Chapter 46

1.4K 62 22
                                    

Rhian POV

Ang sweet sweet ng asawa ko. Biruin mo, pag gising ko ngayon, napapaligiran ako ng petals ng red roses.

Tas may flower pang nakaheart shape at sa gitna nito ay mayroong pagkain for me. There's milk, sunny side-up, two slices of bread and hotdog. Nakakatouch talaga ang kasweetan ng love ko.

May letter pang iniwan.

"Eatwell my love."

After reading eat. Kumain na ako, ganado akong kumain, syempre si Love gumawa eh.

After that, Tumayo na ako and then I went to the C.R para maligo. Actually, gusto ko talagang magbabad lang sa tubig. Kaya yon talaga ginawa ko hanggang sa nakaramdam na ako ng lamig, saka lang ako namadaling magsabon at magbanlaw.

Pagkatapos noon, pinatuyo ko na ang buhok ko at lumabas ng banyo.

Naghanap ako ng damit, actually, puro maternity dress na ang suot ko eh. Namimili lang ako ng kulay na isusuot. Tapos napili kong isuot yong pink ang kulay.

Girl na girl diba? Trip ko ngayon ito eh. Ang cute kasi. Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako ng kwarto at naglibut libot sa bahay.

Kinumusta ko ang mga tao dito, para naman may kausap din ako. Wala kasi ang love ko.

After a while, bumalik na rin ako sa kwarto. Humiga ako sa kama, at ramdam na ramdam ko ang ganda ng araw ko.

Pero dumating si glaiza na parang takot na takot. Parang nakakita ng multo.

Mabilis syang naglakad papunta sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Love, what's wrong?" Tanong ko sa kanya. Nag aalala ako sa kanya.

"Love, si Solenn. Nakatakas si Solenn." Nanginginig ang boses na sabi ni Glaiza sakin.

"Ano? Paano?" Nagulat ako sa sinabi niya. Pati ako ngayon ay nakaramdam ng takot.

Ano na mangyayari ngayong nakatakas sya? Guguluhin nya ba kami ulit? Nasa danger na naman ba ulit ang buhay namin?

"I receive a call telling na nakatakas daw ito kaninang madaling araw. Love natatakot ako." Sabi ni Glaiza sakin.

"We have to be careful love. Wag na tayong lalabas dito sa bahay." Sabi ko sa kanya. Atleast dito sa bahay, safe kami. Alam kong safe kami. Walang makakapasok dito.

Maya maya dumating din ang parents ko.

Nasira na talaga ang araw ko dahil sa Solenn na yan. Nako! Tahimik na buhay namin eh, tapos nandito na naman sya.

My parents are worried sa kung ano ang pwedeng mangyari. Pero sabi nila hinahanap naman daw si solenn. Hindi daw titigil ang mga police hanggat hindi sya nahuhuli ulit.

Diyos ko, sana naman mahuli na ulit sya. Malapit na akong manganak, ayokong mapahamak ang babies ko.

Nagkagulo na kami sa bahay.

My parents decided to stay here hanggat hindi pa nahuhuli ulit si solenn.

She could be anywhere. Kailangan naming maging maingat.

I look at Glaiza and she's looking at me too. Alam kong nag aalala sya sakin pati sa babies namin.

"It's okay love." Sabi ko sa kanya. Saka ko sya hinalikan sa lips.

"I'm worried about you love, pati sa babies natin. Ano pa ba ang gusto nyang mangyari? Hindi ba sya nagsasawa sa mga ginawa nya satin?" Sabi sakin ni Glaiza.

"We don't know kung kailan nya tayo guguluhin." Sagot ko sa kanya.

Hindi ko talaga alam. Grabe naman ang hugot ni Solenn kung guguluhin nya pa ulit kami.

Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip eh. Kaya nagpunta ako sa kusina at nag prepare ng snack for them para naman malibang ang isipan naming lahat.

_________________________

Glaiza POV

Before I left, I made sure na paggising palang ng asawa ko, mapapangiti ko na sya. Kailangan ko kasing pumunta sa boutique to do stuffs. Kaya before ako umalis, kumuha muna ako ng madaming flowers and I took all the petals, and spread it all over the bed. Palibot kay love, tapos sa tabi niya, naglagay ako ng food sa tray at nilagay ito sa loob ng nakaheart shape na flowers. Then, naglagay pa ako ng letter for her to eatwell.

Then after that, I kissed her cheek, and I went to the garage and drove papunta sa boutique ko.

On my way, I can't help but smile, knowing that any minute now, magigising na ang mahal ko. Ayaw ko sana syang iwan, kaso kailangan ko talagang pumunta sa negosyo ko.

I was at my boutique, when I received a call na nakatakas daw si Solenn.

Napamura ako, at nagmadaling umuwi. Habang nasa byahe ako, palingom lingon ako sa bawat madadaanan ko, I was so scared na baka nasa paligid lang si solenn, na anytime, may babaril sakin, o kung ano man.

Nanginginig ako sa takot hanggang makarating ako sa bahay. Patakbo akong pumasok para puntahan si Rhian.

Her sweet smile fades, pakakita nya sakin. Alam kong masisira talaga ang araw nya pagsinabi ko ang nalaman ko, pero kailangan nyang malaman. Para na rin makapaghanda sya. Kami sa posibleng mangyari.

When I told her what my problem is, nagulat sya, at napalitan ng takot ang mukha nya.

Hindi ko alam kong pano ko sya proprotektahan, knowing na baliw si solenn, baka bigla na lang syang sumulpot sa kung saan.

Then yong parents ni Rhian dumating, I feel relieved, atleast I know na may kasama kami sa problemang ito. And I know na hindi nila kami papabayaan.

I called my parents and told them what happened. They are so worried. Gusto nilang pumunta dito, pero I told them na wag na, kasi delikado.

Wala naman silang magagawa. Pero gusto nila palagi kaming mag kokontak sa kanila.

Habang busy kami sa pag iisip sa kung ano ang mga dapat naming gawin, pumunta si Rhian sa kusina para gawan kami ng snack.

Wala ba talagang balak si Solenn na tumigil sa kabaliwan nya? Kahit wala pa syang ginagawa ngayon, I know na gagawa pa rin sya ng masama samin. I just hope na this time, hindi sya magtagumpay.

I will do anything, para hindi nya kami magalaw. Lalo na si Rhian at ang mga baby na namin.

Bumalik si Rhian samin na may dalang tray, kaya tumayo at inalalayan sya. Then umupo kami na magkatabi, I am holding her hand.

Grabe talaga ang nagawa samin ni Solenn. Ngayon, para kaming mga batang takot na takot sa isang multo.

Tingin ko nga natrauma na ako, sa ginawa nya samin. If only, I can be a bad person, para matigil na ang kasamaan nya, pero hindi ko kaya.

I just hope na mahuli na sya para maging maayos na ang mga buhay namin.

Tinawag ko lahat ng mga tao sa bahay, para malaman nila ang mga hindi dapat gawin dito sa bahay.

I told not to let anyone in the house except sa parents ni Rhian at kay Alvin.

Tapos simula sa araw na ito, Si Mari na ang mga gogrocery. Siguradong hindi naman siya kilala ni Solenn.

Hindi na muna kami lalabas ng bahay hanggang sa araw na manganganak na si Rhian. At sa araw na yon, sisiguraduhin kong ligtas ang mag iina ko.

******************

Hello, Good afternoon. 😊

🔚

Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon