Chao's POV
Isang linggo na ang nakaraan mula nang tumira dito sa bahay si Arthur Sean. Pero hindi ko siya kinakausap na ako ang nag-iinitiate. Why should I? Psh. Manigas siya! Bwisit.
*flashback …
“WHATT? Your SON? Your illegitimate child?”pasigaw na tanong ko kay Dad.
“Tsk.” dinig kong sabi nung Arthur.
“Seriously, Dad? But why? Akala ko ba wala kang itinatago sa’min? Please Dad. Tell me the truth.”
“Ang OA ha?!” sabat ulit nung Arthur.
At dahil rinding-rindi ako sa ‘Tsk” niya at pagsawsaw sa usapan, hindi na’ko nakatiis at inispreyhan siya ng hawak kong Baygon. Nagulat naman si Dad sa ginawa ko. Yung Arthur naman ayun, iiyak na yata. Hahaha. Team ‘Legit Family’: 1 point.
“Charlin! Where are your good manners?” galit na sabi ni Dad.
Teka, dapat ako ang nagagalit dito ahh. Bakit ako pa yung masama?
“Naiwan yata sa kwarto ko. Kukunin ko ba Dad? Sorry tinatamad ako.” sarcastic kong sagot.
Sanay na si Dad sa ugali kong ‘to. That’s why iniintindi na rin lang yata niya ang pagka-bipolar ng anak niya. Alam niya kasi na kahit anong mangyari, nahal ko siya! Ang sweet kong anak no? Beautiful din.
“Mag-uusap tayo bukas, young lady! Arthur let’s go to your room. Bukas na natin to pag-usapang lahat. And Charlin, itago mo na yang Baygon.” utos ni Dad.
What the hell? Ano yun? Bwisit. Kumukulo ang dugo ko. At bakit nag-smirk pa ang gagong anak sa labas na yun sa’kin? Bwisit! Bwisit!
Makaakyat na nga rin lang sa kwarto. Bukas ko na ibubuhos lahat ng galit at poot ko. Humanda ka!
Bago ako natulog, chineck ko muna ang Facebook, Twitter at IG ni Migz. Grabe siya lang yata ang nakakabura ng lahat ng inis ko sa katawan. Sa kanya lang umiikot ang kaligayahan ko. Siya lang sapat na!
^-^
Post ni Miguel sa Twitter:
“Had a great time with *blah blah blah … And thank you Alice for the cake.”
Shet! Imbis na mawala inis ko lalong nadagdagan. Who’s that Alice bitch? Alam kong hindi siya close friend ni Migz. Kilala ko kaya lahat ng nasa friend list niya in real life. Poteks. Nagseselos ako.
Kaya imbes na i-favorite ko, hindi na lang. Dali-dali akong nag-type ng reply.
“Hey Migz, sino si Alice? At bakit tinanggap mo yung cake na bigay niya? Baka may lason. Wag mong kakainin!”
Sabihin niyo nang OA ako eh OA fangirl naman talaga ako. No one touches my Miguel. Ako lang!
At gaya ng dati, hindi na naman niya napansin ang tweet ko. I’m so kawawa tonight. Feeling betrayed and cheated!
-.-
*Kinabukasan
Nagbbreakfast kami ngayon and guess what? At home na at home na talaga ‘tong si Arthur ba yun? Bwisit. Grabe makasipsip kina Dad at pati kay Mom. Wala yata ang word na hiya sa vocabulary niya. Ang kapal!
“All right, dahil late na kagabi dumating si Arthur hindi ko na siya naipakilala nang maayos sainyo.” pagsisimula ni Dad habang kumakain kami.
Pasubo na sana ako nung omelet na kanina ko pa dinurog-durog nang di ko mapigilang di magsalita.
“Of course Dad! Kilala ko na siya. Your bastard, right? Tsk.” sabay irap kay Arthur.
“Charlin! Your manners miss!” saway ni Mom.
Ok. Pati ba naman si Mom pabor sa bastardo ni Dad? Himala. Ngayon lang yata ako nakakita ng asawa na di nagalit matapos makilala ang anak sa labas ng asawa niya.
“Look, Charlin. Alam kong naguguluhan ka dahil sa sinabi ko sa’yong he’s my son last night. Ang totoo niyan. . .” pabitin pa si Dad.
