

"Cover your fucking legs."utos niya.

"Fuck you very much!"

Ang utos ng hari, kailanma'y hindi mababali. Kesa sa magreklamo ako at magbulakbol, sinunod ko na lang ang sinabi niya. Tinali ko sa maliit kong bewang ang itim niyang jacket. Okay. Nagsisisi na ako ngayon kung bakit nagsuot ako ng dress.

Pagod na akong makipagtalo sa kanya. Sinabit ko na lang sa braso ko ang mga paper bags dahil baka mamaya eh lumipad na lang sa ere ang mga 'to. Kating-kati akong sipain ang motor niya kaso takot ko lang na ako ang sipain niya pag ginawa ko 'yun.

Umangkas na ako sa likuran ng motor niya at humawak sa laylayan ng t-shirt niya. Asa naman siyang yayakapin ko ang bewang niya!

Nilingon niya ako. "You want to.."he said in a warning tone. "..die?"

Napamura ako sa isip ko nang kunin niya ang braso ko at ipalupot 'yun sa bewang niya. Naamoy ko ang mabango niyang cologne na bagay na bagay sa matipuno niyang katawan.

"Kung ayaw mo na sa buhay mo, bumitaw ka lang mamaya."pahabol niyang sabi bago isuot ang helmet niya.

"Syeeet!"nasigaw ko nang mabilis pagkatapos niyang pinaharurot ang motor.

Pumikit ako at kinagat ang labi ko. Hindi ko nga alam kung nakatapak pa sa lupa ang gulong ng motor niya o lumilipad na kami sa ere. Dahil nakalapat ang katawan ko sa katawan niya, amoy na amoy ko ang bango niya. Pati sa amoy, ang lakas ng dating niya, gustung-gusto ko ang pabango niya, presko sa ilong.

Halos hindi ko na mabuksan ang mga mata ko sa sobrang lakas ng hangin na tumatama sa mukha ko. Hindi ko na rin mabilang ang mga poste at sasakyang nalalampasan namin dahil ang bilis ng pagda-drive niya. Lahat ng santong kilala ko, tinawag ko at nagmakaawang buhayin pa ako pagkatapos nito.

"We're here."sabi niya at tumigil na ang motor.

Bago ko pa alisin ang kamay ko sa bewang niya ay mabilis niyang tinabig ang kamay ko paalis! Akala naman niya gusto kong yakapin ang bewang niya?! Ha! Potassium talaga!

Pagbaba ko ng motor niya, naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Syet! Buhay pa ako! I'm still alive! Thank you Lord! Masamang damo talaga ako! Nanginginig ang buong kalamnan ko sa sobrang takot.

Nakita ko ang pagngisi niya nang makita ang reaksyon ko. Calm down, Venice! You're safe at anong drama 'yan?

Pinigilan ko ang panginginig ng tuhod ko at tinaas ang noo ko. Ganyan lang. Huwag mong ipapakitang maaatake ka sa puso.

Inalis ko ang jacket na nakatali sa bewang ko. "Oh! Eto na!"

Kinuha naman niya 'yun pero hindi sinuot. Pinatong lang niya sa upuan ng motor niya.

"Venice.." Sabay naming nilingon si Chloe na papalapit sa amin. "Thank God you're safe!"

Talaga lang? Eh balak ata akong patayin ng anghel kong pinsan dahil sa dinami-rami ng pwedeng  samahan ako, 'yung demonyo pa!

Feeling Rich ang BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon