Matapos ang unang Entrep class niya ay ala-una y medya na. Pabalik na siya ng opisina dahil may thirty minutes pa naman siya na break para sa lunch bago ang next class niya.
"Teacher Gee may naghahanap sa inyo," bungad ni Joy sa kanya pagkapasok sa opisina. Nangunot ang noo niya. Papalapit sa desk niyang nasa pinakasulok ay may naaninag siyang nakaupo sa visitor's chair niya. Anyo pa lang nitong nakatagilid ay alam na niya kung sino.
Her heart's now on its familiar but odd beating.
"Anong ginagawa mo dito?" sabi niya hindi ito tiningnan at dumiretso ng upo sa swivel shair.
"I brought you lunch," tumikhim ito matapos masabi iyon at napabaling ang mata niya dito. Tinaasan niya ito ng kilay.
He tilted his head and slightly gazes her table bago ibinalik sa kanya ang paningin. "It's past one in the afternoon. Kumain ka na." he said while still sitting comfortably in front of her. Sumandal ito sa likod ng upuan at nagpandikwatro. Ang isang siko ay ipinatong sa gilid ng mesa niya at pinaglaruan ang labi.
She chuckled sarcastically. "What is this?"
"Lunch?" sarkastiko din nitong sabi. Tumaas ang presyon niya sa sinabi at inasta nito. Napatikhim siya at luminga-linga. Control yourself, George. Nasa opisina ka!
She heaved a deep sigh. "I know. Bakit ka nandito?" nagtaas muli siya ng kilay at kunwaring nag-aayos ng mesa.
"I heard you haven't had lunch dahil sa klase mo. Eat first before your next class."
"I can buy my own. Hindi ka na sana nag-abala."
"Elisse..."napapabuntong hininga nitong sabi.
"Fine. Thank you." Sabi na lang niya at hindi na nakipagtalo. She wonders why he's here at bakit pa may padala-dala pa ng lunch. Tinitigan niya ito at hinintay na umalis ngunit ang loko ay nanatiling nakaupo at nakatitig din sa kanya. Bahagya pang sumulyap pababa sa damit niya.
Napatingin na rin siya kung saan ito nakatingin. What's his problem?
Binalik niya ang tingin dito. "You may leave, now." Seryoso niyang sabi sabay kuha ng plastic na may take-out food at alam niyang galing sa café iyon. He brought her spaghetti bolognaise and chicken pesto. Hmmm, pasta. Naglaway ang bagang niya sa nakita. Her favorite.
"I'll wait for you," sabi nitong nagpa-angat muli ng tingin niya dito. Kung hindi siya napatingin sa relo at makitang twenty minutes na lang ay next class na niya, babarahin pa sana niya ito.
Bumuntong hininga na lang siya at nagsimulang kumain. Nakatitig pa rin ito sa kanya kaya naiilang siya ng husto. Lalo pa at napapasulyap si Joy sa kanila dito sa sulok. Wala ang ibang professor dahil may klase ang mga iyon.
"Ikaw, kumain ka na?" pigil inis na tanong na lang niya.
"Hmmm. Tapos na."
"Si Ruckus at Charlie?"
"Umalis na."
"Saan nagpunta?' wala sa sariling tanong niya.
Mabigat na buntong hininga ang nagpabaling muli sa kanya dito pagkatapos sumubo.
"Why do you want to know?" nanliliit nitong mga mata ang nabungaran niya.
Nginuya niya muna ang kinakain saka uminom ng tubig na dala din nito. "Masama ba magtanong? Bakit ikaw, nandito pa?"
"Aantayin kita," mariin nitong sabi.
"What for?"
"We'll talk—"
BINABASA MO ANG
Ravages of Desire (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturDate started: January 15, 2017 Date finished: September 1, 2018 Warning: Mature Content What does your heart truly desire? Have you ever come to a point when you feel lost and empty? When you don't know what to do to drift away from a cyclical dull...