Shet. Bakit may feeling akong hindi ko magugustuhan ang kasunod na sasabihin ni Dad? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Last time I check, tuwing nakikita ko lang ang picture ni Miguel ganito kalakas na tumibok ang puso ko.
“I’m your fiance.” walang hiyang sabi nung Arthur.
Muntik na’kong mabulunan. Inabot agad sa;kin ni Mom yung juice para mainom ko. Bwisit,
“WHAT?” pasigaw na tanong ko.
“I said I am your fiance. And you know what? Congratulations! Ang swerte mo sa’kin!” nakangiting bwisit na sagot niya.
*end of flashback
Hanggang ngayon kapag naaalala ko yung sinabi niya ay naduduwal talaga ako. Bitch please? Hindi ako nabuhay sa 21st century para lang sumunod sa makalumang tradisyon ng pag-aasawa. At isa pa si Miguel lang ang papakasalan ko, magkamatayan man.
Andito pala kami ngayon sa airport. May business trip kasi sila Mom and Dad sa Europe kaya inihatid namin ni Louis. Syempre kasama rin yung asungot na Arthur. Feeling close na talaga eh.
“Ingat kayo dito anak. Alagaan mo kapatid mo. Wag kayong away nang away. Babalik na rin sina Manang sa makalawa para tulungan kayo. Behave!” paalaala ni Mom sa’kin.
“Yes Mom. Don’t worry ako na’po bahalang dumisiplina kay Louis. “ *insert evil grin here.
“No Mom. Baka kung ano pa gawin sa’kin nyan ni Ate.” angal naman ni Louis.
“Don’t worry brother-in-law, ako ang bahala sa Ate mo.” sabat na naman nitong kutong lupa na’to
>.>
“Hoy di ka family member so pwede? manahimik ka. Alis ka na nga! Shoo! Balik ka sa Mars.” gigil na sabi ko sa kanya.
“Hmmm.. Wag nga kayong mag-away palagi. Tandaan niyo magiging mag-asawa kayo someday. And Arthur, wag mo sanang sisirain ang tiwala namin. You know what I mean. Sige alis na kami.” bilin ni Dad.
“Yes Dad! Don’t worry ako na’po bahala sa maarte at masungit niyong anak. I’ll make sure na mamahalin niya ako ng sobra!” sabay kindat sa’kin.
Yuck! Nakakasulasok sa paningin. Bwisit! Asa pa siya! Nasusuka na naman ako.
One month na mawawala sina Mom and Dad. Nagkaproblema daw kasi yung isang branch namin sa Italy. At kailangan nilang asikasuhin yun.
Meanwhile pauwi na kami ngayon sa bahay. Si Arthur ang nagddrive. Nakaupo ako sa passenger’s seat. Si Louis naman ay sa likod. As usual busy ako sa tab ko. Andaming new updates tungkol kay Migz. Grabe kikikilig ako. Kaya walang mang-iistorbo sa’kin!
*<3 <3
“Uhm. Kuya Arthur, may pupuntahan pa kasi ako. Pwede pakihinto sa tabi. Sorry mamaya na’ko uuwi.” sabi ni Louis.
“Ok Louis. Magtext ka na lang kung kailangan mo ng sundo mamaya. I’m sure willing ang ate mong sunduin ka!” nambwisit na naman.
Hindi na’ko umimik. Masisira na naman ang mood ko. Pinagsabihan ko na lang si Louis na umiuwi agad siya. Teka san ba pupunta yun? Sus, baka may date siya. Walangya 13 pa lang siya lumalandi na. Inunahan pa’ko.
Narealize ko na lang na nag-U turn na pala ang gago. Dahilan para mawala ang atensyon ko sa kung ano man ang ginagawa at binabasa ko sa tab.
“Teka hindi eto ang daan pauwi ha? San ba tayo pupunta?” ayan sinisigawan ko na naman siya.
“Diba sabi ko I’ll make sure na mamahalin mo’ko ng sobra? Uumpisahan ko na ang pagpapakilig sa’yo.”
-.-
Dug dug dug. Traydor ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Occupation: Fangirl
HumorMeet Charlin Hanna G. Zamora aka Chao, our ultimate super mega to the universe and back fangirl! How far can she go to chase her one great love? Or should I say obsession?