Chapter 55: Mistake & Consequence

96 1 4
                                    

Matapos kong maiiyak lahat ng nararamdaman ko nahiga na lang ako sa kama ko.

Sa ilang oras ng pag iyak at pag iisip nalinawan na rin ako. Pero kahit naging malinaw na sakin ang lahat wala na kong magagawa pa. Nahuli na akO at hindi ko na maaaring bawiin lahat ng nagawa ko na.

The damage has been done marami ng nasaktan.

Hindi na ko lumabas hanggang sa maramdaman kong may pumasok.

Nagtalukbong n lang ako at nagkunwaring natutulog na.

" I am so disappointed to Axel. I never thought he can do this to sissy. " -Nikka

" Baka sa simula pa lang yun na talaga habol nya kay Aeries. Manyak pala siya. " Komento naman ni Wendy.

" I don't think so. I know Axel loved Xandy for sure, nung nasa States kami wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan ni Xandy, he's even willing to sacrifice his self in exchange of Xandy's safety. Ang hindi sakin malinaw, how Axel came to this situation. " Sa tono ng pananalita ni Nikka alam kong nag aalala siya at nagtataka.

" Wala na tayong dapat pagtalunan pa dito, kung mahal ba nya talaga si Aeries o hindi. Nagawa na niya ang nagawa niya. Masagot man yung mga tanong natin hindi pa din non mababago ang katotohanang pinagtangkaan nya ng masama si Aeries and there's no acceptable reason for doing it. " Mahabang litanya ni Gladys.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nung dalawa.

" Haayy.. Kawawa naman ang sissy ko. She don't deserve any of this aches." Salamat Nikka. I know you're really concerned about me and I am really lucky for having all of you as my friends.

" What ever happens, si Aeries pa din ang magdadala ng sitwasyon. Lahat ng consequence and complications matapos ng nangyaring to... Only Aeries can handle the situation but of course we're here to support and help her in any way we can. "-Gladys

"Tama ka Gladys. Andito lang tayo for Aeries. That's what friends are for. "

"Huwag kang masyadong maingay Wendy. NAgpapahinga na Si Aeries baka magising pa. " Saway naman ni Gladys.

Maya maya pa narinig ko na ang pag aayos nila sa sarili para maghanda sa pagtulog.

I am very much thankful for having them. Masaya ako na nakilala ko sila at sa mga panahong ganito alam kong sila ang matatakbuhan ko.

Pero tulad ng sabi ni Gladys ako lang ang makakaPaghandle nito. They will just stay at my back for support. Sa huli, ako pa rin ang magdedesisyon kung anong tatahakin ko.

Napakatanga ko dahil huli na ng mapagtanto ko lahat lahat. Kinailangang pang humantong sa ganito bago ko pa marealized ang isang bagay na dapat noon ko pa alam.

Nasa harap ko na tinalikuran ko pa...

Hahawakan ko na lang itinulak ko pa...

Nakikita ko na nga pero pinili ko parin ang pumikit... 

Nasa akin na ibinigaY ko pa sa iba...

Masaya na nga ako noon pero hindi ako nakuntento, inisip kong mas may magpapasaya pa sakin kaya naghihinagpis ako ngayon.

Sabi nga laging nasa huli ang pagsisisi. Hindi naman nga natin alam na magsisisi pala tayo.

Pero mali...  hindi sa hindi natin alam ang isang bagay, pinili lang kasi natin ang magbulag bulagan at magpakatanga kaya bandang huli nagsisisi tayo. Dahil sa una pa lang naman talaga nararamdaman naman na natin kung ano ang tamang gawin, nakikita na nga idideny pa.

Kaya ngayon, eto ako at iiyak na lang kasi pinili kong magpakatanga. Nagbulagbulagan ako sa nakikita at nararamdaman ko.

Nagsisisi na sana pinakinggan ko ang puso ko at hindi ang isip ko.

Sana ngayon masaya ako...

Sana ngayon mahimbing ang tulog ko...

Sana ngayon inaalagaan pa rin nya ko...

SAna ngayon ako pa din ang mundo niya...

Sana ngayon ako pa rin ang PRINSESA nya...

Ang daming sanang nasayang.

Ang daming panahong winaldas.

Ang daming masasakit na salitang naibigkas...

Ang daming luha ang pinaalpas...

Pero kahit ilang balde pa ang iluha ko ngayon, hindi na non mababago ang katotohanang nagkamali ako.

Sana noon pa lang inamin ko na sa sarili ko.

Sana naniwala ako sa bawat kabog ng puso ko.

Ngayon wala na kong pag asa....

Kahit pa ipagsigawan kong si Kiann Jasper Dominguez ang mahal ko.

Tanging ang silid lamang na ito ang makakasaksi sa sakit na naramdaman ko.

Sa lahat ng pagsisisi ko.

TAma ng ang silid na lamang na ito ang maging piping saksi sa sa sakit na ako mismo ang may gawa.

There will be no second chance. Alam ko yon, hindi totoo ang second chance.

Para lang yon kay Popoy at Basha at hindi kami iyon.

Ako si Aeries at siya si Kiann, ibang istorya kami. Ibang personalidad kami.

This is the consequence of my foolishness.

To remain silent of what my true feeling is.

To stay away from the man I love cause he's haviNg his.

To see him from afar with the girl he loves.

To let him become happy because of her and not because of me.

To bear in mind that she's better than yours.

That he has his priority and that is not YOU.

To accept the fact that he has his new PRINCESS.

Masakit? Oo! Sobrang sakit!

Pero dahil tanga ka Aeries Xandria.... Magtiis ka!

Dahil hindi mo na maibabalik pa ang nangyari na.

Magmamahal ka na lang ng patago.

Hindi mo na masasabing mahal mo siya.

Oo....

Hindi ko na masasabing....

Ikaw ang mahal ko Kiann noon at ngayon...







Sorry po for being so late sa bawat update ko..

MaY pinagdadaanan lang po ang lola niyo at ayoko pong magsulat na magulo ang utak dahil baka po mamaya gumulo din po story nila Kiann, Axel at Aeries.

Hindi ko po mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yon.

Anyways... Finally narealized n ni Aeries kung sino talaga mahal niya.

Ang tanong my chance pa ba?

Please stay reading... 😘😘😊😊

Super thank you p din po sa patuloy na nagbbasa sa story ko na to. Sana po hindi kayo magsawa at mainip.

Maraming salamat po!

Pls. Vote and comment!

Thank you!

I love you all!

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now