01 Selamat Datang (Welcome)

32 1 3
                                    

"Magpapapalit po akong Peso to Ringgit, magkano ang Php30,000?" tanong nito sa money changing cashier.

"RM 2548.13 po." sagot ng cashier.

"Okay, papalit po ako, thank you." tugon ni Jam.

"Cebu Pacific Flight 5J5199 bound to Kuala Lumpur Malaysia is now arriving."

"Pucha! Late na ba ko?!" wika ni Jam sa sarili.

"Okay, eto na 'to! Malaysia here I come!" Habang nakapila sa immigration.

"Sir pakitanggal yun shades mo." utos ng immigration officer.

"Sorry po, excited lang po." paghingi n tawad ni Jam.

"First time mo lumabas ng bansa?" tanong ng immigration officer.

"Hindi po, six years ago nakapag Singapore na po ko." sagot ni Jam.

"Ano gagawin mo sa Kuala Lumpur?" pag-usisa ng immigration officer.

Napatigil si Jam. Tumitig ito sa immigration officer."Bakasyon po." biglang sagot nito.

"Para makamove on." Pabulong na sabi sa sarili.

"Here's your passport." inabot ng immigration officer na kinatakutan ni Jam dahil sa hirit nito na hindi man lang nagreact, pero mukhang simpleng natawa rin pala ito. "Mag-move on ka na." wika ng immigration officer.

Habang naglalakad sa departure area "4 na oras na biyahe, 4 na araw sa ibang lupalop ng mundo at pag move on mula sa 4 na taong pagdurusa mula ng iwan ka niya Jam! #MoveOn #FreeYourHeart #NewBeginnings #MalaysiaMovingOn #BraveHeart #Malaysia #NoteToSelf" nagpost ng picture sa IG at FB.

"Ayy boarding na, 12F pala ako." kausap ang sarili.

Malayo pa lang natanaw na ni Jam may nakaupo sa assigned seat niya na mukhang foreigner.

"Excuse me, I am assigned on that seat." wika ni Jam.

"I'm so sorry, I think I got the wrong seat row, I thought this was 13F, my bad." sagot ng gwapong binata.

"It's fine." pacute na sagot ni Jam.

"Excuse lang ha, sorry uli sir." tugon ng binata.

"Geez, nagtatagalog pala yung mokong na yun." naglalarong mga salita sa isip ni Jam.

Habang isa-isang pumapasok ang mga pasahero ng eroplano, naeexcite si Jam sa mga mangyayari sa kanya. Walang takot, bagong simulang magbubukas sa posibleng bagong pag-ibig. Makakawala na siya sa gabi-gabing pag-iyak. Habang umaangat ang eroplano palipad sa himpapawid ay iniisip niyang kalimutan lahat ng sakit.

"Good afternoon ladies and gentlemen, nandito na po ang pinakaaabang na parte ng ating paglipad bukod sa inyong destinasyon, ang palaro sa eroplano." anunsyo ng flight attendant. Naghiyawan ang mga grupo ng kabataan mula sa likod na tila sanay na.

"Ang laro po natin ay KantaHulaHugot, tatapusin niyo po ang lyrics ng kantang kakantahin namin na may hugot feels. Raise and wave your hand if you know the answer. Let's start!" Instructions mula sa flight attendant.

"Tell me..." simula ng flight attendant. Tumaas ng kamay si Jampero lumagpas yung flight attendant at inabot ang speaker microphone sa binatang nasa likod niya.

"Tell me, where did I go wrong? What did I do to make you change your mind completely?" kanta nung binatang na tila damang dama yung kanta.

Your Beksfriend Presents: Baka, Pwede Naman, SiguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon