CHAPTER SEVEN

15.4K 597 32
                                    

A/N: Dedicated to the first commenter.

**********

Ilang araw na hindi nagparamdam si Lukas. Kinabahan ako. Dati-rati kasi'y siya ang kaunaunahang nagte-text sa akin sa umaga. Kinutuban tuloy ako sa blonde girl na pinakilala niya sa akin noong nakaraan. Dahil worried kung totoo ngang magpinsan sila o ano hindi ako makapag-concetrate masyado sa trabaho, ilang beses tuloy akong napagalitan ni Evil Twin.

"Ano ba'ng nangyayari sa iyo?" tanong sa akin ni Leigh nang bumalik na ako sa desk ko.

Napahinga ako nang malalim. Tempted na akong magsabi sa kanya, pero naisip kong mayroon din siyang alalahanin tungkol kay Nikolai. Baka makadagdag lang ako.

"Wala," tipid kong sagot at inulit na lang ang memo na pinagawa sa akin ni Evil Twin.

"Leigh si Ysay?" narinig kong tanong ni Meg. Sinulyapan ko siya at nakita kong may buhat-buhat siyang makakapal na folders. Ano na naman kaya ang ipapagawa ng reyna sa kaibigan namin?

"Nasa upisina pa siya ni Boss. Bakit na naman?" halos sabay na sagot namin ni Leigh.

Walang imik na pinatong ni Meg ang mga folders sa table ni Ysay at dinikitan ng post-it. Sinilip ni Leigh ang nakasulat doon at napailing-iling. Nakisilip na rin ako.

"Pwede ba naming gawin ito for her dahil wala naman kaming masyadong ginagawa ngayon?" sabi ko.

"Zyra!" bulyaw ng Mahal na Reyna mula sa pintuan ng upisina niya. Napakislot ako. Si Leigh nama'y nataranta. Napaupo agad ito behind her desk at nagbisi-bisihan.

"Narinig siguro niya ang sinabi mo," pabulong na sabi ni Meg at umatras na para bumalik sa upisina ng amo. Nangatog na ang tuhod ko nang makitang lumapit ang bruha. Ang lalaki ng hakbang niya papunta sa working area namin.

"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na tawagan ang supplier ng escalators na hindi pa dumadating ang inorder natin two weeks ago? Ano nangyari ro'n?"

"O-opo, Architect Ramirez. T'wagan ko po," medyo ngarag na sagot ko.

"Tawagan? Ibig mong sabihin, hindi mo pa natawagan?! Kaya pala hindi pa nakararating! Napahiya na ako kay Engineer Knudsen, alam mo ba iyon? Sa team natin inasa ang mga iyon habang sini-settle pa ang problema ng kompanya with the purchasing and procurement department! Akala ko ba malinaw kong nasabi sa inyo ito no'ng nakaraang dalawang linggo?"

Nanuyo ang lalamunan ko. Gusto kong mangatwiran na nakalimutan kong gawin iyon sa dami ng inutos niya sa akin at puro urgent pa, pero wala akong lakas ng loob. Tinanggap ko na lang ang mga panlalait. Yumuko na lang ako para hindi ko nakikita ang panlilisik ng kanyang mga mata. Kaso nga lang narinig kong may dumating na bisita.

"Lukas! It's good to see you. If you're here because of the problem Engineer Knudsen told me about, please tell him it's now being taken cared of."

Kung gaano ka bagsik ang bruha sa akin, ganoon naman siya ka-sweet kay Lukas.

"I didn't come for that at all," sagot ni Lukas. Seryoso ang mukha nito. Ni hindi niya sinuklian ang magiliw na pakikitungo sa kanya ni Architect Ramirez. Nang magtama ang paningin namin, nagtanong ang kanyang mga mata. Umiwas ako ng tingin.

"Is there a problem here?" tanong ni Lukas kay Evil Twin. Napalunok ako. Susko! Huwag ka nang makiaalam! Baka lalo akong mapapasama mamaya!

Sumulyap sa akin si Architect Ramirez at nagkasalubong ang mga mata namin. Nagbababala ang kanyang tingin. Lalo akong napalunok.

"T-There's no p-problem, here," sagot ko. "We're just having a --- a conversation a-about work."

Napatingin sa akin si Lukas na tila nagdududa.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon