Mission Impossible: Date The Famous Blake

107 1 0
                                    

PROLOGUE: 

THE FAMOUS BLAKE MENDOZA BROKE THE HEART OF THE PRESIDENT'S DAUGHTER JASMINE BAUTISTA. 

Nakakairita, nakakainis! Ano bang problema ng lalakeng ire? Masyadong masama ang ugali, nakakasira ng umaga! Eh kung isakal ko kaya sakanya yung mga puso ng mga babaeng sinaktan niya, tignan natin kung buhay pa kaya siya ngayon? nakakairita talaga pramis!

Tinapak-tapakan ko yung newspaper na binili ng tatay ko kanina sa labas, aba! Sayang lang ang papel, sayang ang mga puno kung lalagyan lang ng mukha ng gagong to! Wag lang magpapakita sakin to bukas, humanda siya sakin! Yes, bukas.. classmate ko siya, schoolmate ko siya and worst seatmate ko siya!

"Arghh! Nakakaasar!!" Nagulat ako ng bumukas yung pinto at niluwa nito ang bestfriend kong si Sandra. 

"Oh bakit nakakunot nanaman yang noo mo?" Kinuha ko yung newspaper na tinapak-tapakan ko at pinakita ito sakanya..

"Kaya naman pala nakakunot nanaman yang noo mo dahil, nakasakit nanaman ng babae si Famous Blake. Bakit ba napaka bitter mo bespren?" Kasabay ng pagsabi niyang yan ay may ngiting nakakaloko sa kanyang labi. 

"Shut up, Sandra!" 

Kinagabihan, hindi ako nakatulog dahil mukha niya ang bumabagabag sa ulo ko. Tsk, bakit ayaw ako patulugin nito? Nakakajongina pramis! Tsk, humanda ka talaga bukas.

Kinabukasan..

Naglalakad ako sa campus at may hawak na ballpen, tutusukin ko yung gagong yun. Pero syempre, hindi.. Kasi, hindi kami close. Seatmate kami pero, hindi kami close. Ayos ba? Kahit nga ni isang Oo at Hindi hindi ko narinig sakanya yun eh.

Pagkapasok ko sa room, kokonti palang mga tao pero nakita ko siyang natutulog dun sa desk niya. Ganyan naman lagi yan eh, matutulog tapos pag test nakakasagot naman ang malala PERFECT pa!

Umupo ako sa upuan ko pero nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sakin, at sinabi ang mga katagang..

"DATE ME, ALYS CORDOVA OR ELSE YOU'LL DIE." Sabay walk out, ano daw? Date? What?  

--

All Rights Reserved 2014.

Park Chanyeol as Blake Mendoza

YOU as Alys Cordova

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission Impossible: Date The Famous BlakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon