This chapter is dedicated to Ms. Theimaginaryghurl! 😊😊😊😘😘😘
Thank you!
Kinabukasan...
Pag gising ko wala na sila Nikka, Wendy at Gladys sa mga kama nila.
Napabuntong hininga na lang ako.
Maya maya pa may narinig akong kumaluskos sa bandang c. r, nakita kong lumabas don si Emily.
Medyo nagulat pa siya pero ngumiti din naman siya agad sa akin ginantihan ko na lang siya ng ngiti.
"Mahimbing pa kasi yung tulog mo kanina kaya hindi ka na nila ginising. "Sabi nya sakin habang nagpupunas ng towel sa buhok nya.
Tinutukoy niya sina Nikka, Wendy at Gladys.
Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.
Tumayo na rin ako para maghanda sa pagligo.
Naririnig ko pang pakanta kanta si Emily sa harap ng salamin.
Ikaw ni Yeng Constantino yung kinakanta niya. In fairness to her maganda pala boses niya.
Halata mo sa kanta niya na masaya siya. Bakit nga ba naman hindi? Ikaw ba naman ang maging girlfriend ng isang Kiann Dominguez? Napakaswerte mo na. Heartthrob man, sigurado ka naman na loyal at ikaw lang ang mamahalin nya pag sinabi nyang mahal ka niya. Aalagaan at ipaparamdam niya sayong espesyal ka sa lahat ng espesyal, hindi ka pa ba sasaya ng ganon?
Napabuntonghininga na lang ulit ako. Napalakas yata yun kaya napalingon sakin si Emily.
"May problema ba?... "
".... iniisip mo ba yung nangyari kahapon? "Napatuwid ako ng tayo dahil sa tanong niya. Nakita kong napatakip siya sa bibig nya.
"Sorry Aeries for being insensitive. Hindi ko na dapat pinaalalA yun sayo. I'm so sorry. "Sinasabi nya yun habang mabilis siyang nakalapit sakin at hinawakan ang mga kamay ko.
I looked at her with surprised. I really saw sincerity in her eyes plus the warmth of her hands telling me that she's here to lean on.
Ibang iba sa bruha at malditang Emily na nakilala ko noon. Ganito ba siya nabago ng pagmamahal ni Kiann? Ganito ba talaga ang nagagawa ng pagmamahal mo Kiann? Bakit hindi ko man lang nakita yun?
Buhat sa mga naisip ko hindi ko namalayang umiiyak na pala ko.
Niyakap ako ni Emily at hinagod hagod ang likod ko.
"Ssshhh.. Sorry talaga Aeries. Alam ko mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon."
Oo sobrang hirap! Napakahirap na yung taong mahal mo may mahal ng iba.
"But we have to move on and go on with our lives... It's the least thing I can say for now Aeries.. "
Tama. Pag move on na lang ang pwede kong gawin dahil nasayo na siya. Ikaw na ang mahal niya.
" But believe me Aeries. I'm also here if you need someone to talk to. I can also be your friend and not an enemy no more. Sorry for all the things I have said and done. "
Pwede ba kitang kausapin para sabihin sayong mahal ko ang boyfriend mo? Sigurado akong kakamuhian mo lang ako ulit. Sigurado akong lalayo na ulit ang loob mo sakin kasama ni Kiann sa isiping sisirain ko ang magandang relasyon na meron kayo ngayon.
Inalis niya ang pagkakayakap niya sakin at tiningnan ako. Ngumiti siya sakin.
"Friends?" She asked me.
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Novela JuvenilPlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...